CHAPTER ELEVEN

5.8K 111 0
                                    

"HI."

Napahinto si Sam nang makita ang lalaking nakatayo di-kalayuan sa gate ng istasyon. "Kuya Jhay-ar!" bulalas niya ay mabilis itong nilapitan. "Kumusta ka na? Kumusta ang sugat mo? Magaling na ba?" tanong niyang sinipat ang tagiliran ng lalaki kahit na hindi naman niya makikita iyon dahil nakasuot ito ng damit.

Bahagyang sinalat ni Jhay-ar ang tagiliran nito. "Medyo okay na. Pero hindi ako nagpunta rito para kumustahin mo ako. Nagpunta ako rito para kumustahin ka."

Napangiti siya. "Naku, okay naman ako. Masaya naman dito. Ayy, teka, bakit ba dito tayo nag-uusap? Gusto mo bang pumasok sa loob? Doon tayo kumain sa cafeteria. Iti-treat kita."

Saglit na bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Jhay-ar. "Naku, huwag na. Kung gusto mo, ihahatid na lang kita. Dala ko 'yong kotse ko." Itinuro nito ang kotse na nakaparada sa kabilang kalsada. At sinundan naman niya iyon ng tingin.

"Wala yata si Lenard? Wala ka na namang mga bodyguard," puna ni Sam nang makasakay na siya sa sasakyan ni Jhay-ar. "Saka may kotse ka naman pala, bakit hindi mo 'to dinala no'ng may hinahanap ka. Hindi ka sana naholdap."

Marahang tumawa si Jhay-ar. "Napakiusapan ko siya na hindi naman delikado magpunta rito sa RVN 8 kaya pumayag siyang pumunta ako rito nang mag-isa. Naisip ko kasing adventure 'yon kung magko-commute lang ako."

Pumalatak siya. "'Ayan ang napapala ng adventure mo."

Ngumisi naman si Jhay-ar.

"Paano mo nga pala nagawang papasukin ako sa RVN 8? Ang galing mo. Kasi no'ng tinawagan nila ako, akala ko para sa final interview ulit. 'Yon pala, job offer na."

"Ah, wala 'yon. May kakilala lang ako sa loob. So, kumusta naman ang pagtatrabaho mo? Nakakausap mo ba si First Love mo?"

Sa pagkakabanggit ni Jhay-ar ng "first love" ay kinilig na naman si Sam. Hindi siya makapaniwala kanina na nakausap nga niya si Anthony. At malaya naman siyang ikinuwento iyon kay Jhay-ar.

Bago siya ihatid ni Jhay-ar ay kumain muna sila sa isang fast-food chain. Pagkatapos ay marami silang napagkuwentuhan. Hindi niya alam kung bakit parang ang gaan-gaan ng loob niya kay Jhay-ar. At natutuwa siyang maging kaibigan ito.

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon