----four----
"Oy! Kevin!"
"Ano?"
Pinakita ko kay Kevin lahat ng song sheets na binigay niya sa akin. at nilapit ko yun sa mukha niya.
"Nababasa mo ba to? Tong mga to?"
Tinignan niya bawat isang song sheet at tinabi niya ang kamay ko at tinignan ako sa mata.
"OO"
"Pwes! Kung nababasa mo yan, ako hindi! Paano ka matututo mag gitara kung puro tuldok ang makikita mo! Sige nga sabihin mo!"
Puro kasi tuldok ang nakikita ko. G chord. Tuldok tuldok tuldok tuldok
C chord tuldok tuldok tuldok
Ano pang matututunan ko?
"Marunong ka ba magbasa?"
"OO!"
"Yun naman pala eh. May instructions diyan!"
Tumalikod si Kevin para umalis. Hinila ko ang t-shirt niya para pigilan siya.
"Teka teka, sayo ako humingi ng tulong. Hindi sa song sheet. Kaya turuan mo ako. Kung ayaw mo, hindi ko liligpitin ang kwarto mong apat na araw nang hindi malinis linis dahil sa katamaran mo"
Napaisip si Kevin.
Diba? Bongga ko mag linya. Pang High ratings na palabas sa Tv.
Umupo siya sa sofa at kinuha ang isa pang gitara
"Eto, G chord"
Nagsimula muna kami sa basics ng pagtugtog. Hindi ko namalayang ineenjoy ko na pala ang pag pluck at pag strum. Namemorize ko din ang mga chords sa wakas.
Nagpaturo na ako kay Kevin ng isang kanta.
"Turuan mo ako ng ikaw lamang by silent sanctuary"
"Wow? Di yun kaya ng beginner na katulad mo. Iba na lang"
"Sige sampulan mo ko ng maganda at madaling kanta"
Sinimulan na ni Kevin ang pagtugtog. At sinabayan ko iyon ng kanta
Sundo
Lyrics: (Play multimedia at the side)
Kay tagal kong sinusuyod
Ang buong mundo
Para hanapin,
Para hanapin ka
Nilibot ang distrito
Ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka
Sinusundo kita,
Sinusundo...
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/i/imago/sundo.html ]
Habang kinakanta ko ang lyrics, Namalayan kong hindi nap ala ako nakatingin sa gitara. Kundi kay Kevin
Ngayon ko lang din na appreciate ang ka gwapuhan niya
Bumalik sakin ang lahat ng pinagsamahan naming nung bata pa kami.
Simula nung inaasar niya ako nung grade 1
Hanggang sa pinagtatanggol niya ako nung grade six
At nung ako yung pinakanta niya sa Teacher’s day dahil gusto niya daw ang lamig ng boses ko
Hindi ko alam kung bakit bumalik sa akin lahat ng iyon
Tinititigan ko siya sa mata….
Nadama ko na ang kanta. Parang sumabay na ang puso ko sa pag kanta. Nakiki jamming din ata.
Asahan mo(Asahan mo) mula ngayon
Pag-ibig ko’y sayo
Asahan mo (Asahan mo) mula ngayon
Pag-ibig ko’y sayo
Sa akin mo isabit
Ang pangarap mo
Di kukulangin
Ang ibibigay
Isuko ang kaba
Tuluyan kang bumitaw
Ika’y manalig
Manalig ka..
Sinusundo kita
Sinusundo...
Asahan mo (Asahan mo) mula ngayon
Pag-ibig ko’y sayo
Asahan mo (asahan mo) mula ngayon
Pag-ibig ko’y sayo (repeat 2x)
(Asahan mo)
Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sayo’ng sundo (repeat 3x)
More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/i/imago/#share
Matatapos na ang kanta pero hindi ko pa din inaalis ang tingin kay Kevin. Okay lang iyon kasi sa gitara siya palagi nakatingin pag tumutugtog.
Asahan mo…. Mula ngayon… pag ibig ko’y…..
SAYO…….
Umuwi akong masayang Masaya. Hindi ko alam kung bakit pero Masaya ako. Wala akong pinansin at kinausap pag pasok ko ng bahay. Pumunta agad ako ng kwarto at nahiga sa kama.
Inulit ko ang last lyrics ng song
Asahaan mooo…. Mula ngayoonn… pag ibig ko’y sayo…..
Ngumiti ako ng kaunti. Nilagay ko ang dalawa kong palad sa puso ko.
Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok non.
Bakit ganito? Nagpapalpitate ba ako? May sakit ba ako?
May problema ba ako?
Tumayo ako at tumingin sa salamin.
Malaki ang problema ko
“Shet in love ako”
Kilig part? Nkakarelate?
Comment. Vote and be a fan :)