Chapter 1 continuation...

1.3K 8 0
                                    

MIKE...

"Ui Mike! Long time no see..." Napangiting sambit ko.

"Jade?" Ngumiti naman siya sa akin. "Kailan ka pa nakauwi? Oi! Tara. Pasok muna tayo baka magkasakit ka niyan.

Sumunod na lamang ako kay Mike sa may open restaurant. Tinawag niya ang waiter at humingi ito ng tuwalya para sa aming dalawa.

"Close kayo?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Haha.. oo.. e halos lahat naman ng mga kaklase natin parati dito. Family vacations, parties, mini-reunions.. dito na... so syempre.. lahat kami na parati dito...close narin sa mga staff..." Sagot niya naman. "Hanggang kailan ka dito? Makakasama ka ba sa reunion?"

"Ahm.. yun nga eh.. akala ko makakapunta ako kaso... pinapabalik ako ng maaga ng boss ko sa Canada. Saktong sa araw ng reunion ang flight ko.. pero don't worry.. I can still help parin naman sa pag oorganise" Malungkot na sagot ko naman.

"Ang lungkot naman. Minsan ka lang nga nakakauwi." Nakita ko ang bakas ng lungkot sa kanyang mukha. "Don't worry.. I'll send you off.. reunion.. pwede naman ulitin eh.. ikaw.. minsan ko lang makita".

Nagulat at napangiti naman ako sa sinabi niya. "It's okay Mike. Pumunta ka na lang sa reunion. Don't miss out anything just because of me.. may next year pa naman".

"Alam mo.. hanggang ngayon.. hindi ka parin nagbabago noh? Down to earth ka parin.." Ngiting kantyaw niya naman. "Eh ako.. haha dami nang nagbago. Naging.. bad boy na..."

"I've heard.." Ngiting sagot ko naman. "Pero... wala namang nagbago.. para sa akin.. ikaw parin yung the same na Mike as before.. mataas parin ang respeto ko sa'yo".

Parehas kaming natahimik ni Mike. Halatang nagulat siya sa aking mga sinabi.

"Miss Jade. Ready na po yung cottage niyo sa left wing at nadala na rin po ang mga gamit niyo duon. Sir Mike.. sa right wing po as usual." Tawag ng assistant ni Adam.

"Anya.. nasan nga pala si Adam? Eh mag e-eleven na ng umaga ah." Tanong ko.

"Ai Miss Jade. Pasensya na po. Hindi po ba kayo ininform through message ni Sir Adam? Eh hindi raw po siya makakapunta dahil may emergency sa office." Nalulungkot na sagot ni Anya.

"Eh ganun ba? Paano naman ang iba? Si Cherry?" Pahabol na tanong ko.

"Shoot! Bago ko lang nabasa ang message ni Cherry... Cancel daw ang meeting ngayon dahil nagback out daw halos lahat para sa meeting ngayon. Sa susunod na araw pa daw ang next meeting". Naiinis na sambit ni Mike.

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung totoo ang mga sinabi ni Mike... 4 messages and 10 miss calls from Cherry... totoo nga.

Nagbihis na lamang ako sa cottage at lumabas para kumain sa open restaurant. Akala ko umuwi na si Mike dahil hindi ko siya agad nakita paglabas at paglakad-lakad ko. Pinili kong umupo sa may balkonahe ng restaurant kung saan kitang-kita ang lawak ng dagat sa harapang bahagi ng resort. Buti na lamang at tumila na ang ulan at may sinag parin ng araw kaya't napakaganda ng aking tanawin mula sa aking kinaroroonan.

As usual, I ordered my favorites na hindi ko gaanong natitikman sa Canada; mango shake, mango float, mango cake at sinigang na baboy na may mangga. Bigla namang umupo si Mike sa harapan ko at sinabing; "Alam mo ba kung nasaan ang may pinakamasarap na manggang hilaw? Diba paborito mo  yun?"

"Huh? Saan?" Napatigil naman ako sa pagsubo ng mga kinakain ko.

"Sa labas ng high school natin" Paanyaya nito.

Napangiti na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Nag order na rin si Mike ng makakain niya.

"Hi Mike!" Sigaw ng isang magandang babae mula sa ibaba. Nakangiti itong binati si Mike.. at oo.. si Mike lang..

"Hello. Kain lang kami!" Nakangiting sigaw naman ni Mike sa babae. Umalis narin ito pagkatapos niyang kumaway kay Mike na halata namang kinikilig.
"Ang tinik mo pa rin sa mga babae anoh?" Singit ko naman. "Mula high school ang daming nagkakagusto sayo." Natatawang sambit ko

"Huh? Meron ba nung high school?"

"Oo. Ang dami kaya... Isa na ako dun".


NGUNIT HINDI ITO ANG SINABI KO.

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon