My best friend

1.9K 20 1
                                    

                  

Chapter 8..

Isang oras din akong umiyak at sinamahan ni Sara. Mabuti na lamang at busy ang lahat sa game at after party kaya't wala masyadong tao ang pumupunta sa 3rd floor ng isang school building kung saan kami naroon.

Pauwi na ako nang biglang may tumatawag ng pangalan ko sa aking likuran. "Ui Gail!" nagulat ako sa aking pag lingon at nakaharap ko si Zeke.

"Huy! Wag ka namang mang gulat!" hinampas ko siya sa braso niya. Napatigil sa pagkilos si Zeke at tinitigan lang ako.

"What? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang ito at sinabing "Uyyyy.. gumaganda ka ata lalo ngayon ah!". Sabay hila sa matangos kong ilong.

"Alam mo.. sira ka talaga!" Naiinis ko naman na sagot ko sa kanya. Sa isipan ko, of course it is a joke dahil halata naman ang nagmamaga at namumula kong mga mata. Ni hindi ko nga rin ata naayos ang aking buhok sa pagmamadali kong umuwi. "Ni hindi ka lang man makapag sabi na nag-iba ka na pala ng school. Ni text wala." Nagtatampo at naiinis kong sabi sa kanya.

"Eh bakit? Kung mag titext ako, mag rereply ka ba? Ni hindi ka nga nagdadala ng phone sa campus. Primitive ka po kasi." Nang-aasar na sagot naman niya.

"Ikaw din naman ah! When was the last time you even used your phone? at kahit na noh?! Dapat sinubukan mo. Alam mo  naman address naming ah at you can visit here naman sa school." Napalayo na lamang ako ng tingin.

"Sorry po. Nabusy lang sa pag adjust sa bago kong school. Pero syempre.. magkaibigan parin tayo." Itinaas niya ang kanyang mga kamay at inalok ako for a hand shake.

"Now what?" I rolled my eyes.

"Tingnan mo na.. baka ikaw ang nakalimot sa akin... nakalimutan mo na ba ang secret hand shake natin?" Ngumiti sa akin si Zeke.

"Of course not!" and I hand shake him.

"Kahit saan man tayo mapunta, ikaw parin ang honey ko." Ngiting sambit ni Zeke.

Hindi ko naman maiwasang kiligin. Ngunit, kaakibat ng aking maikling kaligayahan ang pangamba na baka may masasaktan naman ako. "Eh Zeke.. diba may girlfriend ka?" Pag-aalala ko.

"Girlfriend? Haha! San mo naman nasagap ang balitang yan?" natawang sagot niya.

"Wala. Never mind!" napangiti  na lamang ako. Hindi ko namalayan sa kakatitig ko sa kanya eh marami na pa lang mga estudyante ang dumaraan. Pakiramdam ko kasi sa mga panahong iyon ay kami lang ang dalawang tao sa mundo..

Tulad nung umiiyak ako at umuulan..

Tulad nung naglalaro kami ng pass the message..

At

Tulad nung una naming pagkikita..

(Now playing: With A Smile by Eraserheads)

Bumalik lamang ako sa realidad nang biglang may sumigaw kay Zeke; "Ui Honorario! Ano yan? Bitawan mo na yang kamay ni Gail at baka mapagkamalan pa kayong mag syota." Bigla namang bumitaw si Zeke sa magkahawak naming mga kamay.

Nagtatawanan at nagkakantyawan pa ang mga barkada ni Zeke papunta sa gate. Habang kami ni Zeke ay yumuko at nanahimik na lamang. Pareho ata kaming nahiya sa nanyari.

Sinira ko na lamang ang aming katahimikan para hindi awkward. "Honorario? Haha bakit honorario ang tawag nila sayo?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Eh kasi, nalaman nila na ang middle name ko at Honorario.. eh ayun, napagkatuwaan nila na tawagin akong HONORARIO sa classroom." Nahihiyang sagot sa akin ni Zeke. "Alam ko na Gail!" laking ngiti sa aking ni Zeke.

"What?" curious na tanong ko naman sa kanya.

"Simula ngayon ako lang ang pwedeng tumawag sayo ng 'honey'.. at pwede mo ako tawaging 'hon'. Oh diba? Unique. At.. walang ibang tao ang pwedeng tatawag sa atin nito." Seryosong alok sa akin ni Zeke.

Ngumiti na lamang ako at sinabing; "Sige. Basta.. secret handshake plus names.. ito ang tanda ng pagkakaibigan natin. Okay?".

"Promise!" ngiting sagot sa akin ni Zeke. "Habambuhay.. at magpakailanman.. ikaw lang ang honey ko. Okay?"

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon