Anniepot.. promote me please ;( wala masyadong nagbabasa ng story ko eh :) thank you tropa :)
--------
"IKAW"
A moment of silence..... Tayo'y yumuko... at tumahimik
"IKAW MUNA...."
Tumingin sa akin si Kevin. Kinabahan ako nung sinabi ko yung word na ikaw. Ikaw kaya. Hirap hirap magpanggap eh -.-
"Ahh.. AKO....Hmmm... Sige"
Sige daw. Ngayon lang ako sasabihan ni kevin ng sikreto. Dati nung gradeschool kami, sinabi niya sa akin na crush nya daw si Cheska. Nasa park kami nun. Hindi ko nga alam na mag oopen up sya sakin. And take note: Crush niya pa. Kaya nga forever na natatak sa isip ko na gusto niya pa rin hanggang ngayon si Cheska....
"IKAW DIN......"
"A....a.......aa.......ak..ako?"
Natahimik ako. Ako daw. Sabi niya ako daw. Totoo ba to? AKo? Seryoso? Oh? Di nga? Weh?
Bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong namumula di lang ang pisngi ko pati na ang buo kong katawan. Ngayon ko lang naranasan na magustuhan ng taong gusto ko...
Nagulat ako ng bigla syang lumapit sakin...
"IKAW DIN..... Ikaw din ang magsisisi kapag hindi ikaw ang nauna magsabi"
Aw.
Akala ko iyon na yun. Akala ko mangyayari na sa akin yung gaya sa mga telenovela. Yung gaya sa mga korean movies na napapanood ko.
Hindi pa pala...
Hindi NA pala...
"ahh.. umm.. sige. Kilala mo ba si Coco Martin?"
"oo"
"Yun! Siya crush ko"
Ngumiti ako ng kaunti para hindi halatang medyo nainis ako nung nalaman ko na AKO DIN ... AKO DIN ang magsisisi nento... ba yun -.-
"HAHHAHAHAAHHH!"
Nagulat ako nung bigla syang tumawa ng super lakas... As in muntikan ng magising yung iba kong classmates..
"Ingay mo! SIge tawa.. Pogi naman yun eh!"
"Pogi. Oo. Talented? Hindi"
"Uy! nananalo kaya yun ng awards! galing kaya umacting nun"
"Marunong ba yun mag gitara?"
"ewan"
"yun naman pala ehh.. panis.. mas magaling pa ako dun. Eh ako marunong ako mag gitara, pogi, tapos may iba pa akong talents"
"Ah.. talent na pala kayabangan ngayon"
"Wow? O sige ako naman... Kilala mo si Katy Pery?"
"oo"
"Yun crush ko yun. Maganda kasi siya eh"
"Sus! nadadala lang yun sa make up! Mas maganda pa ako dun no!"
"Bakit gusto mo ikaw?"
Napatingin ako kay Kevin. Nakatingin siya sa akin. Diretso sa mata. Feeling ko tuloy na frozen ako sa sobrang ... grabe! Hindi ko ma explain ang feeling eh
Oo. Aaminin ko gustong gusto ko. Gustong gusto..
"Hala! Ayaw ko nga!"
"Choosy pa!"
Napaisip ako bigla. Paano kung kami ni Kevin. Masaya kaya? Corny? Boring? Sweet? Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari. Nagsimula ang lahat dahil sa pesteng talent show na yun -.-