"KEVIN"
nabangga si kevin ng truck. Hindi ng kotse pero ng TRUCK.
Dinala kaagad namin si kevin sa ospital. Lahat kami hingal na hingal. Kinuha ko ang cellphone ni kev at tinawagan ang mommy niya
ring......
at sumagot
"hello kev?bakit ka napatawag?kanina pa ako nag aalala sa iyo"
"hello tita, si jaja po ito.. si kev po.. nabundol ng truck nandito po siya ngayon sa ospital"
"ha?nako!sige papunta na kami diyan!"
Nasa labas kami ng operating room. Hinihintay ang resulta
"jaja...si kevin?KEVIN!KEVIN! ahu.."
ibinuhos ni tita ang iyak niya. Nag aalala naman si tito
Maya maya pa lumabas na ang doktor
"dok please gawin niyo po ang lahat mabuhay lang ang anak ko please po"
"misis,hindi naman po malala ang kalagayan ng anak niyo. May konting fracture at inoperahan siya sa may bandang likod dahil malakas ang impact.Mabuti at hindi masyado nadamage ang ulo niya pero nagkaroon po ng kaunting pagklimot..naapektuhan ang memorya niya kaya paggising niya mayroon siyang mga bagay na makakalimutan"
Tumatak sa isip ko ang sinabi ng doktor
"paggising niya mayroon siyang mga bagay na makakalimutan"
Nagstay ako sa ospital para alagaan si kevin.. pumapasok ako sa school. Kailangan kasi kaka 1st year college ko lang..
Umaga
Gabi..
Nagdadasal ako na magising siya
"oh jaja, umuwi ka na kami naman dito"
"Okay lang po tita"
"nakakahiya naman sayo pumapasok ka pa naman din"
"haha okay lang po yun"
Umupo si tita sa tabi ko
"alam mo ba, dati pang patay na patay sayo yang si kevin"
"PO?!"
"oo bata pa kayo crush ka na niya"
Nagulat ako. Siyempre ako nga tong may gusto sa kanya hindi ko akalaing sya din pala nagkakagusto saakin.. nagpatuloy pa siya..
"sobrang open sa akin si kev. Lagi kaniyang bukambibig. Hindi ko na nga alam kung dapat ko ba iyong sabihin sayo.Kasi magkapit bahay lang tayo.Tuwing maglilinis ka ng kwarto ni kev,Tititigan nya muna iyon ng 5 minuto,kukunan niya ng litrato..pagkatapos ay ilalagay nya sa koleksyon nya"
"ano pong koleksyon?"
"ng litrato mo,nyo,at nung mga binibigay mo sa kanya o di kaya pag nag rereunion tayo.."
"talaga po?"
"oo sandali dala ko ata eh.."
Pinakita sa akin ni tita ang napakalaki at napakabigat na scrapbook. Si kevin? nagsascrapbook? Hindi ko akalain na nagkakatotoo pala talaga ang mga sabi sabi sa istorya o sa mga fairytale
Binuksan ko ang unang pahina..sabi ni tita iiwan nya lang daw ako saglit dahil may aasikasuhin siya sa ospital. Nagulat ako.. dahil pagkabukas ko, nakakita ako ng paper cranes...
madaming madaming paper cranes...
at nakasulat..
Ibibigay ko ito sa babaeng mahal ko
Sa sobrang dami ng pages na tinignan ko, nakatulog ako..
naalimpungatan ako nung bumukas ang pinto...
"Ja, kamusta si kevin?"
Bumisita sina rosh at bandmates ni kev sa ospital..
"hindi pa din siya nagigising"
"alam mo jaja, feeling yang si kevin eh.. sleeping beauty pa kunware..gusto lang makatikim ng halik mula sayo eh..baliktad nga lang kayo"
"ano ba bing?hindi na nga nagigising sa kevin eh aawayin mo pa si jaja"
"okay lang yun rosh..Hihintayin ko syang magising kahit kailan..kahit gaano katagal.. nandito pa rin ako maghihintay.."
"yung totoo Ja? tumeteleserye?lumilinya ganon?"
Nagtawanan lang kaming lahat.. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano kung hindi magising si Kev?O paano kung sa pag gising niya makalimutan niya ako?
Natatakot ako..
-----------------------
Please support guys.. boring ba? sabihin nyo lang kung oo para malaman ko.. thank you :)