Author's
Hey. I don't think this part/chapter can be called a 'Prologue' but I hope not haha. I don't like Prologues. This is a bit long, too. 2088 words only for a prologue. Lol.
Just some clues for 'ya, reader. Annyeong~
Narrator's (Past)
"Waah! Maraming salamat talaga, mahal na prinsesa Norst!"
Nagsasaya ang buong Magic World dahil sa tagumpay na ibinigay sakanila ng natatanging tagapagtanggol na kanilang prinsesa na si Norst Janggul Lerinire.
Sya ang kauna-unahang prinsesa na nakapagligtas sa kanilang kingdom na tinatawag na Encantasia at ang mga kasamahan nitong sampung kaharian.
At sya rin ang kauna-unahang anak nina King Gasgard Lerinire at Queen Toralia Lest Preston.
Sina King Gasgard at Queen Toralia ay ang may unang lahi ng mga pinaka-malakas na kapangyarihan at sila rin ang may kauna-unahang kapangyarihan sa buong Magic World.
Magic World.
Nagawa lamang ito dahil sa mga Vards (Gods) at Varders (Goddesses). Para sa'n? Para hindi makalimutan na may kapangyarihang nabubuhay sa mundo na tinatawag na Earth dahil kapag nawala ang Magic World, magkakagulo ang planetang Earth dahil ang Magic World ang bumuhay sa Earth at ang bumubuhay sakanila.
"Kailangan nating mag-bigay pugay sa prinsesa, nasaan sya?!"
"Nasa kanyang kwarto, sa kaharian, Elder Ben!"
Ang mga nasa ibaba ng mga hari't reyna ay tinatawag na Elders at ang mababa sa Elders ay Headmaster o Headmistress.
Sa kabilang banda...
"A-anak.." mahinang bulong ng Queen Toralia sa kanyang anak na hinimatay kani-kanina lamang pagkatapos ng digmaan laban sa dalawang Percis (sons/daughters of the Vards/Varders) at isang Necromancer na si Astro Gerning.
"Mahal, sa tingin ko ay kailangan muna natin syang pagpahingain. Napakalaking kapaguran ang dinaraanan nya ngayon kasabay ng pagbigay-todo sa pakikipaglaban gamit ang kapangyarihan. Alam mo iyan, Mahal. Sana'y maintindihan mo ang ating anak. Kanina ka pa umiiyak diyan at ayaw iwan si Norst"
Tumingin kay King Gasgard si Queen Toralia na magang-maga ang mga mata.
"H-hindi mo ba ako naiintindihan, Gasgard? Hindi n-na natin hawak ang buhay nya hindi tulad nung mga panahong ipinagbubuntis ko palang sya. Hindi natin alam kung mabubuhay ba sya o--"
"Toralia!"
Gulat na napa-atras ng kaunti si Queen Toralia sa kanyang asawa na nasigawan sya at ginamit pa ang kanyang pangalan na minsan lamang ginagamit tuwing sila'y nagaaway.
"Tumigil ka! Hindi sya mamamatay at kailanma'y hindi iyon mangyayari. Oo, hindi natin hawak ang kanyang buhay. Ngunit mabubuhay sya! Tumingin ka sa positibong banda, Toralia. Huwag kang pahulog sa pagiging negatibo. Kakayanin nya iyan"
Biglang bumukas ang pintuan ng sirang kwarto ni Princess Norst at ibinuga nito ang isang pinakamagaling na tagapag-pagaling ng kanilang kaharian.
"Ayaw ko man, ngunit kailangan ko kayong diretsuhin dahil wala akong pagpipilian, doon din matatapos ang sasabihin ko. Kaya, maaari syang mamuhay, mabuhay at maging maligayang muli. Maaari. Ngunit hindi ako sigurado doon. Dahil halos sa kalahati na ng kanyang katawan ay kumakalat ang lason mula sa isang Necromancer na hindi natin kilala at malala iyon. Hindi natin magugustuhan ang magiging resulta kung hindi sya mabuhay pero sinasabi ko lamang sainyo upang maging positibo, may tyansa syang mabuhay. Iyon lamang, salamat sa pag-imbita at sana'y nakatulong ako. Uuwi na ako upang tignan ang kalagayan ng aking pamilya"
BINABASA MO ANG
Encantasia
Fantasía(1) Bringing the girl from the past to the present. Maybe a reincarnation? Maybe. She's lost. Knowing no one from her real world. Knowing nothing from it. No friends nor family. (2) She has to hide herself for the better. She doesn't know herself...