Performance
---five---
Performance day
Eto na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Talent show day. English subject na kaya nag ready na ang lahat. May nag make up pa. Nag costume. May nagdala pa ng cassette at cd.
At ako….
Dala ko ay isang gitara….
At mahal ko…….
Yung gitara na iyon. Hiniram ko iyun kay Kevin dahil ayaw na akong pahiramin ni kuya ng gitara. Wala akong costume. Wala akong make up. Wala akong cd at cassette.
Pero meron akong gitara……
Gitara na pagmamayari ng taong hindi ko inakalang magugustuhan ko ng ganito….
Hind ko inakalang sa lahat ng pakikipag away at kulitan ko sa kanya, may natatago pala akong feelings para sa kanya…
Sinimulan na ang pagpeperform. Draw lots ang mangyayari kaya unexpected kung sino ang mauuna at susunod.
Unang natawag si Cheska
Oo kaklase ko siya. Kaya lang naman mas matanda ng year level si Kevin ay dahil sa kumuha siya ng acceleration test noong grade 6 kami. At naipasa niya iyon kaya nung nag first year kami, second na siya agad.
Nakita ko ang hawak hawak niya.
Harp
Hindi ko alam na tumutugtog din pala si Cheska ng instruments. Bata pa lang kami hindi na ganon ang tingin ko sa kanya. First impression ko sa kanya ay isang boring na magandang mayamang babae at ma pride. Oo. Kapag may nakakaaway siya, Hindi siya nagsosorry kahit pa siya ang may kasalanan. Ewan ko kung bakit siya nagkaganyan. Pero dati nung bata kami, Medyo mabait naman siya. MEDYO nga lang.
Habang tumutugtog si Cheska, Hindi ko maiwasang maibaling ang titig ko sa kanya. Kapag nakikita ko kasi siya, naaalala ko yung sinabi niya kay Kev.
“I Like You”
Sa tingin ko kung ma pride ka na tao hindi ka aamin sa tao na gusto mo sya
Imbis hihintayin mo sya na umamin sayo. Pero noon ko lang nalaman na nawawala ang pride niya kapag nagkakagusto siya. At hinalikan niya pa si Kevin.
Mahaba ng kaunti ang tinugtog ni Cheska. Maganda iyon. Kapag pinakinggan mo, damang dama mo ang Hope sa bawat melody ng kanta. Lahat ng pag aapreciate sa music ay natutunan ko dahil kay Kevin.
Natapos na ang iba kong kaklase. Kinabahan ako bigla nung bumunot si Sir ng papel sa bowl. At tinawag niya na ang last na magpeperform para sa araw na iyon.
“Jaja”
Ako na. Tumayo ako at binitbit ang gitara. Kumuha ako ng upuan at sinimulan ko na ang pagtugtog.
Para sa akin by Sitti (Play multimedia at the side)
Lyrics:
Kung ika’y magiging akin
Di ka na muling luluha paPangakong di ka lolokohinNg puso kong nagmamahal
Kung ako ay papalarinNa ako’y iyong mahal na rinPangakong ikaw lang ang iibiginMagpakailanman
[chorus
]Di kita pipilitin
Sundin mo pang iyong damdamin
Hayaan nalang tumibok ang puso mo
Para sa akin
Kung ako ay mamalasin