#Chapter45

58 1 1
                                    

Rova Flexine's POV

Naririto na ako sa labas ng bahay ni Nicky. Nagdadalawang-isp pa rin ako kung kakausapin ko ba sila. Hindi ko alam kung tama ba ang magiging desisyon ko ngayon.

Tinitingnan ko lang ang doorbell at iniisip kung pipindutin ko ba ito. Habang nakatingin lang sa doorbell na iyon,

"Oh Flexine, I'm so glad you came!" Nang lumingon ako, si ate Kiera pala, ate ni Nicky. Nag-beso kaming dalawa.

"Kakausapin daw kasi ako ng parents mo eh." Pagdadahilan ko.

"Tama 'yang desisyon mo. Tara, pasok na tayo. Naghihintay na sila." Tumango na lang ako dala ang kaba sa aking dibdib at pumasok na sa bahay.

Tumungo kami sa may sala kung saan naroroon si Mr. and Mrs. Burne.

"Mom, Dad, andito na po si Flexine." As usual, nagbabasa na naman silang newspaper ng mga sandaling iyon. Nang marinig nila iyon, itinigil na muna nila yun at tumingin sa'min.

"Flexine, good luck." Bulong sa'kin ni ate Kiera.

Oo talaga, good luck sa'kin. :3

"Thanks ate."

"Good evening Flexine, have a seat." Himala, hindi Ms. Levine tawag sa'kin ngayon. o.O

"A-ah g-good evening p-po sainyo." Eto na naman ang pautal mode ko -.-

"First of all, salamat sa pagpunta rito sa kabila ng mga masasakit na salitang binitawan namin sa'yo last time. For that, we want to apologize. We were wrong to said that and sana mapatawad mo kami, Flexine." Seryoso? Si Mrs. Burne, nag-a-apologize sa'kin? Nakakabigla talaga.

Napatawad ko na rin sila sa kung ano ang nasabi nila sa'kin eh. Antagal na nun. Hindi naman kasing tigas ng bato ang puso ko. Ano ba, just love na lang. hehehe.

"Okay na po yun, tita. Naiintindihan ko naman po kayo kung bakit nasabi niyo yun."

"Salamat, Flexine. So sinabi na sa'yo ni Nicky ang lahat diba?" Mrs. Nikka.

"Opo." Maikling sagot ko.

"Totoo yung mga sinabi niya, na arranged marriage ang namamagitan kina Valeria at Nicky. Sa totoo lang, tumanggi kami sa una nung inalok kami nina Mr. and Mrs. Smith na pakasalan si Nicky kay Valeria kapag 20 na sila dahil alam naming ayaw ng anak namin at ikaw ang gusto niya..." Mrs. Nikka. Tumanggi pala sila sa una? Owhh.

"Pero dahil sa malaki ang offer ng partnership nila sa  company, napilitan kaming gawin iyun lalo na't pabagsak na nun ang company namin. Hiling din yun ng mga Grandpa namin na ikasal ang dalawa bago sila mamatay. Nung tinanggap na namin alok nila, umangat na ulit kami, naging mas progresibo pa dahil sa pag-merge ng mga kumpanya namin. We admit na sa mga oras na iyon, hindi na namin pinakialaman ang arranged marriage lalo na ang nararamdaman ni Nicky. Naging matigas na bato na ang aming mga puso dahil sa pagkasilaw sa yaman. Hindi na kami naging aware na nasasaktan na pala ang anak namin nang sobra..." Pagpapatuloy ni Mr. Zekiel. Wala akong masabi sa mga nalaman ko ngayon pero o.O!

Hindi ko akalaing ganito ang mga nangyari.

"Flexine, alam kong wala kang kasalanan dito at hindi mo deserved ang masaktan ka lalo na ni Nicky. All he does is loving you. Kami lang talaga ang problema rito. Hindi totoo yung mga sinabi namin sa'yo noon na hindi ka na niya mahal. Ang totoo niyan, pinilit lang namin siya na gawin yun para hindi ka na mas lalong masaktan pa sa arranged marriage nila. Mali kami sa naging desisyon naming yun, mas lumala ang sitwasyon. Mas naging obsessed na si Valeria kay Nicky. Dahil dun, muntikan pa niyang patayin ang bestfriend mo na ikaw ang target talaga nun. Marami rin akong nabalitaan na sobra ka niyang sinisiraan sa school niyo. Hindi kami makapalag sa mga ginagawa niyang yun dahil sasabihin niya yun sa parents niya at siguradong aalisin ang partnership nila sa kumpanya, ngunit andun pa rin ang arranged marriage nila. Napaka-unfair nila.... Y--" Mrs. Nikka. Hindi ko muna pinatuloy ang sinabi nila,

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon