Chapter 7

462 2 5
                                    

10:00PM

Nagising ako sa kama sa loob ng cottage ko. Masakit pa man ang aking ulo ay pinilit kong bumangon. Nagulat ako na nakita si Anya sa may upuan. Halatang pagod, walang tulog at puno ng pag-aalala.

"Anong nanyari?" Tanong ko sa kanya.

"Eh Ma'am Jade, dumating kasi si Sir Adam kanina tapos bigla na lang nag-aalalang hinanap ka'yo. Lumabas na lang na parang kidlat dala ang malaking payong at tuwalya. Tapos pagbalik niya ay karga-karga niya na kayo. Ang sabi pa nga niya ay ang taas daw ng lagnat niyo. Ayun.. pinabihisan kayo sa akin, hindi ka'yo pinaiwan mag-isa at ipinaalaga kayo sa akin." Sagot ni Anya.

"May nasabi ba siya.. na sinabi ko bago pa ako nahimatay?" Nag-aalalang tanong ko kay Anya at baka narinig ni Adam ang pagtawag ko kay Mike.

"Wala naman po Ma'am." Tila naman nagsasabi ng totoo si Anya. "After nun, dumiretso narin siya sa bahay nila dahil meron pa daw siyang aasikasuhin..."

"Anya.. salamat sa pag-aalaga mo sa akin. Maari ka nang umuwi at magpahinga. Ako na bahalang mag e-explain kay Adam" Pakiusap ko sa kanya. "Total wala naman akong lagnat.. or ano pa.. I'll be fine on my own."

"Sige po Ma'am. Salamat." Walang pagdadalawang-isip na sagot ni Anya. "Siya nga po pala. May lalaking tawag ng tawag sa phone niyo kanina pa. Ian po daw, boyfriend niyo".

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Nakalimutan ko na dapat nga pala kaming mag-uusap ni Ian kaninang hapon. Tatawagan ko na sana si Ian nang bigla akong naka receive ng call..

"Jade!!! I am so worried right now! Ano ba ang nanyari sa'yo? Are you okay? Tumawag sa akin si Adam at sinabing nakita ka niya na lamang daw na basang-basa at nangingig sa isang tindahan sa labas ng resort. Then nagkasakit ka pa.. Baby.. please... what's wrong? Sabihin mo sa akin.. please"

Hindi ko na napigilan and I cried to him.. telling him the gist of everything.. He calmed me down...

"Baby.. isipin mo na lang.. if hindi nanyari yun.. walang 'tayo' ngayon. I should be thanking them.." Kalmadong sagot niya.

"Ian, I'm sorry.. I'm sorry I feel this way." Naiiyak kong sagot sa kanya. "Pero wala ka naman dapat na ipagselos eh.. dahil wala na akong ibang nararamdaman for him maliban sa isang matalik na kaibigan."

"Uuwi-an kita diyan." Matapang na sambit ni Ian.

"What for Ian? Don't you trust me?" Sagot ko naman sa kanya.

"I do baby.. I do.. Pero.."

"Baby.. wag naman ganito o... please lang.." Dugtong ko sa hindi niya pa natapos na salita. "Pero please Ian.. I know it sounds unfair.. but please.. don't leave me..."

"I will never leave you Jade.. because I love you... but I warn him.. subukan niyang mag make move sa'yo..."

"No Ian.. I trust him.. he's just a friend... so please trust me." Naiiyak kong pakiusap sa boyfriend ko. "I love you too Ian.. usap tayo pagbalik ko".

Sa pag-uusap namin ni Ian, hindi ko agad napansin na nakatayo pala sa may pintuan si Mike. Bitbit niya ang isang basket puno ng manggang hinog.

"Mike!" Napatayo ako sa gulat. Inalalayan naman ako agad ni Mike dahil nahihilo pa ako.

"Umupo ka nga muna" Ngiting sambit niya sa akin.

"Ano bang nanyari sa'yo? You stormed out.. tapos the next thing I knew lahat na ng staff sa resort pinag-uusapan ka." Natatawang tanong niya.

"Sorry Mike.. uhm.. its just mood swings..." Pagdadahilan ko naman.

"Galit na galit sa akin si Adam at bakit ko raw pinabayaan ang best friend niya. So Jade.. sorry kanina.. at hindi rin kita nahabol dahil tumawag si Mama.." Malungkot na mga salita ni Mike. "Siya nga pala Jade.. sorry for eavesdropping.. pero.. sino si Ian?"

"Ah.. bakit? Okay lang ba Mama mo? Oo nga..may bahay kayo malapit dito ah.. bakit dito ka sa resort nag stay?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman sila mama.. at tulad mo.. tumawag lang para ipaalala sa akin na may bahay kami at inusisa ako kung bakit dito raw ako namalagi" Naiiritang sagot ni Mike. "Ayun.. sinabi ko na may meeting sana tayo SUPPOSED TO BE.. pero na cancel.. eh tapos mag-isa ka lang sa resort... eh di namalagi ako".

"Kilala ako ng mama mo?" Gulat na tanong ko kay Mike.

Pumunta ito sa maliit na kitchen at pinagtimplan ako ng mainit na tsokolate na may marshmallows. "Oo nga diba kasi pumunta kayo ni tito sa bahay" Tinapunan niya ako ng marshmallow sa mukha.

"Weh? Pano niya naman nalaman na 'ako' yun. Eh hindi naman ako pumasok sa bahay niyo. Nasa loob nga lang ako ng sasakyan tapos gabi pa nun." Pahabol na tanong ko naman. "Oi Mike huh? Baka hindi bahay niyo ang pinuntahan namin at baka hindi ako yung nakapunta sa bahay niyo.. hahaha" Sabay kain ng marshmallow na tinapon niya sa akin.

"Hahahaha.. sige nga.. let's recall the past..." Umupo si Mike sa harap ko at binigay sa akin ang tsokolate. "Ikaw nang mauna"

"Ang naalala ko lang..is.. pumunta kami duon ng gabi. Tapos sabi ni daddy sa akin na stay lang daw ako sa loob ng sasakyan. Nakita ko na lang lumabas papa mo at binigay yung flash drive na kailangan ni dad..yun lang". Humigop ako ng mainit na tsokolate na hawak ko. "Sige sir.. ikaw naman."

"Eh kasi... tumingin ako nun sa may bintana.. nasilayan kita. I was curious kung sino ka. Narinig ko na lang ang boses ng papa mo na kausap si papa tapos ayun narinig ko na kasama ka raw ng daddy mo. Naalala ko pa.. naliliwanagan ka ng ilaw mula sa cellphone mo.. may mahaba at tuwid na buhok na may bangs.. at may singkit na mga mata. Hindi ko maalis ang pagtitig sa iyo nuon.. umaasa na bumaba ka o lumingon ka lang man sa akin.. haha.. sa isip ko pa nga nun ay ang arte mo naman at parang isang mayabang na prinsesa na hindi magawang bumaba sa trono mo! Pero that was the time na nagsimula akong magkagusto sa'yo.. hahaha" Natatawang pag kwento naman ni Mike. I rolled my eyes at inilabas ang dila ko bilang pahiwatig na naiinis ako sa sinabi niya.

"Hindi ko naman alam at makikilala kita the next day." Dugtong ni Mike.

"Ahh ganun ba?!" Sarcastic ko naman na sagot. "Sige. Sige. Kwento ka pa! Kabayaran sa pagpapabaya mo sa akin kanina."

"Ha? Ano pa ba ang gusto mong malaman." Tanong ni Mike.

"Kwento ka tungko sa inyo ni Aby." Pang-aasar ko na pakiusap. "Sige na.. please.. ito na nga o.. nagkasakit na ako DAHIL PINABAYAAN MO!"

"NO!" Naiinis na sagot niya naman.

"Sige na. I'm interested to know... please... pretty please with mangoes on top.." Pakiusap ko naman sa kanya.

"Sige na nga kulit mo eh. Basta in one condition"

"Ano?"

"Sabihin mo rin sa akin kung sino si Ian sa buhay mo"..

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon