Chapter 3

1.2K 10 2
                                    

Chapter 3..

"Huy! Anong gaya-gaya.. eh hindi ko naman crush yung girl na crush mo nuon ah ☹" Pabirong singit ko habang kumakain kami ng paborito kong manggang hilaw sa harapan ng dati naming iskwelahan.. "Manong, padagdag pa po ako ng bagoong" Singit ko na pakiusap sa tindero.

"Adik ka talaga! Hahahaha.. ako... may crush din dati sa'yo!" Ang nakakagulat naman niyang sagot.

Hindi ako tiningnan ni Mike nang sinambit niya ang mga salitang iyon. Hindi ko namang maiwasan na pumula ang aking mga pisngi. Hindi ko kasi inaakala na yun ang sasabihin niya. Iniiwasan kong makita niya ang aking ngiting hindi ko maitago. Pero kasabay ng mga ngiting ito at kaligayahang nadarama ay ang mga salitang; 'Bakit ngayon lang?', 'Bakit hindi mo sinabi?' at 'Bakit hinayaan mo akong masaktan?'. Bigla akong nalungkot sa aking mga naisip.. Kung kanina'y hindi ko mapigilang ngumiti, ngayon naman ay kaaway ko ang aking mga luha.

"Kailan lang?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Nag umpisa nung pumunta kayo ni tito, nung papa, mo sa bahay namin" Pag-aamin niya.

"Sira ka talaga noh? Niloloko mo ata ako eh!" Naiinis kong sagot sa kanya sabay hampas sa kanyang braso. "Pero.. sorry to put the blame on you huh?!"

"Bakit ba nagso-sorry ka nanaman?" Naiinis na sagot niya.

"Bakit mo ba ako hinayaan makuha ni ex?!! Nakakainis ka!" Sinuntok ko siya sa braso. Natawa na lamang si Mike at napatingin sa akin. Yumuko ako para hindi niya makita ang naluluha kong mga mata.

"Paano kasi.. wala naman akong lakas ng loob na sabihin sa'yo. Tapos nalaman ko na lang na nililigawan ka na ni Paul... eh di.. hinayaan ko nalang...kasi... sadly, hanggang tingin lang talaga ako". Natatawang pag-amin niya.. ngunit.. hindi maiwasang nakikita ko ang bakas ng lungkot sa kanyang mukha.

"Eh ikaw ang gaya-gaya! Linya ko yan eh." Naiiyak at natatawa kong sambit. "Sinabi ko rin sa sarili ko na total wala ka namang crush sa akin.... so.. hanggang tingin na lang din ako."

"Always naman kita crush ah! Hahaha wala namang nawala!" Natatawa niyang sambit.

Bigla akong natahimik sa aking narinig. Hindi ko alam at hindi ko naiintindihan kung tatawa ba ako o iiyak, maniniwala o hindi..

Sa isip ko.. "Kailan ba ako tumigil na magustuhan siya?"

Naalala ko kasi.. nung 4th year, tinatanong ko pa yung kapitbahay nila na ka kagrupo ko sa thesis kung kamusta na si Mike. Naisip ko pa nung mga panahong iyon kung tama ba na ikwento ko sa kagrupo ko na may gusto ako kay Mike o hindi. Pero simula din naman kasi nung iwan ako ng best friend niya nung 3rd year ay medyo nakalimutan ko na rin ang paghanga ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi sa mga panahong iyon ay isa akong sawi at pinagtatawanan ng lahat dahil 'finally, iniwan na rin ako ng taong inagaw ko. Finally! Bumalik na rin ang karma sa akin'. Ngunit, kahit ganun pa man.. hindi ko naman din maitatanggi na siguro.. sa dulo ng aking isipan ay parati parin akong nag-aalala kay Mike.

Ang gulo ko diba?

"Ako.. hanggang 4th year may gusto ako sa'yo." Pag-amin ko. "Ngunit sa mga panahong iyon din kasi.. kumalat ang balita na may crush sa'yo si Marielle.. eh di.. tahimik na lang din ako." Nahihiyang pag-amin ko naman.

"Hahahaha. Joke niya lang yun! Pero wala naman din akong gusto sa kanya." Natatawang depensa niya naman. "Pero hanggang ngayon naman, hinahangaan parin kita. Hindi ka parin kasi nagbabago.. except, tumangkad ka. Hahaha"

"Ako din naman.. I mean.. though hindi na ikaw yung taong crush ko dati. I still look up to you.. hinahangaan parin kita. For me, ikaw parin yung nakilala ko na gentleman, mabait, mapagmahal sa pamilya, matulungin, masiyahin, matalino at higit sa lahat—mahal si Cristo at and Diyos. You'll be a good husband someday" Ngumiti ako kay Mike.

"Alam mo.. wala na akong iba pang masasabi kundi THANK YOU! And the same sa'yo.. down to earth ka parin hanggang ngayon kaya happy ako na ikaw naging crush ko." Ngumiti sa akin si Mike.

Namumula na aking mga pisngi sa aking mga naririnig. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng lubusan na halos abot tenga na. Ngunit, nakakahiya mang-aminin, mas natatatak parin sa utak ko na may gusto sa akin ang crush ko nuon kesa sa mga papuri niya sa akin.

'I thought our story was over a long time ago.. I thought the short love story has already ended.. I didn't know.. God prepared a PART 2...'

Bigla naman akong hinawakan ni Mike sa braso.. Sa gulat ko ay napatingin ako sa kanya.. Lumiwanag bigla ang aura ni Mike habang tumitingin sa mga motorsiklong FOR RENT. Nanlaki ang aking mga mata dahil mukhang alam ko kung anong iniisip nito..

"Jade, Tara!" Bigla akong hinila ni Mike.

"Mike.. hindi ako pwede sumakay nito. Lakad na lang tayo please.." Pakiusap ko kay Mike.

"Nako.. eh naka Canada ka lang eh.. hahaha.. Once in a lifetime lang naman na ako kasama mo." Sinuotan ako ng helmet ni Mike..

"Hindi yun! Ano ka ba!" Naiiritang sagot ko naman. "Hindi ako pinapayagan ni daddy umangkas-angkas lang sa motor tapos kasama ko lalaki...kahit nga babae bawal."

"Eh ako naman kasama mo.." Mike offered me his hand.. "Ano? Sasakay ka or maglalakad ka pabalik ng resort?"

"Oo na!!" Naiiritang sagot ko naman..

Sumakay ako sa likod ni Mike.. ngunit... naglagay ako ng isang malaking box na puno ng mga binili naming dried mangoes sa gitna naming dalawa. Nakita ko naman sa salamin ng motor na biglang napangiti si Mike.

"Alam mo hanggang ngayon.. hindi ka parin basta-basta anoh?" Natatawang sambit ni Mike.

"What do you mean?" Tanong ko naman..

"Hold on tight!" Biglang nilakasan ni Mike ang pagpatakbo ng motor at napakapit naman ako sa suot na damit nito.

Ang sarap sa pakiramdam na makalanghap ng sariwang hangin ng Isla. Ang ganda ng tanawin naming kung saan makikita sa kaliwa ang napaka berdeng bundok at napaka lawak na dagat naman sa kanan. Hininto ni Mike ang motorsiklo sa may tabing dagat kung saan tanaw na tanaw ang paglubog ng araw.

'My favorite spot'

Dali-dali kaming bumaba ng motor. Ni hindi ko alam anong gagawin dahil gulat at nalilito pa rin ako sa bilis ng mga pangyayari at sa bilis ng pagpapatakbo ni Mike ng motor..

Kakausapin ko na sana si Mike ngunit may kinausap naman ito bigla sa cellphone niya. Nang matapos ito ay dali-dali ko siyang sinundan.. binabad namin ang aming mga paa sa dagat at napaupo kami sa mga puting buhangin.. Pareho kaming nakatingin sa isang magandang tanawin.. sa isang lumulubog na araw na kumakalat ng magagandang kulay sa kalangitan..

"Weird question.. ano ang best memory mo?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

"My best memories... of you?" Tiningnan ako ni Mike

"Ai.. ano.. natin? Grabe! Ako lang?" Nahihiyang sagot ko naman. " Pero hindi yun joke yung sinabi ko huh? Sabi ko tuloy sa sarili ko.... ang tanga ko hindi na lang kita inantay..... pero.. okay na rin yun.. at least.. friends tayo diba?" Ngiting dugtong ko.

Tiningnan lang ako ni Mike at sinabing; "Best memory ko.. ay yung time na parati tayong magkatabi at kapag nakikita kita." Nahihiya niyang pag amin. "Pero ang higit sa lahat... ay yung tinitingnan kita sa malayo na nakangiti.. hahaha.. ang cute cute mo kasi.."

Nagkatinginan na lamang kami ni Mike at ngumiti sa isa't-isa. Hindi ko lubos maisip na nuong first year ay cute ako. Sa isipan ko ay nakikita ko ang aking sarili na dugyot na dugyot, walang ka fashion-fashion at mataas ang insecurities. Pero sa totoo lang, ang sarap pala sa pakiramdam ano? Na may tumitingin sayo kung pano mo tingnan ang ibang tao..

"Ay ginawa mo naman akong puppy.. cute cute.. hahaha" Ang sinabi ko sa kanya para maitago na kinikilig na rin ako.

"Hahaha.. wala kasi talaga akong lakas ng loob nuon.. kaya hanggang crush na lang talaga.." Nahihiya pa nitong pag-amin. "Kasi naman.. smiley face ka talaga dati."

"See? Magandang kwento! Hahaha. hanggang crush na lang.. la la la.."

"Oo! Magandang kwento nga.. hahaha"

"Ako ang best moment ko with you.. uhm.. madami na man..hahaha"

"Ehhh.. sige na..sabihin mo na.. saan duon?"

"Tara na..uwi na tayo" Tumayo ako sa pinagpag ang mga buhangin sa katawan ko. "Gabi na oh.."

Nagulat ako ng pumunta ako sa lugar kung saan ni Mike pinark ang motor.

"Mike...nasan ang motor?"

Ngumingiti akong nilapitan ni Mike at sinabing; "Wala.. pinakuha ko na.. maglalakad na tayo pabalik sa resort."

"Ha??!! Eh mukhang mas malayo na tayo ngayon sa resort kesa kanina eh." Gulat kong sagot.

"Yun na nga eh.. mas mahaba-haba ang lakad..eh di mas mahaba-haba ang usapan.. haha" Natatawang sambit ni Mike. "Race you sa kanto!" at tumakbo na rin ito...

Hinabol ko na rin si Mike.. para kaming dalawang batang naglalaro ng habulan sa isang tahimik na daanan. Marami namang mga bahay sa gilid ng kalsada kaya't kahit wala gaanong ilaw ay nagsisilbi narin silang liwanag sa kadiliman ng gabi.

Ang sarap sa pakiramdam.. na tila ba bumabalik kami ng high school.. naghahabulan.. nagkakantyawan..nag hahampasan ng kahit ano mang mahawakan tulad ng walis, floor scrub at kahit ano pa.

At nang nahabol ko si Mike, tumigil ito at napauposa gitna ng kalsada. Pareho kaming hingal na hingal sa pagtatakbo, ngunit natawa na lamang kami..

"So? Ikaw? Memories?" Tanong ni Mike

"Una syempre yung first met natin..."

"Syempre.. obvious! Yun na talaga ang moment of truth! Hahaha"

"Sira! Haha!"

Kamukha mo si Paraluman..nuong tayo ay bata pa..

Napatayo si Mike at sinabing; "Would you care to dance with me?", he offered his hand.

At ang galing galing mong sumayaw.. mapa-boogie man o cha-cha..
Ngunit ang paborito.. ay pagsayaw mo ng el-bimbo

"Naalala mo pa ba yung sayaw natin nung high school? At yung steps?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Nakakaindak..nakakabaliw..nakakatindig balahibo

"Huh? Saan duon."

"We practiced pa nga sa bahay nun eh." Paalala ko kay Mike. "At kagrupo ko pa kayo ni Marielle at Paul.. haha"

Pagkagaling sa skwela ay didiretso na sa inyo..


At buong maghapon at tinuturuan mo ako..

" Boy you should know that.. I've got you on my mind." Tumayo ako at lumapit kay Mike. "A secret admirer.. I've been watching you... tendengdeng.. At night.. I think of you.." Pasimula kong awit.

" I want to be your lady baby...." Pagsabay naman ni Mike at nagtawanan kaming dalawa..

" If your game is on..give me a call boo.. if your love is strong I gotta give my all to you" Dugtong ni Mike..

" Everyday I pray my heart can win.. every night I pray I can call you my man.. yeah. yeah" Nilalapitan ko si Mike habang kinakanta ito. Natatawa naman akong inaasar siya dahil umaatras ito mula sa kinatatayuan niya.

"Hahaha.. bakit ka lumalayo?" Natatawang asar ko sa kanya. Napansin niya naman ito at bumawi.

" I need you.. I want you! To have you. Hold you. Squeeze you." Tumakbo ito at pinisil ang mga braso ko.

Nagulat ako at napapigil sa pag-awit. Tiningnan ako ni Mike sa aking mga mata at patuloy na umawit; "So I'm going out every every weekend.. just to see my boo again".

Sinabayan ko naman siya at pareho kaming isinigaw ang chorus...

Natatawa kami ni Mike na sumasayaw ng mala-80's na dance steps at kumakanta ng 'I want to be your lady' by Inoj sa gitna ng kalsada. At kahit hindi man kami parehong marunong sumayaw ay hindi kaming nahiya na bumirit na parang mga baliw.. na parang mga lasing...

Hindi ko man nahawakan ang mga kamay ni Mike sa sayaw namin nuon.. at hindi ko man nahawakan ang mga kamay niya sa pagsasayaw sa gabing iyon... ay wala akong pagsisisi.. Dahil kahit papaano.. pareho naming binigyang buhay ang nakaraan..

Mabuti na lamang at walang mga sasakyan ang dumadaan kaya't labis naming natamasa ang kasiyahan sa pagbalik sa kahapon.

10:12PM

Gabi na nang nakarating kami ng resort. Ni hindi nga namin namalayan na ang layo pala ng nilakbay namin. Ni hindi kami nagutom o nauhaw.. Isang masaya at memorableng paglalakbay kasabay ang isang espesyal na kaibigan... Isang paglalakbay.. hindi lamang sa isang madilim at tahimik na daan kundi sa isang lumiliwanag na nakaraan..

Hinatid rin ako ni Mike sa harapan ng cottage ko.

"Jade, mauuna na akong matulog sa iyo. Good night!"

"O sige.. uhm.. salamat nga pala ulit sa libre at sa paghatid."

"Sure! Anytime.." Ngumiti si Mike sa akin. "Uhm.. hanggang kalian ka ba dito mag-iistay sa resort?"

"Hanggang reunion."

Napangiti si Mike.. halatang nagalak sa sinabi ko; "Sige. Una na ako. Ingat! stay cute and pretty and ang smiley face.. haha" Pagpapaalam niya.

"Don't forget to pray huh? Stay sweet and gentleman din Mike. God bless you." Pamamaalam ko naman sa kanya. "Siya nga pala kuya. May isi-send ako sa'yo na kwento. Basahin mo nalang. Salamat".

"Sure." Ngiting sagot naman niya habang naglakad sa kadiliman ng gabi.

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon