Ezekiel Nicky's POV
It's been 2 weeks since no words from Rova. Talagang pinanindigan niya yung sinabi niyang 'cool off' sa pagitan namin. Kasalanan ko naman eh. Hindi ko kaagad sinabi sa kaniya yung nalalaman kong aalis na pala si Kianne sa Pilipinas. Masisisi niyo ba ako? Ginawa ko lang naman yun kasi selos na selos na ako sa lalaking yun. Lalo pa nung hanggang ngayon, iniisip niya pa rin ang gagong yun sa date namin last time.
So eto lang naman ako, nagpapakasaya sa bar kasama ang mga beer at tropa ko. Simula nung cool off na 'yan, bumalik na naman ako sa pagiging lasinggero ko. Wala eh, alangan namang magmukmok lang ako sa bahay? Nakakaumay lang.
"Oh pre, anong balita sa gf mo?" Pag on-topic ni Heath.
"Eto, cool off kami ngayon." Nag owww naman silang lahat.
"Ano ba naman 'yan pre! Lagi na lang kayong ganyan ng girlfriend mo! Wala na bang katapusan yan?" Bikong
"Oo nga bro, bakit kasi 'di mo na lang ipagpalit sa iba?" Aba't gago pala tong si James eh
"Anong pinagsasabi mo? Palibhasa, playboy ka. Sorry but I'm not like you, sucker!" Kahit anong gawin ko, mahal ko pa rin talaga si Rova eh. Sobra. Kahit alam kong nasasaktan na ako nang sobra sa ipinapakita niya, hindi pa rin mawala ang pagmamahal ko sa kaniya.
"Ang gwapo at yaman mo naman 'pre, maraming nagkakagusto sa'yo at siguradong di ka sasaktan, pero bakit dun ka pa sa babaeng hindi mo maintindihan?" James.
"Iba kasi ang perspective niyo sa perspective ko, James. Hindi basta-basta napapalitan ang babaeng yun. Imagine, kahit nasaktan ko siya noon, ako pa rin pinili niya over her best friend."
"Perspective? Big word!" Mag-aral ka kasi, Rom!
"So kung ganun, bakit naisip niya pa best friend niya nung date niyo? Malabo yan bro, mahal niya ata si Kianne." SHUT UP!
"Malamang, best friend niya yun. Kahit papaano, eh naging maganda pagsasama nila." Rom. Very well said.
"Wala ka man lang bang gagawin para sainyong dalawa?" Rom
Yun lang, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para magkaayos ulit kami lalo na't isang importanteng tao ang pinag-uusapan dito. Alam kong magiging matigas puso niya sa pagpatawad ngayon.
"For now, hahayaan ko muna siyang makapag isip isip nang wala ang presence ko. If she still loves me, she will come back. Yun na yun."
"Iba talaga si pare! Loyal!" James
"Hindi ako katulad mo, gago ka! Magbago ka na habang maaga pa." Pang-aasar ko
"As you have said, iba ang perspective mo sa perspective ko. Para sa akin kasi, laruan lang ang mga babae at madali lang 'yang palitan." Sabay wink niya pa. Aba aba.
"Eto lang masasabi ko pare, kung nasasaktan ka na niya talaga, time na rin para isuko mo yung relasyon niyo. Wala yan patutunguhan kung lagi kayong ganyan eh, isama mo pa ang bestfriend niya. Oo, mahal mo nga pero minsan, kailangan mo na ring alalahanin ang sarili mo, wag lang puro siya." Bikong.
You know, it's really hard to let go and give up.
"Sabihin na nating sinaktan mo siya noon dahil sa arranged marriage mo, pero sana wag naman siyang gumanti sa'yo nang ganun. Ang masama pa, yung best friend niya pa ginagamit niya."
"Mga bro, let me clarify this, hindi gumaganti si Rova sa'kin. Never. Hindi niya kayang gawin yun. Ako naman talaga ang mali kasi in the first place, hindi ko sinabi sa kaniya yung aalis na si Kianne dito sa Pinas dahil selos na selos na talaga ako sa lalaking yun. Pinairal ko lang naman ang pride ko dahil nga dun sa nangyari sa mall. Part na kasi ng buhay ni Rovs si Kianne eh. Nung mga oras na sinaktan ko siya, yun ang sumalo sa kaniya. Pero sa huli, ako pa rin pinili niya. Pinatunayan niyang kaya niyang mag-sakripisyo para lang sa akin. So kung kahit saang anggulo, ako parin talaga ang mali sa amin."

BINABASA MO ANG
The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)
RomanceMeet Rova Flexine Levine. Ang isang babaeng may minamahal at may isang lalaking matalik na kaibigan. Si Ezekiel Nicky Burne ang boyfriend. Si Kianne Francis Cegan naman ang bestfriend. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng dalagang ito kasama ang dal...