KANINA pang alas-dos ng hapon ang usapan nila ni Anthony sa oval. Pero pasado alas-singko na dumating si Samantha dahil nagkaligaw-ligaw pa siya. Wala kasi siya sa sarili habang nasa biyahe dahil naiisip niya si Levi. May usapan kasi silang manonood ng sine ngayong araw. Pero nang paalis na siya ay nagkataong nagpunta si Levi sa bahay niya at tinanong kung saan siya pupunta. Nang sabihin niya ritong niyaya siya ni Anthony na manood ng practice game ay pinalala ni Levi sa kanya ang usapan nila na nawala na sa isip niya nang yayain siya ni Anthony.
Nagtampo si Levi at biniharan siya ng alis kahit na nagsisimula pa lang siyang magpaliwanag. At dahil best friend niya si Levi, hindi siya sanay na nagtatampo ito sa kanya. Tumuloy pa rin siya sa usapan nila ni Anthony—isa iyong bihirang pagkakataon na mapanood ang practice game ng mahal niya at si Anthony pa mismo ang nagyaya. Tinext na lang niya si Levi at doon nagpaliwanag. Hindi nag-reply sa kanya ang best friend niya. Kakatingin sa cell phone dahil baka nga nag-reply si Levi ay lumagpas na ang sinasakyan niyang jeep sa kanyang bababaan. At dahil si Levi pa rin ang nasa isip niya, nang sumakay siya sa jeep pabalik ay hindi naman niya nakita ang landmark.
At matapos nga ang pakikisapalaran ay nakarating din si Samantha sa kanyang destinasyon. May mga naglalaro na sa field at unang hinanap ng kanyang mga mata si Anthony.
Agad niya itong napansin dahil kumakaway ito sa kanya. Gumanti siya ng kaway at naglakad palapit sa field. Nagpaalam naman si Anthony sa mga kasama nito at patakbong lumapit sa kanya.
"Akala ko hindi ka na darating," sabi nito nang makalapit sa kanya.
Kahit naliligo sa pawis at marumi na ang uniform na suot ay guwapo pa ring tingnan si Anthony. Kung sasabihin nitong yakapin niya ito ay walang pagdadalawang-isip niyang gagawin iyon.
"Pasensiya na, naligaw kasi ako, eh," sabi ni Samantha.
"That's why I told you I'll pick you up. Ayaw mo naman. Alam ko naman kung saan ang house mo," sabi ni Anthony.
Hindi alam ng binata kung saan eksakto ang bahay niya pero alam nito kung saang barangay siya nakatira dahil minsan na itong nagturo ng drill sa barangay at gumawa pa siya ng eksena roon.
"Hindi na kailangan. Nakarating naman ako, eh," sabi niya.
"Bro!" tawag ng isang team mate ni Anthony.
"O, tinatawag ka na nila. Punta ka na roon. Manonood na lang muna ako sa bleachers," sabi niyang sinulyapan ang bleachers.
"Okay. Watch for me, ha?" sabi ni Anthony. "I'll play a good game for you, para sulit ang panonood mo." At kinindatan pa siya.
Agad naman kinilig ang malanding puso ni Samantha. Hindi mapalis-palis ang ngiti niya kahit nang nasa bleachers na siya. Todo cheer din siya para sa team ng binata na noong una ay parang naiilang ang team mates ni Anthony pero nang lumaon ay tila na-enjoy na rin iyon ng mga ito.
Ang lakas-lakas ng tili niya, lalo na kapag nakaka-goal si Anthony. At pagkalipas ng halos dalawanng oras ay nanalo ang team ng binata.
"Ang galing mo palang maglaro, lodi!" salubong niya kay Anthony nang tumakbo ito palapit sa kanya.
Tumawa ito nang marahas. "Siyempre, nandiyan ka, eh. Pampagana ba," biro nito.
"Naks! Kinilig naman ako!" At binuntunan niya iyon ng malakas na tawa.
Napatitig siya kay Anthony habang lumalagok ito sa energy drink. Lalaking-lalaki talaga si Anthony, lalo na kapag tumataas-baba ang Adam's apple nito at tumatagtak din ang pawis sa buong katawan. Awtomatiko namang umangat ang kamay niyang tila may sariling isip. At eksaktong pagtapos ni Anthony uminom ng energy drink ay lumapat ang likod ng kanyang palad sa noo nito.
BINABASA MO ANG
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)
Romance"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV s...