Dein
5:52am
Aga-aga ang ingay ne'to! Palayasin ko kaya nang matahimik ulit ako? Aish!
"Ano ba?! Hindi mo ba talaga ititigil 'yang bunganga mo kakasabay sa kantang pang-adik na 'yan?!"
Ni hindi ko naman maintindihan mga pinagsasabi e! "Hoy hoy, hindi 'to pang-adik because for your information, they-are-ko-re-ans at they're cool and HANDSOOOMMMEEEE!" May patili-tili pa sya nang sabihin at iemphasize ang word na 'handsome'
'Di ko naman alam itsura ng mga kinaadikan nito. Malay ko ba talaga kung guwapo? 'Di naman ako sigurado kaya huwag nang husgahan. Baka sa huli magsisi pa 'ko hahaha. But never in a million years na magkagusto ako sa mga koreanong 'yon. Adik.
"Paki-hinaan nalang, ano? May kasama ka kasing hindi fan ng mga kinaadikan mo" sarkastikong sabi ko at inirapan sya.
We're eating our breakfast. Hindi ako mahilig magluto. I guess, once or twice in a week lang ako nagluluto. Almost weekends lang. Kung walang pasok, tatamarin akong magluto. Basta mga cereals, oatmeals at noodles lang ang kinakain ko.
Atleast sexy, oha!
"Okay! Easy!" Hininaan naman nya ang volume at pinagpatuloy ang pagkain pero dinig pa rin ang pabulong na pagsabay nya sa kanta.
Tss.
Nagluto kasi sya ng pancake, egg and bacon na dala nya dun sa plastic bag kahapon?
Masarap naman pala syang magluto. Scrambled egg kasi niluto nya at yung bacon parang hindi galing sa palengke. Susyal si ateng.
6:17am
Natapos na kaming kumain. Ang tagal 'diba? Hahaha.
Naghahanda na ako ng gamit para pumasok. Wala naman akong aasahan na magayos ng gamit ko. Matapos kong ayusin ang project sa Science na buuin ang nasirang mini-electric fan, inilagay ko sa isang paper bag at kinuha na ang bag at isinakbit sa kanang balikat.
May pupuntahan pa pala akong meeting!
Secretary kasi ako sa univ. At dahil do'n, marami akong kailangang tapusin. Pati na rin ang paglalaro ko ng badminton, may training after ng meeting. Aish. Hindi ako makaka-attend ng first subject.
Grade 9 palang secretary na ako, ano? Pinilit kasi ako ni Principal Joe, para na rin daw dumagdag sa pagiging scholar ko at tumibay ang kapit sa Univ, bakit? Kasi kung mawala man ako sa pagiging player o singer, nakakapit pa rin ako at scholar pa rin ako. So I accepted it kahit labag sa kalooban ko. Easy peasy.
"I'll go with you!"
Spell bwisit?
S-H-E-I-L-A
"Sige na! Hindi kita iinisin. Izi-zip ko ang mouth ko to assure you na hindi kita iinisin hehehe"
"Oh. One more thing. Ayusin mo nga yang hair mo! You look like a bird's nest hahahaha!"
Sinamaan ko sya ng tingin at tinalikuran. "Huwag kang sasabay" madiin kong sabi at naglakad na palabas.
"Sht! Sorry naaaa! Sabay na ako sa'yo, puhleaseee? I'm not used to---"
"Masanay kang magisa. Walang permanente sa mundo. Darating ang araw sarili mo nalang ang kasama mo, kadiliman man 'yan o 'pag successful ka na. Darating ang araw, iiwan ka rin ng mga tinuturing mong kaibigan. The only person you can lean on and trust to is YOURSELF"
Ma-awtoridad kong sabi nang makaharap sakanya at tinalikuran na.
"Wow. May pinaghuhugutan" pakinig kong bulong nya. Haist! Nagmadali na ako sa paglalakad sa hallway dahil nasa likuran ko lang sya.
BINABASA MO ANG
Encantasia
Fantasy(1) Bringing the girl from the past to the present. Maybe a reincarnation? Maybe. She's lost. Knowing no one from her real world. Knowing nothing from it. No friends nor family. (2) She has to hide herself for the better. She doesn't know herself...