"Never give Up"
Gumising akong ito ang nakatatak sa puso't isip ko.
Pero never give up saan?
Sa pagtugtog ko?
Sa pag aaral ko?
O sa kanya?
Alam na ba niya?
Mag aalmusal pa lang ako. Biglang may kumatok sa pinto. Dahil sabado ngayon, busy ang lahat. Inaasikaso pa nila ang kanya kanya nilang panaginip. Humihilik pa. Binuksan ko ang pinto.
Nanlambot ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. at tuloy tuloy na pumasok sa isip ko ang quote na iyon
Never give Up
Never give Up
Never give Up
Sinara ko ulit ang pinto. Kumuha ako ng hininga kahit saan. Pinakalma ko ang sarili ko.
"Kalma ka lang te. Siya lang yan. Nako wag mong isipin na may gusto sayo yan no?"
"Eh pano nga kung meron? Bakit ka niya binigyan ng regalo?Magisip ka nga jaja!"
"Nako jaja! Wag kang papabitag sa ganyan! Marami nang naloko sa maling akala. Diyan namatay ang mga bayani! Nagpapakabayani sa pag ibig!"
"Hoy!"
Napatalon ako ng kaunti. Lumingon ako at nakita ko si Kevin.
"Sinong kausap mo?"
Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko. Wala palang tao.
"Ahh... Eh ano yung narinig kong pag ibig? Tsaka bakit mo ako pinagsarhan ng pinto?"
"Ha?Pag ibig? AH! Oo sabi kasi sa test namin sa a.p ano daw ang meaning ng pag ibig"
"Eh anong sabi mo?"
"Edi bulag."
"Bulag? Ang meaning ng pag ibig ay Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industria at Gobyerno. Siguro bagsak ka no?"
"Oo nga eh. Pagdating sa PAGIBIG bagsak ako"
Alam kong hindi ang PAG IBIG funds ang tinutukoy ko. Kundi ang pag ibig.
"Teka, bakit ka pala pumunta dito"
"Sabado ngayon diba?"
"Hindi. Linggo. Linggo kasi pagkatapos ng biyernes."
Tumawa ako sa joke kong sobrang corny. (totoo tumatawa ako ngayon XD ) Pero tinigil ko iyon nung hinatak niya ako palabas.
"Teka! san tayo pupunta?"
Hinila niya ako papunta sa bahay nila. Hindi ko na na greet ang parents niya dahil hinila niya ako papunta sa kwarto niya at sinara ang pinto.
"Ah.. Kevin kasi... Hindi pa ako handa"
"Anong hindi handa? Dapat lang maging handa ka"
Lumapit ng lumapit si Kevin
"Wait Kevin kasi... alam mo yun... bata pa tayo"
"Alam ko"
"Kasi.... bata pa tayo para sa mga ganitong bagay. Maaga pa masyado"
Sobrang kinakabahan na ako sa ginagawa ni Kevin. Lumalapit siya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Kevin! Wag! Kasi.... Ano.... Ayoko. Hindi pa tayo kasal"
Tinignan niya ako at tumawa ng sobrang lakas. Hindi ko maintindihan kung anong gagawin niya at kung anong tinatawa tawa niya.