What If (ending)

2.1K 14 3
                                    

Chapter 9..

(present day)

(reality)

At pagkatapos ng matagal na panahon, hindi ko naman akalain na magiging kami ni Zeke..

Kami.. ang magiging matalik na magkaibigan..

"Huy honey!! Nakatulala ka nanaman!" Tawag sa akin ni Zeke.

"ai. Huh? Sorry.. sorry.. may iniisip lang.. about sa... uhm... work" Tamemeng sagot ko naman.

Sa isipan ko..

WHAT IF.. hindi ako nilagawan ni Kevin.. liligawan kaya ako ni Zeke?

Buti na lamang dumating ang waiter at hindi napansin ni Zeke ang namumula kong mukha. "Sir, ano pong order niyo na dessert?"

"Ah ano, halo-halo sa akin" Excited na sagot ni Zeke.

"Eh sa misis niyo sir?" tanong ng waiter

Nagulat kaming dalawa, nagkatitigan at tumawa ng malakas.

WHAT IF.. sinabi ko kay Zeke na may gusto ako sa kanya nung high school.. will he say the same to me?

"Ay sorry manong. Hindi ako ang asawa niya." Sagot ko naman.

WHAT IF..naging kami ni Zeke.. will it last forever?

(Dahil kung hindi naman kami 'destined' for each other at nag break din kami.. siguro, hindi kami magiging matalik na magkaibigan ngayon.)

"Ay sorry po ma'am. Narinig ko kasi kayong nagtatawagan ng honey." Nahihiyang sagot naman ng waiter.

"Tita Honey!" sigaw ng isang batang lalaki naman ang narinig naming sa may pintuan. Napalingon kami ni Zeke. Dumating na pala si Abby ang asawa ni Zeke at si Junior na anak nila.

"Waiter, halo-halo na rin sa akin tapos paki dalhan mo na lang kami ng menu ulit kasi andyan na yung asawa at anak ni Mr. 'Honorario' Tan." Nang-aasar kong salita.

"Sige po ma'am" sagot ng waiter at umalis na rin ito.

Pagkaupo nila Abby, nagkataon namang dumating ang asawa kong si Sean at anak naming si Maya.

"Hello Junior. Sorry absent ako kanina kasi sumakit ang teeth ko. Dinala ako ni daddy sa dentist." Ang sabi ni Maya. "Hindi. Okay lang. Papahiramin nalang kita ng notebook ko para hindi ka mahuli sa klase" ngiting sagot naman ni Junior.

"Ang bait-bait ni kuya Junior. Siguradong magiging mabuti at matulunging kuya siya sa baby sister niya" pag puri naman ng asawa ko sa anak ni Abby at Zeke.

"Mare, pare, ninong at ninang ulit kayo huh?" Pakiusap naman ni Abby sa amin.

"Sure Abby.. kahit ang pangatlo, pang-apat at pang pito pang anak niyo ni Zeke.. kami parin ang mag nininong at ninang" masayang sagot ko naman kay Abby. Nagkatawanan kami dahil alam naming nanggaling sa malaking pamilya si Zeke.

"Pero Honey, thank you parin dahil ikaw pa nagsusundo kay Junior mula sa school." Nahihiyang pasasalamat sa akin ni Abby.

"Okay lang Abby eh magkaklase lang naman sila ni Maya. When you feel better.. palitan ulit tayong sumundo sa mga bata" Ngiting sagot ko naman.

Hinawakan ni Abby ang mga kamay ko. "Oo naman Honey. Kayo pa e ang lakas niyo sa amin". At hinawakan ko rin ang mga kamay niya; "At kayo din sa amin."

"Malakas talaga.." Tiningnan ni Zeke ang kanyang asawa sa mga mata nito. "Biruin mo.. kayo lang ang pwede tumawag kay 'honey' ng 'honey' maliban sa akin. Dahil ikaw, misis ko, ay parte ng buhay ko.. parte kayo kung ano ako ngayon" Hinalikan ni Zeke sa labi si Abby at napangiti naman kaming mag-asawang nakatingin sa kanila.

"So what's the big news? Bakit nga ba talaga tayo may meeting ng ganito?" Curious na tanong sa aming mag asawa ni Zeke.

Hinawakan ni Sean ang tiyan ko. "Well, I guess, my junior na rin kami tulad niyo." Ngiting sambit ng asawa ko. Napasigaw naman sa kasiyahan si Zeke at Abby.

Sa isipan ko..

WHAT IF.. kami ang nagkatuluyan at nagpakasal ni Zeke.. will we be this happy katulad ng kaligayahan namin ngayon kasama ang kanya-kanya naming mga pamilya?

I believe NOT....

Pero sa totoo lang, the biggest question that I keep for so many years...

WHAT IF.. SINABI KO SA KANYA KANINA na "Zeke, you know.. back in high school... I was in love with you."

Will he say.. "I was in love with you too.."?

O sasabihin niyang..

"Sorry... I was in love with somone else" or "sorry.. its just not mutual"?

Ngunit, kahit ano pa man ang sagot sa mga katanungan sa aking isipan, siguro may mga bagay talaga na hindi na dapat malaman...

May mga sekreto na hindi na dapat mabunyag pa..

After all.. God let us experienced all these things for a reason. He decides our paths for the BEST.. Kung pinabayaan niya lamang ako.. siguro wala akong masayang pamilya ngayon.. at dakilang kaibigan.. Things happened for His reasons for our own good and I praise Him for that.

Siguro kung hindi niya rin ako hinayaang masaktan sa pagkakamali ko kay Kevin at kay Liza. Siguro hindi ako matututong pumili ng tamang lalaking mamahalin at makakasama sa buong buhay ko, matututong humingi ng tawad sa mga nasaktan ko at magpatawad sa nanakit sa akin.

Ngunit, higit sa lahat.. tinuruan niya akong magpahalaga ng sarili, magmahal ng ibang tao at bitawan ang pride ko.

Tama nga na God's plans are the best plans..

Bago ko tapusin ang aking maikling kwento.. reader, ako nga pala si Gail Dela Cruz,

Short for HONEYGAIL DELA CRUZ-CHAN..

And..

I WAS INLOVE WITH MY EX'S BESTFRIEND..

(END)

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon