#Chapter38

64 2 0
                                    

Kianne Francis' POV

Ilang minuto na lang at magsisimula na ang TVOA Grand Finale. Naka standby lang kami sa backstage at ginagawa ang part namin bilang organizers.

Okay na ang stage, kanina pa naayusan. Marami na ring mga taong nakaupo sa kani-kanilang napiling upuan. Syempre, may VIPs, Gold, Silver and Bronze seats.

"Guys, come over here." Biglaang pagtawag sa'min ng head namin.

Nagkumpulan naman lahat.

"We have a bad news here."

"What is it, sir?"

"Hindi raw makakarating ang host natin ngayon." What? Eh paano na niyan ang TVOA?

"Why sir? Pa'no na niyan ang TVOA mamaya?" Nag-aalalang sabi ni Vince.

"Sinugod kasi sa hospital ang nanay niya ngayon." Nagulantang naman ang lahat sa sinabi ni sir. Malaking problema 'to.

"Awww I pray for her mother, sir." Sumang-ayon naman ang lahat.

"So pa'no na 'yan sir? Wala na tayong host?" Divine

"One way to solve this is, hanap tayo ng panibagong host coming from all of you. Any suggestions?" Huwag lang ako. Kinakatakutan ko ang pagharap sa audience -,-

"How about Mr. Cegan sir?" Divine

Anak ng?

"Yes sir. Patok 'yan sa masa eh! Peymus sa school eh!" Sigaw ni Vince.

WTF? BAKIT AKO?

"At siguradong magaganahan manood ang mga tao kasi gwapo at hot ang host! Diba guys?" Pambira naman oh?

"I can see your points. So Kianne, can you be the host?" Err.

"Sorry, but I can't sir. Hindi ko po makakaya 'yan." Sumimangot naman sila.

Eh kayo kaya mag-host?! -.-

"Look Kianne, sa lahat ng naririto, ikaw ang pinakasikat at kilala ng lahat. Through your hosting, mas magiging maganda ang feedback ng school natin. And I know na magaling ka sa mga ganyan. You said it to me before, Kianne. You've been a host in your high school life." Anak ng kabute naman oh! Kahit si Katniss, sila pinapanigan. Tsk. Kinindatan pa ako ng bruha.

Oo, hindi ko nabanggit sainyo na ginagawa ko ang pag-hosting nung may mga programs na nagaganap sa school na pinasukan ko.

Kahit alam kong takot akong humarap sa audience dahil sa epic na pagkanta ko nun, I tried myself to motivate. So ayun, napasali ako nun sa SSG at dun nahasa ang communication skills ko.

Ngayong college na ako, medyo tinigil ko na yun kasi sa music na ako nag-focus.

Hindi halata diba?

Okay, share ko lang yun.

"K-kianne! Are you with us?" Ay natulala na pala ako.

"Y-yes s-sir."

"So can you? Please, for the sake of this event."

"Okay sir, I will." Asdfghkl! Wala na, nasabi ko na. Badtrip!

Naghiyawan naman sila. Tch.

"Nice one dre! Saviour ka!" Pang-aasar ni Vince.

"Okay, go back to your places now. Kianne, you'll do the impromptu hosting there. Walang script eh, andun kay Rei. Wala kaming copy." What?? Akala ko ba naman, may script? Pa'no na ako nito? Kainis!

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon