Talent Show

83 1 2
                                    

Dedicated to Anniepot. Kasama ka dito. Rosh lang pangalan mo as in Roshelle :)

enjoy

---one---

"Good morning class"

English subject namin ngayon. Pinaka nakaka excite na subject. Lagi kasing may bagong pakulo araw araw na medyo related sa lessons namin. 

Dati pinagawa kami ng lapida sa bond paper tapos lalagyan ng symbolisms at i eexplain.

Tapos nagkaroon din kami ng commercial. Commercial ng adventure mo.

Nagkaroon din kami ng story telling. Ang pinaka weird kong ginawa. Tinawanan ako ng mga kaklase ko dahil sa "Oh My Gosh" na line ng swan na nalulunod.

Ano kayang gagawin ngayon?

"Class,Since we are talking about talents, Next week, we will have our own talent show"

Ano? Talent show?

"Yes. Each of you will be graded according to your performance."

Talent Show

Maghapon kong pinag isipan kung anong ipeperform ko

Marunong ba akong kumanta?

Never akong pinakanta sa karaoke ng mga kamag anak ko

HINDE.

Marunong ba akong sumayaw?

Tinanggal ka sa dance troupe dati dahil sa matigas mong katawan

HINDE

Wala naman akong alam na tugtugin T.T patay na

"BOOM!"

"huh?"

Nagising ako sa katotohanan na wala akong talent. Sabay ginulat pa ako ni Rosh.

"Anong ipeperform mo next week?"

"Nagtanong ka pa -.-  Eh ikaw? Anong gagawin mo?"

"Maghoo hoola hoop"

Si Rosh. Ang babaeng napakagaling mag hoola hoop. Kung kanina pinapaikot niya yun sa bewang nya, maya maya pagdilat mo nasa kamay niya na. Walang sablay sa pag hoola hoop. Buti pa siya may talent :/

"Haayy.. Anong gagawin ko Rosh?"

Tumingala si Rosh.Sinabayan ko sya sa pagtingala. Parehas naming inisip kung anong gagawin ko.

"AH!"

May idea na si Rosh. Sana effective.

"Diba may flute sa bahay niyo?"

"oo"

"O di mag flute ka"

"HAHAHAH!!!! GALING MO! Di ko yun naisip ah!"

"Galing ko talaga"

Tinaas ni Rosh ang kamay niya at aakmang aapir.Tinaas ko din ang kamay ko at hindi ko siya inapiran kundi binaba ko ang kamay niya at kinunutan ko siya ng noo.

"Di mo rin naisip na hindi ako marunong mag flute."

Tumungo si Rosh. Nakakabaliw pala talaga pag walang talent.

"ummm..."

Hinayaan ko lang siyang mag isip. Tumingin ako sa paligid ko. AT! Guess who kung sinong nakita ko...

Tumayo ako at tumakbo sobrang bilis para mahabol ko siya..

"KEVIN!"

Tumigil sa paglalakad si Kevin. Ang Mr.Chinito gwapito ng campus namin. Halos lahat ng babae nahuhumaling sa kanya. Pati mga teacher at Janitor may crush sa kanya. Lagi siyang trending topic kaya walang hindi nakakakilala sa kanya.

"oh?"

Magkapitbahay kami kaya hindi ako takot lumapit sa kanya. Lahat ng babae hiyang hiyang lumapit at makipag usap sa kanya except sakin. Close ang Family namin except lang kaming dalawa. Ako lang ang feeling close sa kanya :D

"Pwede favor?"

"Ano?"

"Paturo mag gitara"

Tinignan niya ako ng walang expression sa mukha. Habang ako kabado bente kung papayag siyang turuan ako. Nakasalalay din ang grades ko dito. Since hindi gaanong kataasan ang grades ko sa English, gusto ko yun ma improve.

"plleeeeeeeeaaaaaasseeee"

Pinagdikit ko ang palad ko na parang magdadasal. At sa wakas, sinagot niya na ang dasal ko.

"Sige"

"Yes!Yes!Yes!"

Pinagtinginan kami ng mga tao sa campus. Lunch na non kaya madaming estudyante sa paligid.

"Super thank you talaga.. super super super super thank you!"

Tuwang tuwa ako dahil sa wakas magkakatalent na ako.

"Sa isang kondisyon"

Okay na sana. Masaya na sana ako. Magkakatalent na sana ako. Alam kong hindi ako dapat magulat dahil         pag humihingi ako ng favor sa kanya, laging may kapalit. Gaya ng nagpaturo ako ng assignment sa math, ang kapalit,pinalinis niya sa akin ang kwarto niyang dinaanan ng magkakatropang si Milenyo, Ondoy at Pepeng. (hindi ko talaga alam kung malakas na bagyo sila. Ni research ko lang.haha.) Tapos nagpadrawing ako ng self portrait sa kanya sa arts,Ang kapalit nun, Pinagbuhat niya ako ng sandamakmak na regalo mula sa mga babaeng admirers niya. At di lang yun. Sobrang nahirapan ako kasi commuters to the max lang ako at wala pang pagtulong mula sa kanya.

"aa...an..no?"

Kinakabahan ako. Para akong sesentensyahan ng silya electrica. Dyahe nanaman to.

"Mamayang uwian, kunin mo ang gamit ko. Iligpit mo tapos dalhin mo sa bahay pauwi."

Hay salamat. Yun lang pala. Ang dali lang naman pala.

"At linisin mo na din ang kwarto ko"

"ANO?! GRABE HA! TORTURE TO! PATURO LANG MAG GITARA NI REQUEST KO TAPOS PINATUNGAN MO AKO NG TRABAHO NA PARANG KATULONG MO?! NO WAY!"

Nag cold shoulder ako (kung tama man yung term XD) At inirapan ko sya ng bonggang bongga

"Okay madali lang naman ako kausap eh. Walang tutorials, walang grade"

Namulat ako at nagulantang. OO nga pala. Grades ko pala ang nakasalalay dito.

"Ah.. sige na sige na. payag na ako. Wala naman akong ibang magagawa eh!"

Huminga ako ng sobrang lalim bago bumalik sa upuan. Tinignan ko si Rosh. Nakatingala pa din pero pikit na ang mata sabay humihilik pa. 

"Rosh!"

"Ay, Ja! sorry wala talaga akong maisip eh,"

"halata nga eh. tara balik na tayo"

Bumalik na kami sa room at nag lesson. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung paano ako makakapasok sa room ni Kevin. 4th year high school na siya at 3rd year pa lang ako. Takot akong ma bully ng mga 4th year lalo na kay Kevin na bag pa ang kukunin ko. Patay na

"Okay class dissmissed"

Eto na. Ang pinakamahirap kong gagawin. Ang kuhanin ang bag ng gwapong lalaki at pumasok sa classroom nila na naglalaman ng mga taong hindi ko kakilala.

Anong sagot?

NINJA!

 ------

Nagustuhan nyo ba?Panget ba?

Comments and votes are allowed :)

Paper CranesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon