"ako din"
tinignan ako ni rosh at namula ang buong mukha nya sabay sumigaw sya ng sobrang lakas kasabay ng cheer ng mga tao..
Natapos ang gig nila. Saglit lang naman iyon eh. Kumain kami sa isang karinderya kasama ang bandmates ni kev.Tinignan ko ang orasan at nakita ko..
"10 na pala"
"wag ka mag alala jaja. Ihahatid kita sa bahay nyo"
"wag na rosh.. okay lang ako"
"bakit?taga san ka ba jaja?"
"ah.. taga bayan ako bing"
"bayan?eh yan oh. si kevin. taga bayan din yan. sabay na lang kayo"
"ahh...ehh..."
"sabay naman talaga kami.. magkapit bahay kami"
"wag na kev. okay lang. baka may gagawin pa kayo ng bandmates mo"
"nagtext sa kin kuya mo oh.. tignan mo: iuwi mo si jaja dito sa bahay wag sa kung saan. o diba?"
Si kuya talaga. Nakakahiya naman kay kevin. Nagpaalam ako na lumabas at pumunta sa tapat ng tindahan kung saan may park. Doon ko naisip ang lahat..
yung guitar lessons
selosan sa baguio
yung sa bus
yung paper cranes
yung kiss nila ni ches..
"oy"
nakatingala ako kaya hindi ko pinansin yung kumakausap sa akin
"oy"
"...."
"pst"
"..."
"uuyyyy"
"..."
"mahal kita"
"ha?!"
nagulat ako at napatingin. Si kevin pala yun. Ano ulit sabi niya? Mahal niya daw ako?
"ewan ko sayo"
"di ka kasi namamansin kaya sinabi ko yun. o diba effective pinansin mo ako"
"oo nga eh -.- muntik na akong maniwala"
"hahaha"
pagkatapos ng maikling usapan na iyon... awkward silence..
tinry ko syang kausapin sa pamamagitan ng pag oopen ng topic
"kev"
"oh?"
"may nahalikan ka na bang isang babae?"
"hm.. oo.si mama"
"bukod sa kanya.."
"wala bakit?may nahalikan ka nang lalaki no? yikes!"
"oy!grabe!hinde ah!"
"o tamo, defensive...hahaha"
"hindi pero seryoso talaga .. meron?"
"wala.. gusto mo halikan kita para meron na?"
"yuck!di no!"
"hahaha tanong ka kasi ng tanong dyan..."
"ehh pero.... si cheska?"
"ha?"
tinry kong mag open kay kevin para mawala na lahat ng gulo sa utak ko at tinanong ko sya..
"eh kasi isang beses nakita ko kayo ni ches sa labas ng bahay mo nagkiss kayo tapos ako nasakin yung bag mo ayun.."
"ahh yun ba yung nadapa ka?HAHHAHAHAHA
HHAHAHAHAHA"
"lakas mo mang asar ah -.- nagkasakit na nga eh"
"tsismosa ka kasi"
"o tamo edi may nahalikan ka na nga"
"hay nako! nasaan ka ba nanood?"
"sa may halamanan"
"e diba nakatalikod si cheska?"
"oo"
"hinipan ko yung mata nya kasi napuwing daw siya. yun din yung gabing pinagtapat nya sa akin ang feelings nya pero ....."
"pero?..."
"nireject ko sya"
"REJECT?!SUSMIO!"
"bakit?"
"maganda naman sya eh"
"bakit? ano bang nagmamahal?yung itsura ba?ediba puso..tsaka may iba na akong mahal no"
"sino?nanay mo?"
"hindi....ikaw"
"ako?"
"ay hindi. sya..."
"ako?sure ka?weh?ayoko ng biro mo ah..."
"mukha ba akong nagbibiro?"
tinuro ni kevin yung mukha nya
"ahh.."
"ano nagsabi na ako na mahal kita ahh lang sasabihin mo?"
"e anong gusto mong sabihin ko?"
"tss.. dyan ka na nga.."
Tumayo si kevin sa kinauupuan nya sa may swing.. tumakbo sya papunta sa tindahan at tumigil sa gitna ng daan upang magsintas ng sapatos... at biglang
*BOOOOOM!*
"KEEVIIIINNN!!!!!"
-----------------------------
kamusta naman? vote please :)