NANG marinig na naman ni Anthony ang malakas na boses ng direktor nila bago ang pag-ere ng show ay napatingin siya sa gawi nito. At hindi na siya nagtaka nang makita kung sino na naman ang sinesermunan nito—walang iba kundi si Samantha. Halos walang araw na hindi ito napapagalitan ni Direk Sharee at nasanay na silang lahat.
"Maaga akong tatanda sa 'yong bata ka!" nakukunsuming tili ng baklang direktor nila.
"Eh, Direk—" Sinubukang mangatwiran ni Samantha pero pinatigil ito ng direktor.
"Eh, Direk!" gagad ni Direk Sharee. "'Wag mo akong artehan ng ganyan. Hay naku!! Umalis ka nga sa paningin ko dahil baka kung ano ang magawa ko sa 'yo! Scraaaaam!!!!!"
Nagmamadali namang umalis si Samantha.
Nang hindi nakapagpigil ay tumayo na si Anthony sa stool at inabutan si Direk Sharee ng kape. "O, kape muna. Ang puso mo. Nasisira ang ganda mo niyan, Direk, eh," naaaliw na sabi niya.
Padaskol na umupo si Direk Sharee at kinuha ang kape. "Thanks, Anthony." At sumimsim sa kape.
"What did she do this time?"
"Inilabas lang naman ang props para sa segment mo at dinala sa studio 6. Sinabi niyang inutos ko raw iyon dahil kailangan daw para sa shooting ng Make My Night. Wala akong inuutos na ganoon sa kanya! We needed that props for your today's segment! My gosh!" Napailing ito at hinimas pa ang noo. "I will talk to the HR later. Ipapalipat ko siya sa ibang show. Madali akong tatanda sa babaeng iyon!"
Natatawang hinagod niya ang likod nito. "Hey, calm down. We can still get those props. We still have thirty minutes before the segment."
"I already did. I asked two of the PAs to get it. And what makes me wonder..." Tumingin ito sa kanya. "Saan niya nakuha ang lakas na iyon para buhatin ang mga props? When we needed two men to get it. At nagawa niya iyon nang ganoon kabilis? One minute, the props were still here, then another minute, it was already gone! That lady is a jynx!"
"How was she able to bring the props to studio 6?" tanong niya.
Bago makasagot si Direk Sharee ay sumabad na si Ma'am Anna. "She used a cart daw... from God knows where. As far as I can remember, when we needed a cart, we can't find any. 'Tapos siya, nagawa niya in just a snap of a finger." Iminuwestra pa nito ang pagpitik ng daliri. Then, amusement flashed on her eyes.
Napatingin si Anthony sa pintong nilabasan ni Samantha. Now, he was really amused with her. Aside from being clumsy, he can see her resourcefulness as well. May pontensiyal nga ang batang iyon.
Hmm... He wanted to know where it would take her.
Mula noon ay palagi nang sinusundan ni Anthony ng tingin si Samantha. And he became more amused with her silly antics. Hindi tuloy niya alam kung sinasadya lang ba nito o kunsimido lang talaga si Direk Sharee sa dalaga. Kung minsan kasi, kahit wala namang ginagawa si Samantha ay napapagalitan pa rin ito ni Direk Sharee. And she had the gift of attracting people. Kaya nitong makuha ang loob ng ibang tao nang hindi naghihirap na gawin iyon. Her innocence and youth made it.
Does that mean you're attracted to her too? tanong ng isang bahagi ng isip niya.
Yes—I mean no. I'm amused by her, but I'm not attracted to her. Not in the sense that a man is attracted to a girl... isn't that right?
Oh, and now, I'm arguing with myself, as if I've lost my mind.
Can she also make a man crazy?
"You seemed attracted to her."
"I told you I'm not!" he snapped. At ang gulat na ekspresyon ng co-host niyang si Jamie ang bumungad sa kanya.
Bahagya nitong itinaas ang mga kamay. "Okay, okay, fine. You don't have to shout. I'm just asking."
Napailing siya. "I'm sorry. I didn't mean to snap at you. Marami lang akong iniisip."
"Does that include her?" Ipinilig nito ang ulo sa gawi ni Samantha na noon ay may inaayos na Manila paper. Awtomatiko siyang napangiti. She really looked innocent. "You seemed very fond of her. I've noticed palagi mo siyang sinusundan ng tingin," sabi ni Jamie.
"Well, let me say I'm amused by her. And that's all. Don't give meanings to everything you see. Hindi ka dictionary." Pagkatapos ay itinutok na niya ang paningin sa news script. Pero palihim pa rin niyang sinusulyapan si Samantha.
BINABASA MO ANG
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)
Romance"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV s...