Third Person
Ilang araw ang lumipas at naging normal naman ang pamumuhay ng karamihan maliban sa royalties na ako ang lahat ng presyon sa henerasyon ngayon.
Namomroblema pa rin sila sa paghahanap kay Astro, sa paggising ni Dein, sa darating na nalalapit na digmaan.
"Rain, how come you've known this?" Litong tanong ni Princess Eviena kay Prince Rain at seryosong tinignan ito deretso sa mata.
"I've known this longer, ever since our parents had a meeting. Dad told me first about this and let the other Kings and Queens spread it. He's just that close to your parents"
Natango ang iba sa naging sagot niya at ang iba'y tahimik pa rin simula nang mawalan ng malay sa mundo si Dein.
"But, if Astro wants everything to be planned, settled and wants the war to stop, why is he hiding?"
Singit ni Sheila na ngayo'y malakas na ang pakiramdam sa paligid.
Hindi man siya kabilang sa royalties o barkada ng mga ito, naging malapit na rin siya sakanila dahil sa pag boboluntaryang dalhin si Dein sa Magic World.
Nagkatinginan ang lahat dahil sa kaniyang katanungan. Sa dami ng pangyayari, sa gulong nangyayari sa pagitan ng dalawang naglalakasang kaharian, hindi na nila naisip ito.
Isang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isipan ni Sheila simula ng malaman niyang buhay pa si Astro Gerning, ang Necromancer noon pa man.
"Bakit hindi nalang siya ang maghanap sa nawawalang prinsesa?" Sunod nitong tanong. Kilala na nilang lahat si Sheila bilang madaldal at matanong na babae. Ngunit ngayon, namamanghaan na sila dahil siya lamang ang nakaisip na magtanong nito.
"I think some of us needs to go to the Thidwerds and find the magical history book" singit ni Princess Miyazu.
"And I think, we need to plan as soon as possible" sabat rin ni Armie.
Nagkatanguan ang lahat at nagngitian ngunit bigla silang napatingin kay Dein. Kanina lamang ay mahimbing ang tulog nito ngunit ngayon, nakamulat ang kaniyang mga mata.
"D-Dein"
Hindi siya kumukurap. Tila ba gising ang diwa nito ngunit ang katawan ay paralisado pa rin.
Mulat na mulat ang kaniyang mga mata na sa tingin ng iba'y nakakatakot nang pagmasdan ngunit sinusubukan pa rin nilang gisingin ito.
"Fudge. She can hear you but she can't move. What's happening, Lein?"
"H-hindi ko alam. Tinurukan ko lang siya ng pain killers at tubig na may halong pampagising ng diwa. I-iyon lang ang ginagawa ko sa mga lumilipas na araw" mautal-utal na sagot ni Leiyana at pinagmasdan muli ang dalagang hindi kumikibo sa higaan niya.
"Princess Leiyana, please do something. She have to wake up!" Giit ni Sheila at niyuyugyog ang katawan ni Dein.
Maging si Princess Eviena'y natataranta. Sa maikling panahon na nakilala niya ito, napakagaan na ng loob nito sakaniya. Halos araw-araw rin ay narito ito sa kwarto ni Dein at kinukwentuhan kahit hindi ito magising-gising.
Sinubukan ni Leiyana ang lahat sa abot ng kaniyang makakaya ngunit hindi ito nagigising at gumagalaw. Ni isang kurap ay hindi ito magawa.
Ngunit nang tumigil sila, bigla na lamang itong lumutang.
Sa lahat ng pagkakaalam nila, isa itong simpleng babaeng may kaugnayan sa nawawalang prinsesa ng Encantasia. Si Princess Eshina.
At para sa pagpapakilala sainyo ng Encantasia, sa istoryang ito, totoo ang mahika. Hindi man ito kapansin-pansin ngunit nasa paligid lamang ito. Ang lugar na ito at ang istoryang ito ang magpapakilala sainyo ng mahika.
BINABASA MO ANG
Encantasia
Fantasy(1) Bringing the girl from the past to the present. Maybe a reincarnation? Maybe. She's lost. Knowing no one from her real world. Knowing nothing from it. No friends nor family. (2) She has to hide herself for the better. She doesn't know herself...