My Ex

2.7K 19 1
                                    

Chapter 3..

Everything changed nang niligawan ako ng best friend ni Zeke na si Kevin Tuazon during our 2nd year in high school. Hindi ko talaga akalain na kung sino pa yung tinatanungan ko ng crush ni Zeke, yun pa ang magkakagusto sa akin. Kaya pala sa kanilang tatlong magkakaibigan, siya yung parating pumuputol ng mga kamay namin ni Zeke kapag naglalaro kami ng pass the message. Tingin ko pa sa kanya sa mga pagkakataong iyon sa isang kontra-bida.

Si Kevin ang bunso sa dalawang magkakapatid at ang nag-iisang unico hijo ng mayor ng siyudad namin. For short, ang tagapagmana ng posisyon at pagmamay-ari ng mga Tuazon, na pinaniniwalaang pinakamayamang pamilya sa siyudad. Gwapo rin naman si Kevin; may kayumangging balat, matangos ang ilong, matangkad at matalino. Siya yung tahimik lang pero may pagka bad boy din ang dating. Tall, dark and handsome plus attitude! Maala-Hsudao Ming Si ng sikat na Taiwanese film series na Meteor Garden, diba? Filipino version nga lang.

O ano? Choosy pa ba?

But YES! I WAS CHOOSY.. at first..

And I didn't choose Kevin..

Paano naman kasi, alam naman ng buong students sa campus na patay na patay sa kanya ang cheerleader na si Yliza Reed. Ang half-American, half-kontrabida ng high school life ko. Pero siguro, hindi siya magiging isang kontra bida ng buhay ko kung hindi ako nagpakatanga sa pag-ibig.

I heard.. naging sila ni Liza.. I was happy for her.. but then again.. their relationship only lasted for a month at nag break din sila.

Hindi ko intensyon na pansinin ang panliligaw ni Kevin after he broke up with Liza, dahil kahit hindi naman kami close ni Yliza ay may mga pagkakataong ibinabahagi niya sa akin ang pagkahanga niya kay Kevin. Kung minsan pa nga ay naiiyak nitong sinabi sa akin na nagseselos siya tuwing dumidigit sa akin si Kevin. Nag sorry naman ako at sinubukang iwasan si Kevin.

But Kevin worked hard for me to notice him. Chocolates here, flowers there at marami pang iba. Pero my heart didn't give up to him for just material things. But from the attention na binibigay niya sa akin. Sinubukan ko naring itaboy siya sa buhay ko.. pero si Kevin kasi yung nariyan kapag nalulungkot ako tuwing absent ang bestfriend ko or kung nag-iisa lamang ako sa library.

6 months after at nahulog narin ako sa mga patibong ni Kevin and I said "yes" to be his girl. Nung sinagot ko siya, akala ko ex niya na si Liza. Yun pala ay hindi pa siya nakipag break sa kanya.

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon