Rova Flexine's POV
"Ano Flex? Itutuloy mo ba ang kaso laban sa kaniya?" Kasama ko ngayon si Kianne. Nasa isang park kami matapos ang pagpunta namin sa bahay ni Valeria. Dinala niya ako rito para makapag-relax daw.
"Gustong-gusto ko, Kianne. Pero alam kong hindi naman yun uubra sa kaniya eh lalo na't mayaman siya at may personal lawyer." Yun pinoproblema ko. Masasayang lang oras namin 'pag nagkataon.
"Kahit na! T--"
"Tutal, nakuha na rin niya ang gusto niya. Si Nicky. At makita akong nahihirapan." Dyan naman talaga nag-ugat ang lahat diba? Ang maling pagmamahal niya kay Nicky ang nakasira ng pagkatao niya. Wala man lang akong nagawa para mapigilan iyon.
"So are you saying you are a loser now?! Don't be like that, Flex!" Hindi talaga to papatalo si Kianne. Basta pag galit, gora na kaagad. tsk.
"Of course not! Hindi ako magpapatalo sa kanya. It's just that we will just waste our time for that stupid case eh sa huli, tayo rin naman ang talo kahit ano pa gawin natin. They are powerful, Kianne. Ayokong may madamay pa lalo na pamilya ko." Sana maintindihan niya naman yan. Mas mabuti pang ako lang ang maka-suffer neto kaysa madamay pa pamilya ko sa kademonyohan na babaeng yun.
"Well, look Flex, I want that slut to be punished. Kung hindi yan makukulong, 'di yan matututo ng leksyon! Baka nga maulit niya pa yung ginawa niya eh." Being on jail is not enough to learn the lesson for me.
"I got your point but sa tingin mo, matututo talaga yun? I don't think so. Ang Diyos lang ang makakapa-realize sa kaniya na mali ang mga ginagawa niya. For the sake of our family Kianne, wag na lang natin ituloy ang kaso."
"If that's your decision, we will not file the case against her."
"Thank you, Kianne."
"No problem, just for you."
Ay- May kasalanan pa pala 'to sakin :/
Bigla akong tumayo. Aalis sana ako kaso pinigilan niya ako.
"Oh Sa'n ka pupunta? Ang labo mo talaga Flex." Bulalas niya.
"Alis na ako. May kasalanan ka pa sa'kin ah! Hinding-hindi ko yun nakakalimutan!"
"What I did?" Aba't nagpapaka-inosente ang koya. Tsk!
"What you did? Ayun di ka man lang nagsabi sa'king may nililigawan ka na pala! Kaynis dinala mo pa talaga sa bahay mo. Aba matinde!" As usual, tumawa lang ang mokong. -.- Ano ba nakakatawa dun?
"So what?" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Oh my.
"Nagseselos ka?" Sabay ngisi. Na-freeze ang buong katawan ko sa ginawa niya. Pesteng nilalang.
"Tigilan mo nga ako KFC! fyi, hindi.ako.nagseselos!" Sabay talikod ko sa kaniya.
Lumapit na naman siya at lumapit sa tenga ko.
"Tell the truth, Flex. Or I'll kiss you."
WTF!
Kiss mo mukha mo! Ano ka, sinuswerte?!
"Yun nga ang totoo! Hindi ako nagseselos!" Inaamin kong namumula na ako rito. Etong fast food chain naman kasi eh!!
"Well, she's my girlfriend anyway."
O.O
Totoo ba 'tong naririnig ko?
May girlfriend na siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/89238170-288-k847980.jpg)
BINABASA MO ANG
The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)
RomanceMeet Rova Flexine Levine. Ang isang babaeng may minamahal at may isang lalaking matalik na kaibigan. Si Ezekiel Nicky Burne ang boyfriend. Si Kianne Francis Cegan naman ang bestfriend. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng dalagang ito kasama ang dal...