Sipon

53 0 0
                                    

Sorry kung super nakakadiri ang title ng chapter na to :P

---three---

si Cheska?

wait.

totoo ba to?

Si Cheska kasi ang tipong tao na ma pride. super. Kaya hindi ko akalaing magkakagusto siya kay Kevin. Tapos aaminin pa niya? Harapan? Nilunok niya na ba yung pride niya? Buti hindi bumula (corny :P )

"Ah..eh... Nako! Kevin! Kanina pa kita hinahanap. Ginabi na ako kakahanap sayo. Andito ka lang pala. Di ko tuloy mabigay bag mo"

Nagpalusot ako para hindi halatang inistalk ko sila

"Sabi ko sayo dalhin mo sa bahay. Bakit hinanap mo pa ako?"

"Ah.. wala.. eh sa gusto ko ikaw kukuha eh!"

Inirapan lang ako ni Cheska. Hindi ko din naman siya pinapansin eh. Umalis na ako kasi baka may pag uusapan sila. Pagdating ko sa bahay,

*Ahhh...Ahhh....ACHOOOOO!!!"

Sipon

Kinabukasan

"Tita Esther, si jaja po?"

"Ayun nasa kwarto nagpapahinga."

"Ha?! Ano pong sakit niya?"

"May sipon siya"

Narinig kong nag uusap sina mama at Kev. Siguradong pagtatawanan nanaman ako nun. Masakitin kasi ako. Nahamugan ako kahapon kaya nagkasipon ako -.-

Lumabas ako para harapin ang katotohanan. Na magang maga ang ilongm ko dahil sa sipon.

DAHIL SA SIPON.

"Sipunin ka talaga!"

Inirapan ko lang siya. Pero dahil sa pang aasar niya, naalala ko yung nangyari samin dati.

"Sus! Makaasar. Eh ikaw nga tong sipunin nung bata pa tayo eh. Dahil wala kang pamunas, diidilaan mo yung sipon mo pag tumutulo. Nasasarapan ka pa nga eh."

"Wow? AKo pa daw ah? E sino tong kakatawa sa joke ng classmate eh lumobo ang sipon at pumutok. Tapos pinunas pa sa Polo?DA WHO?"

"Tumigil ka nga! Eh kaya pala ganyan ugali mo. Siguro araw araw ang ulam mo dati SIPON!"

Pinigilan na kami ni mama sa pag babangayan. Nakakadiri daw kasi yung pinag uusapan namin eh.

"Kelan mo ba ko tuturuan mag gitara ha?"

"Next time na pag gumaling na yang sipon mo. baka matuluan pa yung gitara ko"

Dahil doon, Nagpagaling ako. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para malunasan itong malala kong sakit.

ANG SIPON

Sa sobrang lala ng sipon ko, hindi na iyon lumalabas sa ilong kundi sa mata. Napapaiyak ako kahit hindi naman ako inaano. Feeling ko ako yung bida sa isang pelikula kung saan minamaltrato siya ng nanay niya kasi hindi siya tunay na anak. O di kaya ako yung bida sa pelikulang iniwan ng kinakasama kasi may mahal nang iba.

ma drama ba?

Eh sa ganyan ako magkasipon. Kapag naging artista ako, magpapasipon muna ako bago magkaroon ng iyakan moments :))) joke lang.

At dumaan ang isang buong araw kong pagpapagaling.

Sabado na. Pumunta ako kanila Kevin para magpaturo mag gitara.

*tok tok*

"Kevin turuan mo na ako"

Pinakita ko kay Kevin ang butas ng ilong ko at binuka pa iyon.

"Kita mo? Wala nang sipon. Turuan mo na ako"

Tumawa lang si Kevin. At pinapasok ako sa bahay nila

"Sige. Kunin mo na yang gitara at pag aralan mo"

"Ano to? Paturo nga diba? Paturo mag isa? Pwede ba yun?"

Nilatag ni Kev lahat ng song sheets na meron siya.

"Oh... may mga chords dyan aralin mo"

At sinimulan ko na ang pag aaral ng mga chords.

--------

Pasensya na medyo maikli every chapter. Hindi ko kasi talaga alam kung paano pahabain eh

Paper CranesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon