Finally! The Action and Fantasy Genre will be shown in this chapter that haven't been shown in the previous chapters. I'll be focusing on action here so, viola!
~~
Dein
Pagkatapos ng kainan, nagmadali akong magpalit para sa trainings namin na ituturing kong PE class. Kaasar.
Dinalhan na rin ako ng Training Uniform dito nung fairy kaninang umaga nung may pasok ako.
Nang makapagpalit, agad akong lumabas at kinatok si Eia.
"I'm like Eia! ~ ooh ~ just like Eia! ~~ ooh ~" tatawa-tawa kong kanta habang papunta kami sa training room.
"Ay wait, maganda rin to!" Kunwari'y sinubukan kong ayusin ang boses ko at umubo ng kaunti.
"Eia in your area! ~ Eia in your area! ~"
Ngumiti siya ng sarkastiko at pabiro akong inikutan ng mata kaya pabiro ko naman siyang hinampas sa braso. Hindi naman kasi niya alam ang KPop, pft. "Ay, matanong lang, Eia, hindi ba matagal ka nang magaaral dito?" Tanong ko na siya namang tinanguan niya agad. "So, why aren't you hang-outing with your friends? Like, duh, bata ka pa, party and friends will always be the happiness of teenagers" natatawa kong saad pero this time, hindi ko siya narinig tumawa.
"I don't have friends" mahina pero dinig ko iyon at sinabayan niya ng pagyuko kaya binatukan ko siya. "Residente ka ng Encantasia tapos wala kang kaibigan? Adik" sabi ko pero maging ako'y nakaka-relate sakanya. I don't have friends in mortal word either.
"Seriously, I don't have any friends. Oh, noon, meron. Bestfriends kami. Pero nakilala niya yung prinsesa na nawawala kaya, tada! Iniwan niya ko ng walang paalam o huling sulyap"
Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya kaya hinagod ko ng kaunti ang likod niya.
"I-I'm sorry" mautal-utal kong saad at ipinulupot ang braso ko sakanya. For the first time, ngayon lang ako nagkaganito. Bwisit haha. Hala, nasaan na kaya si Sheila? Residente din ba siya dito?
"That's fine. W-well, walang wala akong mapagsabihan, kahit ngayon lang, pwede ko bang sabihin sayo? I-I'm hoping you're not like the other students who'll judge me or leave me behind-"
"Nope. Just go on" saad ko. Medyo may pagka-malayo pa naman ang training room. Masyado pa kaming maaga. 30 minutes pa naman bago ang battle.
"Phaeon.. her name's Phaeon. Ever since I was just a kid, she was there. She never left me so do I. She's a half-blood. And living with her is not easy for me. Hindi ko hinayaang may manakit sakanya at magkaron ng pader sa gitna namin. Lagi ko siyang sinusundan. Minsan nagtataray siya sakin. Pero naiintindihan ko yon. Mabait siya. Sobra, mahal na mahal ko siya at ganun rin naman siya"
"Pero nang maka-close niya ang nawawalang prinsesa-- si Eshina. Nagkaron na ng pader sa pagitan namin. Pader na hindi ko masira o maakyat. Pader na kung iisipin ko'y pang-habangbuhay na. Isang araw, sinubukan kong lumapit sakanya na napaka-close kay Eshina. Pero sabi niya lumayo raw ako. Ilang araw akong lumalayo pero walang nagbago. Hanggang sa masyado na silang malapit at hindi na ako makalapit sakanya. Ni hindi ko na siya kasama sa dorm. At simula no'y nalipat siya sa Elite Section"
"Iniwan niya ako. Isang gabi, walang-wala ako nun. Sinubukan ko siyang lapitan pero pagpasok ko sa kwarto niya-- sa kwarto mo, kasama niya ang ibang prinsesa at si Eshina. Masaya sila. Kita ko ang ligaya sa mukha niya at bawat ngiti niya. Noon pinapangarap niya iyon. Hindi ko tinangkang sirain ang relasyon nilang magkaibigan dahil mahalaga siya sakin at dahil masaya siya, tinawanan ko nalang iyon at umalis na rin."

BINABASA MO ANG
Encantasia
Fantasía(1) Bringing the girl from the past to the present. Maybe a reincarnation? Maybe. She's lost. Knowing no one from her real world. Knowing nothing from it. No friends nor family. (2) She has to hide herself for the better. She doesn't know herself...