Pag-Ibig

23 1 0
                                    

Late na ako nagising. Nagulat ako kasi lahat sila bihis na bihis.

"Anong meron?"

"Musical day ngayon. Kakanta tayo sa Burnham Park. Tapos yung malilikom na pera, Idodonate dito"

"Wow?"

Nagmadali akong magbihis. Hinila ako ni Mindy papasok ng bus.

Umupo si Mindy sa kabilang side at ako sa isang side. Hindi ko alam kung bakit magkahiwalay kami ng upuan.

"Pwede patabi?"

Hindi ko lang pinansin yung nagtanong. Umupo na siya sa tabi ko.

"Sungit mo. Ganda mo pa naman"

Lumingon ako. At minalas sa nakita ko. Si Kevin pala yun -.-

Wala akong ibang ginawa kundi magsoundtrip. Nakatulog ako ng onti pero pag gising ko hindi na nagana headphones ko.

"Hala!"

Kinuha ko yung ipod ko. Aww.. lowbat -.- Hindi ko padin tinanggal yung headphones ko. Napatingin ako kay Kevin. tulog -.- Isasandal ko sana yung ulo ko sa salamin ng biglang binalik yun ni Kevin.

Tinanggal niya yung headphones ko tapos pinalitan ng earphone pero syempre isa lang (earphone nga eh -.-) Binalik niya yung headphones ko tapos sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko tapospinilit niyang ilagay yung ulo ko sa ulo niya at sumunod nman ang ulo ko. Bobo talaga. Dahan dahan kong inalis ang ulo ko pero nilagay pa din yun ni Kevin tapos pumikit siya.

Eto nanaman. Yung puso ko nanaman parang timang. Lahat ng mga kaklase ko nakatingin samin. Hindi ko nga alam kung bakit andun si Kevin eh hindi naman namin siya kaklase -.-

Nakatulog ako. Paggising ko nasa Burnham na kami. Pinababa na kami ng teachers.

Tumingin ako kay Kevin at tinulak siya.

"Gising na!"

Tinignan niya ako sa mata. Iniwas ko yung tingin ko kasi alam kong nagbublush ako. Binalik ko yung tingin sa kanya pero ngayon nakatayo na siya tapos nakangiti. Kami na lang pala yung natira sa bus.

"Bakit ka nakangiti?"

Huminga siya ng malalim.

"Eh kasi nanaginip ako eh... Katabi ko daw yung crush ko tapos sweet daw kami"

Tinarayan ko siya. Alam ko namang si Cheska yung tinutukoy niya.sabi na eh...

Bumaba kami at nakitang nagsisimula na pala sila. May sumayaw, may kumata... Pero onti pa lang ang nanonood. 

Maya maya pa, si Kevin na ang kumanta..

Kinanta nya yung favorite kong song...

The man who can't be moved by the script..

Lahat kami nakanganga.. hawak hawak ko nun si Mindy.. Nanonood lang kami at nagulat ako nung bigla nya akong tanungin

"ATe, may gusto ka ba kay kuya?"

"Ha?"

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin eh.. Gusto? Oo.. gustong gusto.. pero ayaw ko aminin kay mindy kasi bata pa sya para sa mga ganyang bagay

"Paano mo naman nasabi na gusto ko siya?"

"Wala lang."

"Wala?"

"Hmm.. may ibubulong ako ate pero wag mo ito sasabihin kahit kanino"

Binulong sa akin ni Mindy yung "sikreto" na sinasabi niya. Grabe. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong reaksyon. Matutuwa, malulungkot o maiinis..

Paper CranesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon