*kring kring*
"Hello ma'am this is Keja workshop may I help you?"
"Oh ano daw?"
"Mam ja, guitar lessons daw sabe ni Mrs. Sandoval para sa anak nya"
"Nanaman?Unli yang batang yan ah... naka ilang lessons na eh.."
"I aaccept ko po ba mam?"
"oo, hindi tayo pwedeng tumanggi"
"Mam ja.. eto na po si kevin!"
"IKAW NANAMAN!!'
"oo ako nanaman.kasi dito ka nagpapa guitar lesson so wala kang choice"
*ten ten ten ten ten*
"Oh?bakit ka tumigil?"
"wala nakalimutan ko lang yung next na chord"
Napatigil ako sa pagtugtog ng gitara. Kinakabahan ako.
Lahat ng saya
lungkot
Ipinapaalala sa akin sa tuwing mag tuturo ako...
Sana hindi niya ako nalimutan....
"o ituloy mo na.."
Nakatingin lang ako kay Kevin. OO SI KEVIN.. Ilang taon na ang nakakalipas nung maaksidente siya. Ang pinagmulan ng pagkalimot niya ng lahat lahat...
kung saan siya nakatira
ang pangalan niya
magulang niya
banda niya
ang pagtugtog niya
at ako
si JAJA...
Hindi ko alam kung nakalimutan niya ako.. o KINALIMUTAN niya na ako...
Every year nagpapaturo si Kevin sa akin tuwing summer. Gusto kasi ng mom niya na maipagpatuloy ang music career niya..
At ako naman... nakatapos na ako ng college at nakapagpatayo na ng workshop..
dahil sa naging inspirasyon ko si kevin, pinagpatuloy ko ang pagtugtog kaya ito ang kinahantungan ng lahat ng pagsisikap ko...
Kahit na nahihirapan ako sa pagtuturo kay kevin,dahil nga sa aksidente ay nahihirapan siyang makasagap at magproseso ng impormasyon sa utak niya, patuloy ko pa din siyang tinuturuan...simple lang,
kasi mahal ko siya
"Oh? bakit di mo ko turuan? diba g to?"
"ah.. oo"
"mam'
"hmm..?'
"bakit ang bait mo sa akin?"
"bakit?gusto mo masama ako sayo?"
"hindi..kasi feeling ko kakilala na kita dati"
"oh talaga?"
Nabuhayan ako. Hindi pa din ako nawawalan ng pag asang maaalala nya ako..
"oo.. kasi ikaw yung nagtuturo sa akin matagal na eh"
Fail nanaman... Kahit na matagal na panahon na akong nagtuturo sa kanya... Pinagdadasal ko pa din na sana maalala niya ang lahat lahat....
"O sige kevin... Bibigyan kita ng assignment.. since 9 years na kitang tinuturuan, dapat marunong ka na gumawa ng kanta"
"ha?"
"oo, may kukunin lang ako, tapos dapat pag balik ko, may laman na yang papel na yan.. oh..."
Lumabas ako ng studio para bumili ng pagkain.. Palagi kong tinitreat si kevin pag siya ang tinuturuan ko para maging kumportable siya....
Bumalik ako pagkatapos ng 2 oras... ang tagal kasi ng service ng pinuntahan kong food chain...
Pag balik ko sa studio... wala na si kevin...
Nilapag ko ang pagkain sa lamesa...
nakita ko yung papel
may laman siya....
ginawa ni kevin ang assignment niya
sumilip ako at tinignan ko kung ano ang ginawa niyang kanta
nagulat ako sa nakita ko..
PAPER CRANES C<3
I Love the way you smile
*insert lyrics here*
If a thousand paper cranes would make you mine
I'll make a thousand more, its fine
I'd spend more days with you
I know that this love will be true
Naiyak ako... Yung akala kong lahat nakalimutan niya
Ako
Pamilya niya
Ang paggitara
pero may natira pa pala...
Hindi ko alam kung pagkakataon lang ito pero...
natutuwa ako sa nakita ko...
Tiniklop ko ang papel at napansing may sulat sa likod
NEVER GIVE UP
----end----
