#Chapter 56

35 2 0
                                    

Kianne Francis' POV

Andito na ang lahat sa La Carmela Hotel para sa reception nina Nicky at Valeria. Everyone looks happy, of course! Kasi andiyan na yung napakaraming pagkain. Lamon pa more noh? Hahahaha.

Buti ngayon, hindi na magpe-perform si Flex kasi may ibang naka-assign din naman na dito sa reception. As usual, katabi ko siya now. Nananatili siyang tahimik habang minamasdan ang paligid.

"Flex, wanna have some drink?" Pag-aalok ko sa kaniya. Buti naman at napansin niya pagsalita ko.

"Hmmm, okay. Thanks." Agad naman akong tumayo at pumunta na sa catering area. Kumuha ako ng dalawang iced tea. Mamaya na lang ang alak, baka malasing siya nang wala sa oras. Baka mag-amok pa rito hahaha.

Pagbalik ko sa kinauupuan namin, ayun walang pinagbago, she remains silent.

"Eto na Flex." Pag-aabot ko ng isang basong iced tea. Ngumiti naman siya at nagpasalamat. Umupo na rin ako at nagsimula nang inumin ang iced tea. Infairness, it tasted delicious.

"Bakit kaya pinapunta tayo rito noh? Para ba masaktan na naman tayo?" Bigla niyang sabi. Hays, she's still thinking about that.

"It depends on your interpretation, Flex. Kung ako tatanungin, okay lang naman 'to sa'kin despite na may past kami ni Valeria and nagkaalitan kami ni Nicky noon. I already forgiven them. Do you?" Napatingin naman siya nang sinabi ko yun.

"Sana nga, napatawad ko na sila, yung buo. Sa tuwing nakikita ko kasi sila, bumabalik lahat eh. Sinasabi kong napatawad ko na sila pero bakit ganito, nasasaktan pa rin ako?"

"It's okay if you can't forgive them fully. The important is, you faced this. Andito ka ngayon sa kasal nila. That means kaya mo nang tanggapin lahat." Naluha na naman siya tuloy, pero hindi niya pinapahalata.

"I guess so." Tipid niyang sabi. I'm just comforting her by tapping her shoulders.

"Flex, I said, you did it, no more worries okay? Just sit there and enjoy, especially there are foods. Patay gutom ka, remember!" Her 😭 turned to 😡 HAHAHA, pikon na naman siya!

"Freak! Kainis ka talaga!" Jackpot na naman ako neto sa pagpalo ng kamay niya. Tss.

"Biro lang, I just want to make you laugh."

"Not a funny joke, asshole." Ay wow, may pa asshole. Banatan ko din!

"You too, asshalf!" Napatigil naman siya sa sinabi ko....

"HAHAHAHAHA jusme ang waley mo, KFC! HAHAHA!" Waley naman talaga joke ko pero at least, I made her laugh.

"Tas tumatawa ka naman? Baliw!" Pagdedepensa ko

"Sa sobrang ka-waleyan, nakakatawa na BWHAHAHAHA!" Ang ingay niya na tuloy kaya may tendency na tinitingnan siya ng mga tao. I gave her the sign to zip her mouth. Ayun, naniwala naman.

Habang nagtatawanan kami,

"Ladies and gentlemen, please settle down. After a few minutes, we will start the reception of the newly married couple, Nicky and Valeria. Thank you." Tiningnan ko ulit si Flex at binigyan na naman ako ng blankong mukha. Nako naman oh, akala ko ayos na. Sinenyasan ko naman siyang iayos na ang itsura niyang kaniya namang ginawa. Hay nako.

Habang hinihintay magsimula ang program, lumapit kay Flex ang isang babaeng bata. Hmmm, sino ba 'to?

"Hey ate Wovs! You okay?" Pambihira, ate Wovs yung tawag. Siguradong kilala din 'to ni Flex.

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon