#Chapter47

70 4 2
                                    

Rova Flexine's POV

Malapit na mag lunch break. Bigla ko lang naalala na um-oo pala akong makipagsabay kay Kianne mag-lunch.

Eto na naman ako, pipili sa dalawa. -,-

"Okay class, tomorrow we will have graded recitation. Study well and goodbye!" Ms. Rodriguez.

"Goodbye, Ma'am!" Nagsitayuan kaagad ang mga kaklase ko at lumabas na ng room. Konti lang natira sa loob at kasali na ako dun. Iniisip ko pa rin kasi kung sa'n ba ako sasama.

Habang nag-iisip, nag-vibrate na naman cellphone ng dalawang beses.

2 new messages! Jusmeeee.

From: +639*********

Labs, lunch na oh. I'm waiting here. I love you.

Yung isang message naman, galing kay Kianne. Halaaaa.

From: KFC my Bes XD

Oy ano na? Andito na 'ko sa garden oh. Paghihintayin mo na naman ba ako? Hurry up! Bagal mo talang kumilos eh. Parang pagong.

Susme naman oh! Kailangan pa talagang sabay sila mag-text?! Tsk.

At dahil badtrip ako kay Kianne, si Nicky ang pinili ko.

Ang totoo kasi niyan, mahal ko pa rin talaga siya at sobrang miss ko na. Tutal, may pag-uusapan pa naman kaming importante.

Sorry ulit, Kianne. :3

Nag-reply ako sa kaniya.

To: KFC my Bes XD

Ah KFC, hindi na ako makakasabay sa'yo. Marami pa kasi akong gagawin eh. Sorry pero next time na lang. Kamsa.

Hays, sinungaling na naman ako! Ang rami ko na talagang kasalanan sa kaniya. -.- Alangan naman kasing sabihin kong si Nicky kasabay ko mag-lunch? Mas mabuti nang hindi na muna niya alam para iwas gulo.

Nireplyan ko naman si Nicky.

To: Nicky

Opo, papunta na ako diyan.

Sinuot ko na bag ko at pumunta na sa may parking lot.

Bumungad nga sa'kin ang napakagwapong nilalang na kilala ko. Balik ulit sa dati ang itsura niya. Much better for him.

"Rovaaaa." Agad niya akong nilapitan at niyakap. Ang gaan sa pakiramdam.

"Tara, lunch na tayo?"

"Dun tayo sa favorite carinderia natin." Waaaa sa Aling Cely's Carinderia!! Miss ko na kumain dun. Nung magkaibigan stage pa lang kami niyan ni Nicky dati, lagi kong dinadala siya doon tuwing lunch para dun kumain.

"Yay gameee! Na-miss ko 'yan!" Parang bata kong sambit.

"Let's go." Inakbayan niya ako at sumakay na sa kotse niya.

Ano nga kaya ang kailangan kong ipaliwanag? Yung kagabi ba? No idea at all.

Kianne Francis' POV

Badtrip naman oh!! Pinaghintay lang ako sa wala ng babaeng yun. Sayang naman 'tong niluto ko para sa kaniya na galing pa ang recipes and procedures kay Aling Cely, ang magaling na kusinera ng Aling Cely's Carinderia. Paborito niya mga pagkain na nandun eh.

That feeling na yung pagod at effort mo, bigla lang nawalan ng saysay. It sucks as fvck!

So eto ako ngayon sa garden, solong kumakain sa garden. Sa tuwing may dadaan sa harapan ko, inaalok kong makikain sa'kin kaso nahihiya sila eh. Mga pabebe pa! Alam ko namang gusto nila eh! -.-

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon