Chapter 9

1 0 0
                                    

Dein

Maaga akong nagising dahil sa tensyon na naramdaman ko at nerbyos kaninang magising ako.

Ay wait! Wala pa kong uniform at schedule! Pati id! Aish! Maaga nalang akong lalabas. Nubayan e -,-

Nang makaligo at makapagbihis ako ng isang pares na pinahiram na damit sa akin ni Eia ay lumabas agad ako. Pero ba't ang dilim? Ow, phone ko pala.

5:08am?!

Huhu anong oras ba ako nagising at ang aga pa? Hinayaan ko nalang ang oras at nagmadaling lumabas ng girls' dorm. Buti nalang pala matic na yung charger dito. Hehehe.

Paglabas ko, mga guard na naglilibot lang ang nadatnan ko. Konti lang sila, siguro nasa lima lang.

Binati naman nila ako pero tinanong rin kung bakit ang aga ko raw. "Kailangan ko pa po kasing makakuha ng id, sched ko at uniform" sagot ko pero natawa naman sila. Luh, adik lang, kuya?

"Neng, gising bente-kwatro oras ang taga-tahi ng uniporme ninyo. Hindi sa floor na to nahahanap yon kundi sa 3rd floor, huling kwarto"

Okay. Shattap. Embarassed na si ako. Tumawa naman ako at nagpasalamat nalang sakanila at dali-dali akong umakyat sa 3rd floor. Ih, bat ba ang layo nun? Puro hagdan pa naman dito. Aigoo.

Pagdating na pagdating ko palang, ang ingay na mula dito sa labas ng kwarto niya. May pangalan ang harap, siguro naman ito nga yon?

*knock*knock*

Binuksan ko rin agad ang kwarto at sumilip muna. Marami-rami silang nandito na sa tingin ko ay mga estudyante rin gaya ko.

Binati agad ako nung isang-- hala, hindi ko siya makita. "Uh, miss, nandito ako!" Napakaliit ng boses niya. Parang dwende? "Miss dito sa taas mo!" Sigaw niya kaya tumingin ako sa itaas ko at laking-gulat ko nang mapagtantong isa pala itong fairy.

"Hehe. Tahnia Loft here! Baguhan ka ba?" Bigla siyang bumaba at siya namang paglaki niya kaya natawa ako ng tumama ang kamay niya sa table malapit sakanya.

"Dein Hanley" sagot ko at ngumiti. Para siyang kinabahan pero ngumiti pa rin ng malapad kahit halatang pilit na.

"A-ahh, Hanley ka pala?" Tanong niya at inabot ang kamay ko upang makipag-shakehands.

"Mm! Nawe-weirduhan nga ako minsan dahil nagugulat ang iba kapag nagpapakilala ako. So, nasaan pala ang nagtatahi?" Tanong ko at hinanap-hanap sa likod niya.

Nakaupo siya sa likod ng desk at may salamin pa. Nasa edad 30's siguro siya.

"Okay na. Next"

Ngumiti ako kay Tahnia nang paupuin niya ako sa isang mahabang sofa katabi ang mga babaeng nagpapatahi rin ata.

--

6:32am
Girls' Dormitory

Ang dami kasing estudyante na nagpapatahi, ayun tuloy ngayon palang ako nakabalik sa kwarto ko -,-

Pero atleast, mabilis ang pagtatahi. I mean, sasabihin niya lang ang size and some sa mga fairy sa tabi niya at natatapos na agad pagkatapos nung pagsusukat. Binigyan niya ko ng limang pares ng uniporme at cloak. Nang masabi kong wala akong sapatos at medyas binigyan niya rin ako hehe, ang bait nga niya e!

Pagkatapos kong magbihis ng uniporme, nagmadali akong kumatok sa kwarto ni Eia.

"Eiaaaa!" Sigaw ko sa gitna ng pagkatok.

"Nandyan na!" Sigaw niya pabalik at pinagbuksan ako. "Paano malalaman ang room? Schedule? Sa'n makukuha ang id?" Sunod-sunod kong tanong kaya natawa siya.

EncantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon