Chapter 1

17 0 0
                                    

Someone's

"PESTE! Bakit ba dito ka naglilinis?!"

Galit na galit na nasigawan nanaman sya ng amo nya sa bar. Tumungo na lamang sya at hinayaang saktan sya ng kanyang amo.

"Oh, ano? Kakayanin mo pa? Sabi na sa'yo, hindi mo kakayanin lahat ng---"

Hindi pa natatapos ang sinasabi ng isang guard ay nilagpasan na nya ito at lumabas na nang tuluyan sa bar.

Hindi nya gustong naiinsulto sya, lalo na't minamaliit. Hindi nya rin gustong itinataas sya, sinasamba, pinupuri.

Gusto nya lang ang tahimik at maayos na pamumuhay kasama ang pamilya at mga kaibigan. Ngunit ni-isa sa mga pangarap nya, walang natutupad. Tila ba sinadya ito ng tadhanang papagsakitin sya sa buong buhay nya.

"Time will come, you'll bow down for my help" bulong nya't nagpatuloy sa paglalakad pauwi ng kanyang maliit na dorm na tinutuluyan.

Wala syang pamilya, ni kaibigan, o kahit na sinong kamag-anak.

Lumaki sya sa isang gubat, ngunit maliit lamang iyon, kaya't nakalabas syang agad.

Ilang taon ko na syang sinusundan. Ngunit hindi ko sya pwedeng lapitan, kausapin, hawakan, o kahit ano ma'ng makakapag-bigay tyansang makita nya ako.

Tanging nagagawa ko lamang ay sundan at manmanan sya.

Nahihirapan rin ako sa trabaho ko, pero para ito sa ikabubuti ng aming mundo. Darating rin ang nalalapit na araw, malapit na malapit na. Makikilala na nya kung sino talaga sya.

Makikilala mo na kung sino ka talaga, Dein.

Dein's

"Ugh!"

Padabog na ibinato ko ang sarili sa maliit na higaan at ipinikit ang mga mata.

"I hate this! I hate the world! I hate people and I hate everything!!"

Paano na ako nyan?! Ano nanamang trabaho ang papasukin ko? Aish!

Naligo muna ako saglit at sinuot ang suot kong pan-tulog kagabi. Mabuti nalang at scholar ako sa mamahaling eskwelahang pinapasukan ko ngayon. Dahil kung hindi? Kaawa-awang teenager ako.

Pinagmasdan ko ang dalawang pares ng unipormeng nakasabit sa closet ko.

"Tell me, how did I got this, again?"

Ginulo ko ang buhok at nahiga ulit sa kama. Nakakainis naman. I have no family, no friends, no relatives. So what am I in this stupid freaking world? I guess I'm just a throw-away.

Oh, who am I?

I'm Dein Hanley. Iyon ang nakasulat sa damit ko noong bata ako. May naka-kitang matanda sa akin, pero namatay rin sya pagkatapos ng ika-walong kaarawan ko. Nawala ang ari-ariang pinamana nya sa akin dahil sa pag-aaral ko sa mamahaling eskwelahang iyon.

Nawala dahil sa mga materyal na bagay. Kung ipinagkatiwala nya sana sa akin iyon, edi narito pa at maayos pa ang buhay ko.

I loved her naman, ang problema lang, wala na sya.

I don't know but I haven't felt pain after her death. Until now. But I know I loved her.

"So what am I supposed to do? Ugh!"

Kinuha ko ang bagong biling cellphone na nasa bagong bag ko at nag-dial ng isa sa mga kaklase ko kung may klase ba kami bukas.

Ang cellphone, bag, dorm at mga damit lang ang bagong bili sa mga gamit ko. Ang natira kasing pamana ni lola Resetta na dapat ay sa akin, kinuha ng apo nya, si Lein. Nakakapagtaka nga kasi halos pareho kami ng pangalan. Pero wala na 'yon sa'kin, kasi nang mabili ni Lein ang mga gamit na ito, iniwan na nya ako.

EncantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon