#Chapter42

58 1 0
                                    

Rova Flexine's POV

Eto, wala pa ring pagbabago. Yung mga katanungang nasa isipan ko, wala pa ring kasagutan hanggang ngayon.

Wala eh. Hindi nagpapakita si Kianne sa'kin.

Sinusubukan kong makapag-focus sa discussion kaso nalulutang na isipan ko lagi! Badtrip!

"Ms. Levine, are you with us?" Ay my ghas.

"A-ah y-yes, Miss."

"If you are with us, what I said exactly a while ago?"

O.O

Seryoso?

"Ah-eh..Err.."

"'Yan, TVOA pa! Kung pinagtutuunan mo lang yang pag-aaral mo, may mapapala ka pa ngayon sa klase ko! Mga kabataan talaga ngayon, nakaka-imbyerna!" Hindi na lang ako nag-respond pa sa sinabi niya. Baka magka-record na naman ako neto sa guidance.

Hayst si Kianne kasi eh!!

(Lunch Break)

Eto, mag-isa akong kumakain. Hays dapat masanay na akong mag-isa. Tutal, ganito naman yata kahihinatnan ko.

Habang kumakain, biglang nag-ring cp ko.

Oh unknown number.

"Hello. Who's this?" Taray, may pa-English pa ako! Malay mo, foreigner kausap ko ngayon.

"Ahm hi Flexine. This is Katniss. You know me right?"

O.O oh ba't napatawag siya? Saan niya nakuha number ko?

"Yes. I know you. Kianne's girlfriend right? Ba't ka napatawag?" Nakapagtataka eh.

"Gusto lang kitang makausap mamayang gabi. Free ka ba?" About what?

"Tungkol saan pag-uusapan natin?"

"You already know it, Flexine."

Si Kianne.

"Hmm okay what time?" Takte ba't pumayag ako? Tsk.

"6pm at RJK Cuisine na lang. I hope na dumating ka. Hihintayin kita dun." RJK Cuisine? Myghaaad ang mahal dun.

Sabay hang up ng phone. Pambihira. Okay, no choice kundi pumunta!

*******
Papunta na ako ngayon sa RJK Cuisine. Dun nga kami mag-uusap ni Katniss.

'Di ko alam pero desidido talaga ang sistema kong kausapin siya.

Hindi kaya may malalaman na naman akong rebelasyon? Tsk.

At last, narito na rin! Bago ako bumaba ng taxi, inayos ko muna sarili at bumaba na.

Pagkababa ako, ayun naaninag ko kaagad si Katniss na naka-uniform. Malamang, galing sa school.

Nilapitan ko siya at ningitian. Alam kong mabait naman siya eh.

"Good evening, Katniss."

"Likewise, Flexine. Thank you dahil dumating ka. Tara, hanap na tayong seat sa loob." Tumango ako at pumunta na kami sa loob.

As usual, maraming tao rito kasi tanyag ang restaurant na 'to. Pero astig kasi nang nakita nila si Katniss, nilapitan kaagad at itinuro kung saan kami uupo.

Mukhang famous din 'to rito.

"Before we talk, let's order muna." Sakto namang dumating ang isang waiter at ibinigay sa'min ang menu.

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon