Dein
Dahil sa labis na kalituhan sa paligid, hindi ko na namalayang napalayo pala ako kung saan ako nanggaling. Napakalaking ng lugar--- siguro'y kastilyong ito para maalala ko.
Ni hindi ko nga alam paano ako napunta dito e.
Paano nga ba? Aish. Wag na nga munang isipin yon. Pagod na ko sa paglalakad kaya naman naupo muna ako sa lapag.
"Sino bang nagbalita sa reyna? Paano niya malalaman e hindi pa naman siya napupunta dito?"
Nadinig kong may naguusap di kalayuan kaya tumayo ako at nagtago sa malapit na malaking vase. Hay jusme. Mukhang palasyo to ah. Pero hindi siya yung mga palasyong napakalaki. Kakasabi ko lang, parang kastilyo -,-
"Aba hindi ko alam, pareho lang tayong nagbabantay dito. Sapakin kaya kita?" Sarkastikong sagot nung magkasama.
Sumilip ako ng kaunti sa mababang bahagi nitong vase at nang makapagadjust ako sa pwesto ko, kita ko kung paano magbulyawan ang dalawang magkasamang-- okay, based on their outfits mga kawal sila.
They looked so weird -,- especially kapag napunta sila sa mortal world. Aish! Oo na naniniwala na ko. Pero hindi pa 100% kasi wala pa naman akong nakitang makakakuha talaga ng atensyon ko--
Howghad. Sinipon ako! Huhu. Sinipon akooo, ba't ba ako umiyak?
Bago pa nila marinig ang pagsinghot ko, nagtatakbo nalang ako nang makitang tumalikod sila mula sa akin at sumandal sa pader na makakapagtago sa akin mula sa kanila.
Oh sht!
May-- may pintuan dun sa pwesto nung dalawang lalakeng kawal na weird!
Bakit ako lumayo dun :'(
Napalayo tuloy ako. Tumakbo nalang ako hanggang madatnan silang haharap nanaman sa direksyon ko kaya heto nanaman at tatakbo na---
"Oops" mula sa nakakuyom na kamao ay itinaas ko ng dahan-dahan ang kamay ko at binuka bilang pagsuko. Huhu. Naman e!
"Sino ka?!"
"Saan ka galing?!"
Sigaw nila sa akin kaya naman nanlaki ang mata ko. Potek baka marinig sila ng mga royalties.
"Shh!! Wag kayong maingay, ano ba!" Nilagay ko pa ang point finger sa labi ko at ngumuso ng kaunti dahilan para lumapit sila sa akin.
"Um, bago niyo ako hulihin, may posas ba kayo? Sabi nila Tetria masakit daw maposas e." Pero lalo lamang silang nagtaka. Pansin ko yon kahit na nakatakip ng helmet-like ang mukha nila. Wow, astig!
"Posas?" Takhang tanong nung isang medyo maliit. Pft. Mas matangkad pa 'ko sa kaniya.
"Kuyang pandak, hindi ko alam kung ilang taon ka na pero neverminds, hindi niyo alam ang posas? So that means, walang posas dito? Yey" mahina kong sambit at itinaas muli ang dalawa kong kamay habang may malapad na ngiti pero alam kong halata pa rin ang pamamaga ng mata ko.
"Ang weirdo mo"
"Jack, siya lang ata ang hinuhuli na masaya." Bulong nito sa kasama niya at hinawakan ang dalawa kong kamay at inilagay sa likod ko.
Akala ko ba walang posas--
"Aray!!"
"Sh! Ikaw na nagbawal sa amin na huwag maingay tapos ikaw ngayon nagiingay?!" Pabulong na bulyaw sa akin nung halos ka-height ko lang.
"Sornaman kuya. Pero infairness ha, ang liliit niyong kawal" natatawa kong sambit dahilan para batukan ako nung maliit.
Hala natamaan ata. Hehe.
![](https://img.wattpad.com/cover/128657148-288-k581235.jpg)
BINABASA MO ANG
Encantasia
Fantasy(1) Bringing the girl from the past to the present. Maybe a reincarnation? Maybe. She's lost. Knowing no one from her real world. Knowing nothing from it. No friends nor family. (2) She has to hide herself for the better. She doesn't know herself...