CHAPTER THIRTY-SIX

6.1K 113 3
                                    

"SIGURADO ka ba talaga riyan sa balak mo?" tanong ni Jhay-ar.

Binalingan ni Sam ang kuya niya at itinirik ang mga mata. "Kuya, pang-ilang beses mo na bang natanong 'yan sa akin? At kahit ilang libong beses mo pa akong tatanungin, hindi magbabago ang isip ko. 'Oo' ang sagot ko at matagal ko na rin namang gustong gawin 'to. So. Ano? How do I look?" tanong niyang umikot pa sa harap ng kuya niya.

Ngumiti naman ito. "Never been so good."

"Thanks, Kuya. So, paano? Magkita na lang tayo roon, ha? Ciao!" Nagbeso pa siya sa pisngi ng kuya niya bago lumabas ng kwarto at dumeretso sa Porsche 911 na bigay ng kuya niya sa kanya.

Parang gustong sumabog ng puso ni Samantha sa sobrang excitement. Sa wakas, after five long years, magkikita na rin silang muli ni Anthony. At sisiguruhin niyang magiging kakaiba ang muli nilang pagkikita.

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon