#Chapter 43

65 2 0
                                    

Rova Flexine's POV

Nasa loob na kami ng The Paradise City. As usual, namamangha pa rin ako sa lugar na 'to. May mga pagbabago rin dito. Ngayon, mas marami ng buildings with different themes, kumbaga lahat tayo ay may kanya-kanyang hilig. So through this place, mas mamahalin mo pa talaga ang hilig mo.

"Ayan ka na naman. Tulala pa more!" Ay may kasama pala ako hahahaha sornaaa.

"Eh na-miss ko lang kasi 'tong lugar na 'to." Nag-agree siya sa sinabi ko.

"Especially dito tayo unang nagkakilala nung mga broken pa tayo sa mga ex's natin. hahaha." IKR.

"Tapos yung nabanggaan mo pa ako tas natira yung pwetan ko. Sakit nun ah." Tumawa na lang siya.

"Then niyaya kita kumain diyan tas sinabi mong ayaw mong makipag-date. Hahaha assuming ka nun honestly!" Binatukan ko naman siya. Lanyaaaa pinaalala na naman sa'kin. Tch!

"Eh ikaw naman kasi! Mali naman yung ginamit mong term! Duh."

"Kung hindi ka lang assuming, hindi ka mapapahiya hahahaha." Tsk kainis!

"Tsk whatever to you."

"Sa'n mo gustong mag-stay?" Nilibot ko ulit ang mata ko sa aking paligid at nakita ko ang isang music building.

Diyan kami nababagay dalawa.

"Dun sa building na yun oh." Tinuro ko yung Music Lover's Building. Waaaa na-e-excite akong makapunta sa loob niyaaaan!

"Sounds great. Tara." Bigla na naman niyang hinawakan kamay ko papunta roon.

Shocks! Nakakailan na 'to ah!

Hindi ako makasalita at sabihing bitawan ang kamay niya. Nakakainis lang.

Hanggang sa makarating kami sa building, nakahawak pa rin siya. Bumitaw lang siya nung nasa may entrance booth na.

"Good evening Miss and Sir. Welcome to the Music Lover's Building. The entrance fee is 500 pesos per head." Ang mahal naman. Hahaha.

Agad naman siyang kumuha ng pera sa wallet niya.

"Okay, here." Saktong 1000 binigay niya. Nakalibre na naman ako o! hahaha.

"Here's the card sir." What for?

"Thanks." Mukhang alam na niya kung ano ang sense nung card ah. Baka pumupunta talaga siya rito, hindi niya lang ipinapaalam sa'kin. Tsk.

"Ang mahal naman yata dito, Kianne." Nasasayangan ako sa 1k eh. Pantulong pa naman yun sa iba. May instruments and recording set naman na ako sa bahay.

"Ako naman gumastos so don't worry about it." Ay bahala siya. Palibhasa, RK.

"Okay, bahala ka."

"Let's go?" Hinawakan niya na naman ulit ang kamay ko at pumasok na sa building.

Shemaaaay. Ang ganda ng building na 'to.

Musical notes ang decoration niya, may mga quotes din about music, calligraphies and then may mga sections for instruments na makikita na pwedeng gamitin like guitars, piano, violin, drums, saxophone etc. Waaaaa. I feel heaven in this place!

"Ang ganda dito, Kianne." Yun na lang nasabi ko dahil sa pagkamangha.

"Of course. Tara dun tayo sa may gitara." Tumango naman ako at pumunta sa guitar station.

Pagkapasok namin sa section na iyon, saktong walang gumagamit kaya free kami. Yey!

Bago pumasok, yung card ay inilagay niya sa isang machine then may papel na lumabas.

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon