#Chapter46

59 2 1
                                    

HI GUYS! Sorry sa super late update. Sobrang naging busy lang sa school and nawalan ng internet hahaha. Thank you for those who patiently waiting for my updates. Love yah all!

*****

Rova Flexine's POV

Matapos ang mga eksenang yun, napagpasyahan kong puntahan si Nicky sa kwarto niya. Hindi ko maitatangging concern ako sa kaniya nang sobra, gusto ko siyang alagaan at yakapin para hindi na siya magkaganito.

Hindi naman maiiwasang mag-alala kasi mahal ko pa yung tao eh. Kahit maraming mga pagsubok at sakit ang naiparamdam niya sa'kin, nananaig pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya, dahil alam kong iyon din ang nararamdaman niya hanggang ngayon.

Mukha tuloy akong masamang tao dahil sa nangyari sa kaniya.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto niya. Nagdadalawang-isip pa akong kumatok kasi baka hindi naman niya ako pansinin at hindi pagbuksan.

Nagbuntong-hininga ako at tuluyang kumatok sa pintuan.

"Ano ba! Tigilan nga ninyo ako! I don't want anything! Leave me alone!" Narinig kong pagsigaw niya ngunit nahalata kong nanghihina siya.

"Nicky..." Sapat na siguro ang linyang yan para malamang ako ang naririto para sa kaniya.

Mga ilang minuto ring natahimik ang paligid, hinihintay na buksan niya ang pinto. Siguro, nagsi-sink in pa sa utak niya kung ako ba talaga ang naririto.

Nang binuksan niya na ang pinto, sobrang nabigla ang buong sistema ko nang makita siya at tuluyan nang umiyak.

Ang raming pinagbago kagaya nung nangyari sa kaniya noon.

Bumalik na naman ang payat niyang katawan, messy hair, namumugtong mga mata, nanghihina at walang pakialam sa sarili.

Kaagad ko siyang niyakap. Sorry sa lahat, Nicky.

"Rova...." Nanghihina niyang sambit. Nararamdaman kong mainit ang katawan niya ngayon. Gosh, may lagnat siya!

"Nicky... Sorry sa lahat huhuhu." Napakahigpit ng yakap niya sa'kin. As in nararamdaman kong sobrang kailangan niya talaga ako ngayon.

"I love you.. Don't leave me again.." Alam kong marami pa siyang gustong sabihin pero hindi na nakakayanan dahil sa panghihina ng katawan.

Don't worry Nicky, nandito na ako.

"I won't leave, aalagaan kita rito." Inalalayan ko siya pabalik ng kama niya. Kung ako lang talaga kailangan niya, hindi na ako magdadalawang-isip na alagaan siya.

"Dito ka lang ah, kukuha lang ako ng malamig na tubig at bimpo." Hinalikan ko muna noo niya at lumabas na ng kwarto niya.

Tumungo ako sa kitchen at kinuha na ang mga kakailanganin para maibsan ang mataas na lagnat niya. Pagkatapos nun, bumalik na ako sa kwarto niya at inilapag na ang mga kinuha ko sa study table niya.

"Huhubarin ko muna damit mo at papahiran ko ng malamig na bimpo." Eto ang ayaw kong gawin sa isang lalaki kahit boyfriend ko pa yan kasi sobrang naiilang ako at baka kung ano pa magawa ko. (😂)

Umupo muna siya at tsaka tinulungang hubarin ang damit niya. Nilagyan ko na ng malamig na tubig ang bimpo at sinimulang pahiran ang buo niyang katawan. Ginagawa ko lahat para hindi ko maipakitang naiilang ako. Kahit papaano ay nakikita kong gumiginhawa pakiramdam niya.

"Salamat dahil ginagawa mo 'yan even though alam kong naiilang ka sa mga ganito." Bigla niyang pagsalita. Nahalata niya sigurong naiilang talagang ako. Tsk. Alam niya nga talaga.

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon