Dein
'Eshina, Eshina
I heard someone whispered my name so I opened my eyes and saw nothing but this wide white place.
'Eshina, you have to wake up from the lies!
'Eshina, this isn't the right time to hide from the truth!
'Eshina, we have to know you!
'Eshina, you have to show yourself so we can thank you!
'Eshina, we missed you...
"Eshina.." bigla akong nagising sa kakaibang panaginip at napabangon sa hinihigaan kong napakalambot na kutson.
Pansin ko ang kakaibang aura ng paligid at presensiya kaya tinamaan ako ng kaba.
Hindi ganito ang aura't presensiya sa pinanggalingan ko.
Nasaan ako?
Napakabigat ng aura't presensiya na-- hindi ko talaga maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Napaka-kakaiba ng paligid.
Napansin ko namang may nakapatong na kamay sa kaliwang kamay ko kaya tinignan ko ito. Pamilyar siya.
"Sheila?" Out of nowhere, that name just came out of my mouth then she slowly looked up.
"Oh. Gising ka na pala" kinamot-kamot pa niya ang ulo niya dahil sa antok at pinunasan ang mata. "Nasa'n tayo?" Biglang tanong ko kaya para bang nagising siya't napatitig sa akin ng ilang segundo.
Namilog ang mata niya na gulat na gulat kaya tinaasan ko siya ng kilay ng dahil sa pagkairitang hindi ko naman alam ang nangyayari sakaniya.
"D-Dein!" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko ngunit kumirot ang kanang braso ko kaya napabitaw siya dito at hinawakan na lamang ang kaliwan kamay ko ng napakahigpit gamit ang kaniyang dalawang kamay.
"Oh my god" napatakip siya sa bibig niya. Tila ba magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon dahil sa mga kilos na ipinapakita niya sa akin.
"Oh god! Dein nandito na tayo!! Dein nakauwi na tayo!" Masigla niyang sabi ngunit pagkatapos maglulundag ay bigla siyang nanghina nang biglaan at napaupo sa upuan niya kanina.
"O-ouch" hinawakan niya ang kaliwang palad niya at nagulat. Maging ako'y nagulat sa nasaksihan.
Blood. She has blood both of her palms. "What happened?!" I asked and grabbed her hands to go to the nearest bathroom. But before I could step my foot on the outside floor of this room, I felt something weird on my mind.
As if there's something---- it's bothering me. I closed my eyes tightly as I can and stepped my right foot on the floor. Pero dumagdag lamang ang sakit na nararamdaman ko.
Bawat hakbang ay tila ba tutumba na ako ngunit pinipigilan ko lamang ang sarili ko dahilan na ipinagtaka ni Sheila dahil hanggang ngayon ay nakahawak pa rin ang kamay ko sakaniya ngunit mahigpit ang pagkakahawak ko.
"D-Dein are you... okay?" Mahina niyang tanong na tila ba pati siya ay naghihirap.
"N-nasaan ako?" Tanong ko at dinidiinan pa rin ang mata na para bang tutulo na ang luha ilang sandali.
Matagal bago niya sagutin kaya agad ko siyang nilingon pero paglingon ko sakaniya humikab siya at akmang tutumba nang hinigit ko ang kamay niya.
"Hey, hey, there's no time for sleep!! Sheila! We're lost----" hindi pa ako natatapos sa sinasabi ko nang magpop-up sa utak ko lahat ng nangyari kahapon.
BINABASA MO ANG
Encantasia
Fantasy(1) Bringing the girl from the past to the present. Maybe a reincarnation? Maybe. She's lost. Knowing no one from her real world. Knowing nothing from it. No friends nor family. (2) She has to hide herself for the better. She doesn't know herself...