Monday-
Lumipas na lahat ng ka emuhan ko sa buhay. Sa isang buong araw na kalungkutan at ka emote-an ko, Nakalimutan ko ang lahat dahil kay kuya. Shinare ko sa kanya ang mga nararamdaman ko
*FLASHBACK*
"Kasi kuya... (blah blah long story..)"
"AH! Kaya pala ganyan ka ka-close kay kev. May pa guitar guitar lessons ka pa, eetraksid ka lang naman pala.."
"Hindi ah! Totoong may performance kami -.-' "
"Alam mo, Hindi naman masamang magkagusto ka kay Kevin eh. Kung makareact ka lang kasi... Hindi ka naman girlfriend ehh.. Alam kong gusto mo siya. Pero sana nilimitahan mo na bago ka nahulog ng tuluyan...."
Tama si kuya. Hindi dapat ako nagreact ng ganun. OA lang ehh
*E.O.F*
Nalaman ko kay kuya na hindi pala dapat ako ganun... Hinayaan kong mailayo ang sarili ko panandalian sa pagisip kay Kevin (oh? tagalog yan! )
Reco namin. 1 week. Kasama namin ang batch nila Kevin. Tipid tipid din yung school eh -.- Kaya wala akong magagawa kundi makikita ko siya ng isang linggo. Isang linggong pag ibig? Weh?Corny -.-
Hinatid na ako nila mama sa bus. Kagabi pa kasi ako nakapag impake. Pagdating ko, ako na lang pala ang hinihintay. Nakakahiya -.-
Anim na oras ang biyahe namin. Okay lang naman. Soundtrip, Foodtrip. Lahat ng trip nagawa namin sa bus. Nakarating kami sa Tutuluyan namin ngunit hindi kami pinababa ng bus. Naghintay muna kami.
"Tagal ah!"
Umakyat ang teacher namin na may mukhang hindi maipinta.
"Sorry class pero magkakaroon ng problema sa tutuluyan natin, Hindi pa din kasi naaayos ang nasirang mga kwarto dahil sa lindol.. Kaya tutuloy tayo ngayon sa bahay ampunan at doon na lang mag rereflect at gagawa ng charity works"
"Grabe. Hindi man lang nila chineck yung venue bago tayo pumunta -.-"
Wala akong imik. Pinagpatuloy ko lang ang pakikinig ng music. Hanggang sa nakarating kami sa orphanage na sinasabi nila.
"Rosh.. Dito daw tayo magstay?"
"Oo daw ehh.."
Pumasok na kami. Inayos namin ang mga gamit namin at nakihalubilo na din sa mga bata doon. Panay ang pangungulit samin ng mga bata hanggang sa kwarto. Since ampunan ito, share share lang kami sa kama.
"Ate.. Anong pangalan mo?"
"Jaja"
"jaja?Alam mo ba ate dati may kapatid din ako. Jaja din pangalan niya pero nawala siya kasi nagkaroon ng malakas ng lindol sa lugar namin. Nawala pati mga magulang ko kaya nandito ako ngayon sa ampunan"
Natigil ako sa pagtutupi ng damit. Tumulo ang luha ko at niyakap ko yung bata.
"Sige. Simula ngayon ako na ang ate mo. Anong pangalan mo?"
"Mindy po"
"Sige Mindy, eto"
Binigyan ko si Mindy ng jacket. Gusto ko kasing bigyan siya ng pasalubong.Ulila na din kasi siya.
"Guys! Lunch na daw!"
Lumabas na kami ni Mindy para kumain. Sinubuan ko siya ng kanin. Maganang magana si Mindy kumain. Pagkatapos noon, naglaro na kami. Napukaw ang atensyon ko nang lapitan ako ng isang madre.
"Iha.. Alagaan mo si Mindy ah? May sakit kasi siya na hindi matukoy ng mga doktor at sabi daw baka saglit na lang siya dito"
"Po?"
