CHAPTER TWENTY-FIVE

6.1K 114 0
                                    

THEN the next weekend came. Halos hindi nakatulog si Samantha kagabi dahil sa sobrang excitement. Sinundo siya ni Anthony sa bahay at sabay na silang nagpunta sa airport.

Mabuti na lang at window seat ang upuang inilaan para sa kanya kaya tuwang-tuwa siya nang sa unang pagkakataon ay makita niya nang malapitan ang mga ulap.

Nang makarating sila sa Pagudpud ay halos hindi na nakapahinga si Samantha. Ang dami-daming activities ng pamilya ni Anthony at napakarami rin nitong kamag-anak na dumating.

Halos naging abala sila buong araw sa pagkukulitan at bonding. Magkakasama silang apat nina Anthony, Sandra, at Andrea sa kuwarto. Pero halos hindi rin sila nakatulog dahil hindi nauubusan ng energy si Andrea.

Ganoon din si Anthony at alam niyang dahil iyon sa sanay itong nagpupuyat talaga dahil sa trabaho. Halos hindi na rin naman naramdaman ni Samantha ang antok dahil labis siyang nag-enjoy sa kanyang mga kasama.

Kinabukasan ay maaga rin silang bumaba para mag-almusal. Pagkatapos ay maaga siyang niyaya ni Andrea na mag-swimming sa beach na nasa kabilang kalye lang.

Napakasarap ng hangin doon at napakaaliwalas ng langit. Hindi masyadong mainit ang sikat ng araw at kumikinang ang tubig-dagat.

"Hey, aren't you going to swim?" tanong ni Andrea sa kanya na lumusong na sa dagat habang siya ay manatiling nakaupo sa dalampasigan.

"Sige lang, ikaw muna. Magbibilad muna ako sa araw."

"Okay!"

Hindi gaya ni Andrea na nakasuot ng rashguard, siya ay naka-two-piece suit. Naisip kasi niyang dahil may beach sa Ilocos ay malaki ang posibilidad na maglangoy sila roon. Maaari niyang akitin si Anthony ng kanyang katawan.

Pero ang magaling na lalaki naman! Mula kaninang magising siya ay hindi pa niya nakikita. Pasimple niya itong hinanap sa buong bahay pero hindi niya ito nakita. Hindi naman niya matanong si Andrea dahil baka kung ano ang isipin nito.

Nakita niyang lumangoy-langoy si Andrea.

Nasaan na kaya 'yon?

Pero hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Samantha na sagutin ang sariling tanong dahil mayamaya ay nakita na niya si Anthony na naglalakad.

Naitaas niya ang shades sa ibabaw ng ulo nang makita ang kaakit-akit na katawan ni Anthony. Naka-boardshorts lang ito kaya hantad na hantad sa kanyang dalawang mata ang matipuno nitong katawan.

Matambok at halatang matitigas ang dibdib. May six-pack abs din at malaki ang mga braso.

Ang akala nga niya ay namamalikmata lang siya. Ang alam kasi niya ay hindi nagpapakita ng katawan si Anthony at palagi itong naka-rashguard kapag maglalangoy.

Grabe! May ipagmamalaki naman pala. Kaya pala gano'n na lang ang pagiging bitter ng mga lalaki sa sex video niya.

"Hey," pukaw ni Anthony nang huminto ito sa harap niya. Pagkatapos ay hinawakan ang baba niya at itinaas iyon. "Baka mapasukan ng langaw."

At noon lang na-realize ni Samantha na literal pala siyang nakanganga!

Binasa niya ang mga labi at ibinaba uli ang shades. "B-bakit nakaganyan ka? 'Di ba, dapat naka-rashguard ka?"

"Why? What wrong with this?"

Tumikhim siya at pumaling sa ibang direksiyon. "Baka kasi pagpantasyahan ka lang ng mga kababaihan. Alam mo na..." Nagkuwari siyang tumitingin sa paligid. Sinisikap niyang hanggang maaari ay iwasan ng tingin ang katawan ni Anthony dahil baka hindi lang mapanganga ang magawa niya. Baka talagang maglaway na siya!

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon