#Chapter27

56 7 0
                                    

Rova Flexine's POV

(After 3 weeks)

Napagpasiyahan kong kausapin ngayon ang parents ni Nicky para tanungin kung may problema ba talaga anak nila.

No text.

No call.

No hugs and kisses.

No all.

Yes. Hanggang ngayon, 'di pa rin siya nagpaparamdam. Sakit noh? Kaya niyang tiisin yun. Samantalang ako, halos mamatay na sa sobrang kalungkutan at kalituhan.

Huhuhu! Tuluyan na ngang napapalayo sa'kin si Nicky sa di malaman na dahilan! :'( Bakit ganun-ganun na lang ang nangyari?! :/I really really miss him, so much! The heck!

Ako na ang aayos nito. Kasi dun lang naman sa kilitian nag-ugat tong problemang to eh. Kahit hindi naman dapat talaga.

"Xine, ingat ka sa pagpunta dun ah. Remember, maging magalang sa parents ng boyfriend mo okay?" Syempre naman.

"Opo ma. Sige po, alis na ako. Mwuah!" Sabay sakay sa kotse namin

@Labs' House

"Manong, salamat po. Text na lang po kita pag magpapasundo na ako."

"Okay po Miss Xine. Ingat!" Bakit sinasabihan nila ako ng ingat? Eh kakausapin ko lang naman sina Tita Nikka and Tito Zekiel eh.

Nag-doorbell na ako sa mala-mansyong bahay ni Labs. Medyo matagal na rin nang huling pagpunta ko dito.

Pagbukas ng gate, bumungad sa'kin ang dyosa niyang kapatid, ate Kiera.

"Good afternoon ate Kiera!" Sabay beso beso namin. Medyo close ko rin to si ate Kie. Nagkakasundo kami niyan sa mga favorite singers like boybands! ❤

"Same Flexineeee! I mish you na! Ba't pala andito ka?"

"Ah ate, nandyan ba si Nicky?" Nang marinig niya yung tanong ko, biglang di ko naintindihan yung emosyon ng mukha niya.

"Si N-nickoy? Ahm nasa Singapore yun ngayon. May photoshoot. Next week pa yun babalik." Kitam? Kahit yung pagpunta niya sa Singapore ngayon, di man lang sinabi sakin. Rami niya nang utang sakin! -.-

"Ah ganun ba? Ang sadya ko talaga dito is kausapin sina Tita Nikka and Tito Zekiel. May sasabihin lang kasi ako." Tumango naman siya at pinapunta ako sa loob.

Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko kaagad sina tito at tita na may binabasang newspaper.

"Mom, dad, andito po si Flexine. She wants to talk to you daw po." Agad naman silang tumingin sakin at nilapag ang mga newspapers sa lamesa.

"Have a seat Ms. Levine." Masyadong pormal naman Tita.

Kinakabahan ako. Shocks. Good luck sa'kin.

"So what do you want to talk to iha?" Act natural Rova Flexine!

"Ahm tito, tita. Gusto ko lang po sanang tanungin kung may problema po ba si Nicky sa business po ninyo or sa kung saan man po? Kasi po parang may something na hindi siya sinasabi sakin eh. Worried lang naman po ako sa anak niyo."

"Actually, yun ang sasabihin namin sayo, Ms. Rova Flexine." :o Oh. Mas lalo na akong kinabahan.

"Ahm a-ano po iyon?"

"Sorry Rova but...." But what?
.
.
.
.
.
.
.
.

"Nicky can't be with you."

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon