PAUWI na si Samantha mula sa pamamalengke nang hapon iyon. Napansin niyang tila may kung anong pinagkakaguluhan ang mga tao sa covered court na nasa tabi lang ng barangay hall. At dahil nasa dugo niya ang pagiging Mass Communication graduate—in other words, usisera siya, nakisiksik siya mga tao at natigilan nang makita ang isang lalaki na nagle-lecture sa mga bata ng emergency drills.
OMG! Si Anthony de Dios! tili ng malantod niyang puso.
At dahil umariba ang pagiging fan girl ni Samantha, lalo pa siyang sumiksik hanggang sa makarating siya sa barandilya sa unahan.
Haaay! Parang nalaglag ang puso niya sa lupa. Napakaguwapo talaga nito. Matangkad, moreno at napakaguwapo. Napakatalino pa. Tingnan pa lang ang tindig nito, 'tapos ay nagsasalita, kitang-kita nang isang matalinong lalaki si Anthony. Nakasalamin ito pero hindi iyon salamin na nagpamukhang nerd dito. Ang totoo, lalo pa itong gumuwapo kapag nakasalamin. 'Tapos, ang ganda-ganda rin ng boses nito. Hindi malalim, hindi matinis. 'Tapos, 'yong tindig, machong-macho. Ang guwapo ring ngumiti. Para itong model ng isang toothpaste commercial. May one-day stubble din ito na lalong nagpapaguwapo sa rito.
Tall, dark, and handsome!
Ang akala niya ay sa mga romance novel lang nabubuhay ang ganitong klaseng lalaki—meron para sa totoong buhay. And Anthony de Dios was the living evidence.
Abalang-abala pa si Samantha sa pangangarap kay Anthony nang makarinig siya ng dalawang lalaking nag-uusap mula sa kanyang likuran.
"P're, nakita mo na 'yong sex video niya?"
"Oo pare. Akalain mo 'yon. Lalaki pala siya. Akala ko bading."
"Kaya nga niya pinakalat 'yon, p're, eh. Para patunayang hindi siya bading," natatawang wika ng isang lalaki.
"Akala ko desenteng lalaki 'yang si Anthony de Dios. May tinatago rin palang kalibugan."
Nagtawanan ang dalawang lalaki.
Hindi natuwa si Samantha sa kanyang narinig kaya hinarap niya ang dalawang lalaki. "Alam n'yo, kayong dalawa, kung wala kayong masasabing maganda, manahimik na lang kayo!!! Eh, ano naman kung sex video siya?!!! Bakit, kayo ba, hindi n'yo ba 'yon ginagawa?!!!" Hinagod niya ng tingin ang dalawang lalaki na natulala na sa kanya. "Kunsabagay, Malabo ngang gawin n'yo 'yon. Kasi ang papangit n'yo!!! Wala sigurong pumapatol sa inyo kaya naiinggit kayo kay Anthony de Dios!!!"
Hinihingal si Samantha nang matapos ang kanyang litanya. Sobra-sobrang galit ang nararamdaman niya at hindi na niya kayang tiising pakinggan ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa idol niya. Eh, ano naman kung may sex video si Anthony? Ano naman kung nakikipag-sex ito? Lahat naman ng tao ay ginagawa na iyon ngayon, lalo na sa showbiz. Ang tanging pagkakamali lang ni Anthony ay vinideo nito iyon. Pero wala namang taong perpekto, hindi ba?
Bumaling siya kay Anthony at sumigaw. "Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!! Whoooh!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong covered court at noon lang niya napansin na napakatahimik na pala sa lugar na iyon at nakatuon na sa kanya ang pansin ng lahat ng taong naroon—halo-halo ang emosyon—maging si Anthony ay nakatingin din sa kanya, pero hindi gaya ng iba, hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito.
Sa labis na kahihiyan ay nakayuko at dahan-dahan siyang lumabas ng covered court na iyon. "Ah, excuse me, excuse me..." kimi pang sabi niya sa mga taong nadaraanan.
Nang tuluyan na siyang makalabas ng court ay napanbuntong-hininga siya. Saka bumaling ng tingin sa court na animo nakikita niya mula sa kinatatayuan si Anthony de Dios. Nag-iinit pa rin ang kanyang mga pisngi sa kahihiyan.
BINABASA MO ANG
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)
Romance"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV s...