My Ex's Ex

2.3K 13 2
                                    

                 

Chapter 4..

I cried that day.. nang hinila ako ng mga cheerleaders palabas ng classroom at ipinasok ako sa madilim na toilet at binuhusan ng malamig na tubig.

"Ang kapal naman ng pagmumukha mo to cross Liza like that?!" Bwelta ni Gem, kanang-kamay ni Liza. "Ano bang gayuma ang ginamit mo kay Kevin? At nakaya niyang ipagpalit ang isang maganda at sexy na cheerleader sa isang katulad mo, nerd!" Sabay tulak sa akin papunta sa wall.

"Oh shut up Gem! Para mo naring sinabi that a girl like this lang hindi ko pa kayang lampasan? Iniinsulto mo ba ako?" Narinig kong pagsasalita ni Liza sa isang sulok.

Narinig ko ang yapak ng kanyang mga sapatos at bigla kong naramdaman ang paghila niya sa mga buhok ko.

"Aray!" Napasigaw na lamang ako sa sakit. "Shut up! you flirt!" Sabay hila ng malakas sa buhok ko. "How dare you agawin sa akin si Kevin? Isa kang flirt! Hindi pa nga kami break eh umaaligid aligid ka na. Ano bang pinakain mo sa kanya huh? Sarili mo huh? Nakipag sex ka sa kanya?!" sabay buhos ng tubig sa aking mukha.

Hindi ko napigilang umiyak at magmakaawa; "tama na please!! Tama na". "Ang sabi sa akin ni Kevin nakipag break na siya sayo".

"You flirt!" Sigaw sa akin ni Liza. "Nagpapanggap ka na anghel sa lahat! Eh demonyo ka pala!! Mangaagaw!!" Sabay hila sa buhok ko at kinaladkad ako palabas ng toilet papuntang classroom.

Ni halos hindi ako makalakad dahil basa narin ako at nanginginig sa takot. Umakyat si Liza sa isang lamesa sa harap ng classroom, ni walang pakialam sa mga cleaners na hindi pa magtapos maglinis ng sahig.

"Listen everyone!! This flirt who everyone thought as an angel is a big fat devil! She lured Kevin by using her body and had sex with him!! Isang demonyo ang babaeng to!" Sabay hila sa buhok ko.

Mabuti na lang saktong dumating sila Kevin and Zeke mula basketball practice. Gulat na gulat sila ng nakita akong basang basa at umiiyak.

Totoo pala yung katagang "basang bibe" noh? Dahil yun ang tingin ko sa sarili ko sa mga panahong yun. Isang ugly duckling na basang basa ng tubig at kahihiyan.

"What are you doing Liz?!" Binitawan ni Kevin ang bola at dali daling pinuntahan ako sa harap. Napatagil naman ang lahat ng cleaners sa paglilinis at nakinig sa amin. Binitawan narin ni Liza ang buhok ko.

Nakayuko na lamang ako sa hiya. Pero ramdam ko ang pag yakap sa akin ni Kevin sa kabila ng kondisyon ko.

"How dare you do this to my girlfriend?!" SigAw ni Kevin sabay turo kay Liz.

Bumaba si Liz sa lamesa at hinarap si Kevin. Ang matapang na Liz ay biglang napaiyak.

"No Kevin! How dare you do this to me?!" Naririnig ko ang umiiyak at nanginginig na boses ni Liz. "Binigay ko naman sayo lahat ah. Maliban sa  virginity ko. Hindi pa ba yun sapat?"

My mind is taking sides. Gusto ko mang sabihing nag seself-pity lang si Liza, pero..

WHAT IF.. hindi nga siya hiniwalayan ni Kevin? Eh di.. totoo na naging kabit ako.. Eh di.. totoong... kawawa nga si Liza...

Napaiyak na lamang ako sa dibdib ni Kevin.

"Tapos ano? Nilandi ka lang ng babaeng yan! Binigay lang ang katawan niyang parang isang kawayan sa gubat, eh iniwan mo na ako?".

"At ikaw Gail? Pinagkatiwalaan kita! Simula pa lang, alam mo na na gustong-gusto ko na si Kevin. How dare you do this to me? Akala ko pa naman ay kaibigan kita. Isa ka palang demonyo na nagbabalat anghel."

Naririnig ko ang mga bulungan sa paligid namin. Ni hindi ako makatingin sa hiya.

"Hindi totoo yan!" Sagot ni Kevin kay Liza. " Virgin pa si Gail. At ni halik ay hindi niya pa nabibigay sa akin. She is not like you Liz!"

"Niligawan lang kita ng isang araw out of my conscience dahil kinukulit mo ako araw-araw ay sinagot mo na ako right away. Do you even have any dignity and respect left for yourself?" Bwelta ni Kevin.

"That's... because... i love you Kevin!" Nanginginig na sagot ni Liz.

"Too bad Liz. I love Gail." Mahinahong sagot ni Kevin.

Napaiyak ng malakas si Liz. Naglakas loob narin akong tingnan siya. Parang ibang mundo ang aking nakita nang dinilat ko ang aking mga mata, lumayo ako sa yakap ni Kevin at humarap sa aking paligid.

Napakaraming tao ang nakatingin sa amin. Meron sa bintana, sa pintuan, at nariyan din si Zeke and Xian sa likod ni Kevin. Humarap ako kay Liz na napaluhod na sa sahig at umiiyak. Pinuntahan ko siya at niyakap.

"I'm sorry Liz." At napaiyak na rin ako.

"Get your filthy self off me!" Inalis ni Liza ang sarili niya sa yakap ko at sinampal ako ng malakas.

"Pinagkatiwalaan kita Gail. You of all people!" Sigaw sa akin si Liza.

"Liz, I'm sorry. I fell in love with Kevin and I didn't have the courage to tell you."

"Isa kang kabit, Gail" bwelta sa akin ng isang cheerleader nang tinulungan nilang patayuin si Liz at inalis sa kahihiyan.

Mabuti na lamang ay hindi lahat ng tao ay naniwala kay Liz. Marami parin ang naniniwala sa akin bilang ako. Bilang si Gail. Pero hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako at nadungisan ang pangalan ko.

WHAT IF.. hindi ko sinagot si Kevin.. maybe, I wouldn't experience this kind of humiliation in my life. Maybe I wouldn't have hurt someone.. Maybe, I would still have the respect people has for me..

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon