In love si Kevin..
Dahil sa sinabi niya, gumuho ang mundo ko
hindi ko alam kung dapat akong matuwa dahil kahit papaano nakakaramdam din pala si kevin o dapat ba akong malungkot kasi inlove nga siya
pero hindi sakin
pano ko nalaman?
Ano yung kiss?
Ano yung kantang dedicated to C?
Ano yon?
Gusto ko sanang itanong kung kanino. Pero alam kong masasaktan din ako pag nalaman ko kaya hindi ko na lang sinabi.
"Ah... Ano.. Kevin...1 week kami sa Baguio eh.. "
Nag change topic ako. Ayokong masaktan. Sinabi ko iyon sa kanya kasi magkasama ang retreat namin. Nagtitipid ang school eh
"Kami din"
Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko. Paulit ulit lang kasing pumapasok sa isip ko yung sinabi nia sa akin
In love siya
Umuwi ako. Pumasok ako sa kwarto at umiyak. Nag eemote ako.
Kung makaiyak naman ako..
Kami ba?
Hindi nga pero mas masakit pa ang nararamdaman ko doon. Umasa ako...
Masakit..
Masakit malaman na inlove yung taong gusto mo pero hindi sayo
Masakit malaman na ngumingiti yung taong gusto mo pero hindi dahil sayo
Masakit malaman na yung taong gusto mo..
Hindi iyo
Maya maya pa kinatok ako ni kuya..
"Oy! Ngayon ka magpapabrace sabi ni mama"
Oo nga pala. Naalala ko. May sungki ako kaya ipapabrace ako ni mama. Bakit ngayon pa?
Nag ayos muna ako bago lumabas. Syempre toothbrush toothbrush din.
Lumabas na ako ng kwarto at sinalubong ako ng nakataas na kilay ni kuya.
"Oh?Bakit ang pula ng mata mo?Umiyak ka ba?"
Ayokong sabihin kay kuya na umiyak ako. Ayaw kasi niyang nalalamang nasasaktan ako.
"Kapag mapula mata umiyak agad?Di ba pwedeng naka drugs muna?"
Nginitian ako ni kuya ng nakakaasar na ngiti. Tinawanan ko na lang din siya. Buti hindi siya nagtanong ulit.
Sumakay na ako ng kotse. OTW na kami papuntang dentist. Nag gm muna ako
*GM*
Morning! OTW na papuntang dentist..
aww maga mata..
text muna :)
-Loving you-
SEND-
Tumingin ako sa labas ng bintana. Naalala ko nanaman si Kevin. Wala nang ibang laman ang utak ko kundi si Kevin. Siya na lang palagi. Susubukan ko siyang alisin sa isipan ko...
Processing........
Binuksan ni mama ang radyo. Pinoprocess ko pa ang pag delete kay Kevin sa utak ko...
eh sa puso ko?
Kaya ko ba?
Now Playing: 12:51
Ang gara.. emote na emote ako tapos biglang emote din yung kanta...
Sinabayan ko sa isip ko yung kanta...
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on....
Any LONGER....
Tamang emote lang? Kinarir ko na ang pag eemote dito. Hindi naman ako pinapansin nila mama eh...
At ang ineemote ko?
HULAAN MO :P
Alam mo na yun. Ayokong bangitin ang pangalan niya. Baka kasi masaktan nanaman ako..
Nakarating na kami ng clinic ng dentist namin. Eto na.. kakabitan na ako ng braces
Medyo matagal bago kami natapos. Halos lunch na nga eh. Naisipan namin na pumunta ng MOA. Doon kami naglunch sa Gerry's Grill. Hindi ko pa ramdam ang sakit ng braces ko. Pero ramdam na ramdam ko ang sakit ng puso ko. Di pa din kasi ako makaget over. Hindi din ako makakagat. Aww...
Sinerve na yung pagkain namin. Tinry kong kumain pero masakit talaga... naisipan kong hinay hinayin ang pagkain. Habang kumakain ako, Nakatingin ako sa labas.
At nakita ko
SIYA...
Kasama si CHESKA...
Hindi ko napigilang umiyak. Lahat ng luha ko napunta sa pagkain ko. Ang OA ko no? Hindi naman ako involved kung maka iyak wagas ehh.
Tinanong ako ni kuya kung bakit ako umiiyak. Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumabas ako ng restaurant.
Pumunta ako sa may bay tapos doon ako umiyak ng umiyak. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Pat, Ang little sister ko.
"Ate Bakit ka umiiyak?Masakit ba talaga yang braces mo?"
Bumuhos ang luha ko.. sobra... Sinabayan pa ng malakas na hangin,Super emote ako..
"Oo ehh... Sobrang sakit. Masakit na masakit..."
Hinug ako ni Pat sa legs. At hinayaan akong umiyakk...
-----------------------------
Sorry kung boring ha? Puro emote kasi.. sorry din kung sobrang bilis ng pangyayari.. ayoko kasing madaming echos.. thank you :)
PLEASE SUPPORT!