Bag

39 1 0
                                    

Hindi pa ako nakakapag edit ng picture. Wala tuloy akong cover. kapag sinipag na ako mag edit

----two----

NINJA!

Eto na lang ang paraan para makuha ko ang bag niya at para mailayo ko ang sarili ko sa kahihiyan.

Akyat...

Akyat...

Room 123

Sumilip ako sa room nila. Ang daming tao. Maingay. May nag lilinis may nagbabasa.

May nakakita sa akin na lalaki na sumisilip ako sa room nila.

"Uy!"

Tinuro niya ako. Natakot ako kaya nagtago agad ako sa likod ng wall.Naririnig ko na ako ang pinag uusapan nila.

"Kev! Yung syota mo sinusundo ka na"

Hindi ko narinig na sumagot si Kevin.

"Buti Kev hindi kayo pinagtutulakan ng family niyo no?Yung Parang Fixed Marriage. Kasi diba pag ganun, pag close yung family, yung mga apo pinag kakasal nila?"

Ano namang pumasok sa isip nitong lalaking ito at naisipang itanung yun kay Kevin? Baliw talaga -.-

Narinig ko na sinagot ni Kevin yung tanong nung baliw na lalaki.

"Hindi na uso yun"

Lumabas si Kevin. Gulat na gulat siya nung makita ako.

"Bakit ka nagtatago?"

"Ah... kala ko kasi ...ano...."

Wala akong maisip na palusot. Binigay nya na sa akin ang bag niya.

"Mas nakakahiya kung papasok ka pa.Iuwi mo yan"

"OKAY PO"

Habang naglalakad ako, dala dala ko ang bag ni Kevin. Buti na lang magaan siya. 

Nakasalubong ko si Rosh.

"Ja, Kailangan daw ng tulong mag decorate ng gym. Birthday kasi ng principal bukas eh. Ano? Sama ka?"

Hingal na hingal si Rosh nung tanungin niya ako. Nakatingin siya sa dala dala ko.

"Kanino yan?"

"Ah eto? kay Kevin"

Tinignan niya ako ng tinging nagdududa.

"Halika, magdedecorate tayo habang kinukwento mo yung kamartiran na ginagawa mo"

"Anong kamartiran? Loka"

Hinila ako ni Rosh papunta sa Gym kaya wala akong nagawa. Nagdecorate kami. Glue dito dikit dyan. Stapler dito, Kabit dyan.

"Kwento mo na"

"Eh kasi..."

Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Hindi ko namalayan ang oras.  6:30 na ng gabi nung matapos kami.

"Eh kelan mo ba kasi aaminin na gusto mo si Kevin?"

"Hindi ko sya gusto"

"Hindi daw"

"Oo nga. Hindi naman talaga eh"

"Eh bakit sa kanya ka pa nag paturo?"

"Kasi magkapit bahay lang kami"

"Ay sows! Nandyan naman yung kuya mo. Oh di kaya magpaturo ka sa ate mo mag flute. O kaya magpaturo kang kumendeng kendeng kay Lia"

Napaisip ako. Bakit nga ba gusto kong si Kevin ang magturo sakin? Nandito naman si Kuya. Eh basta! wala lang yun.

"Basta"

Tinawanan ako ni Rosh. Habang papasakay kami ng jeep, Pilit niya pa din akong inaasar. 

"yiieehhh.. luma love team ka na ngayon. Iisip ako ng pangalan"

Hinintay ko lang syang mag isip. Ayoko na din kasing patulan ang kabaliwan niya. Pagod na din kasi ako eh.

"JaVin! o di kaya KeJa! ahahha.. ang cuuuttee"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Edi loveteam name niyo. Parang kim and xian KIMXI. o tapos kim and gerald KIMERALD. Ganun"

"Tchhh... corny mo"

Natapos na din ang kaingayan ni Rosh dahil bumaba na sya ng jeep. AKo na lang mag isa.Okay lang yun maya maya bababa na din naman ako.

Pero kinuha ko na din ang opportunity para mag isip. Hindi naman suplado si Kevin. Hindi rin naman sya mabait. Matagal na kaming magkakilala kaya imposibleng hindi ko sya magustuhan. Pero pag lumalapit naman ako sa kanya parang normal lang. Hayy.. Di ko na talaga alam.

Bumaba na ako at naglakad pauwi. Nasa bukana lang naman ang bahay namin kaya hindi na ako nag tricycle. 

Nagulat ako nung nakita ko si Kevin sa labas ng bahay nila

"Oo nga pala! Yung bag niya!"

Lalapitan ko na sana siya kasi akala ko hinihintay niya lang yung bag niya. Pero nakita kong may kasama siyang babae. Nagtago ako sa halamanan.

"Kevin, I really like you"

OMG! May nag confess nanaman kay Kevin? Palagi kasing may nagcoconfess na babae sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi na lang siya mag pari. Joke. Confess ng feelings. Pero lagi din naman nya yun nirereject. Pag sinasabi sa kanya "I like you Kev" sasabihin niya "Sorry, hindi ko kayang suklian yan" 

Hindi ko narinig na sumagot si Kevin. Naghihintay ako. Wow? Para akong nakikinig ng istorya sa radyo.

Ang tagal. Walang sagot. Hindi ko naman talaga sinasadyang maging chismosa pero... andito na ako eh.. sa halamanan nagtatago. Kaya sinilip ko ang nangyayari.

Nagulat ako sa nakita ko. Hinalikan ni Kevin yung babae. 

Si Kevin?

Hinalikan yung babae?

Hindi ako sigurado sa nakita ko kaya pinilit kong lumapit

lapit....

lapit.....

lapit.....

at...

*PAK!*

Kakalapit ko,hindi ko namalayan na may bato palang nakaharang. nadapa ako sa kalsada. At pag angat ko ng ulo ko nasa harap ko na si Kevin at si

si Cheska?!!

-------

Sorry kung wala masyadong kwenta yung story -.- Gagalingan ko na sa mga susunod :)

Paper CranesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon