HALOS hindi inaalis ni Anthony ang mga mata sa dalawang taong nag-uusap sa mesa di-kalayuan sa kanila—partikular na kay Sam na tuwang-tuwa pang nakikipagkuwentuhan kay Mr. Nava. Hindi niya alam kung bakit dati ay naaaliw siya kapag nakikipag-usap si Sam sa ibang mga staff nila, pero ngayon si Mr. Nava na ang kasama nito ay nagngingitngit ang kanyang kalooban. Hindi niya inakalang kaya pala talaga niyang makaramdam ng selos.
"Anthony!" pagkuha ni Sheena sa atensiyon niya.
Napilitan siyang alisin ang tingin kay Sam at balingan ang babaeng kasama niya. "What?" iritang sabi niya pero agad din niyang ibinalik ang tingin kay Sam na mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin napapansin ang presensiya nila. Masyadong nakatuon ang atensiyon nito kay Mr. Nava.
Sa asar ay sinundan ni Sheena ang tinitingnan niya. "Is she..." Pagkatapos ay bumaling uli ito sa kanya. "She's your new toy, isn't she?"
Napatingin siya kay Sheena. "What?"
Sumandal ito sa upuan at humalukipkip. "I've heard na madalas daw kayong magkasama ng PA na 'yan."
"Yeah. But she's not my toy... at mahal ko siya."
Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Sheena pero saglit lang iyon dahil nawalan na ng ekspresyon ang mukha nito. Pagkatapos ay marahang nagpatango-tango na parang sinasang-ayunan nito ang naisip. Bigla ay nakaramdam ng hindi magandang kutob si Anthony.
"Hmm... That made me more convinced to do what I wanted to do," makahulugang sabi ni Sheena.
"What—" Pero hindi na niya natapos ang sinasabi dahil binirahan na siya ni Sheena ng alis.
Tumayo si Anthony at mabilis na sinundan ang dalaga. Naabutan niya ito bago pa man ito makasakay sa sasakyan. Mabilis niyang hinablot sa braso si Sheena. "What are you planning to do?" marahas niyang tanong.
"Don't worry, this nothing concerns you or your precious girl." Hinawakan nito ang isa niyang pisngi at bumakas ang lungkot sa mga mata. "Hindi ko pa nasasabi sa 'yo kung bakit gusto kitang makausap. I want to apologize for what I have done to us... to our relationship. Naisip kong kapag matagal akong hindi nagpakita sa 'yo, you might miss me and will eventually come back to me. I never thought that you might find someone else. At ngayong may bago ka na... lalo akong nagkaroon ng udyok na gawin ang gusto kong gawin. And there's nothing you can do to stop me." At bago pa man siya makasagot ay mabilis nang nakasakay si Sheena sa sasakyan nito at pinaharurot iyon.
Biglang sinalakay ng kaba si Anthony. Hindi naman siguro iniisip ni Sheena na may gawing masama kay Sam... kung hindi...
Napatingin siya sa loob ng Starbucks at mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya si Sam na masaya pa ring nakikipag-usap kay Mr. Nava.
No. he wouldn't let anything happen to her. And he was willing to protect her even if it costs him his life.
A/N:
Any guess kung ano'ng gagawin ni Sheena?
Feel free to share your thoughts in the comment box. Thank you. :)
BINABASA MO ANG
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)
Romance"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV s...