My Ex's Bestfriend (part 2)

2K 10 0
                                    

Chapter 1..

August 9, 2017

"Sawakas! At natapos ko na rin ang draft ng short-story namin ni Mike." Ito ang nasambit ko sa aking sarili pagkatapos ng 2 araw na pagsusulat. Ito na ata ang pinaka unang storya na nagawa ko na ayon sa aking mga naging karanasan. Dahil kahit ilang beses ko naman subukang gumawa ng kwento nuon sa Ingles man o Filipino ay hindi ako nagkakaroon ng magandang ideya paano gawin ito o kung paano lang naman simulan. "Ang kwento namin ni Mike.." Ngumiti ako sa sarili ko habang tinitingnan ko ang kopya ng maikling-kwento na ginawa ko. Sa isang palakwentong tulad ko.. nakaya kong itago ang isa kong paghanga sa isang kaibigan sa mahigit na 9 na taon.

Kasabay naman ng aking pagbalik sa nakaraan ay ang malamig na simoy ng hangin at ang pagtugtog ng radyo ng isang kanta na nakakapagpaalala sa akin kay Mike;

Lift your head, baby, don't be scared.. Of the things that could go wrong along the way.. You'll get by with a smile.. You can't win at everything but you can try.. Baby you don't have to worry..

Mula sa aking bukas na bintana, napangiti na lamang ako at napatingin sa maliwanag na buwan na tila bang dinadamayan ako sa aking pagmumuni-muni.

"That's the feeling of love" Sambit ng aking guro sa Ingles sa akin 9 na taon na ang nakakaraan.

Tiningnan kong muli ang aking mga naisulat at habang hangang-hanga ako sa ginawa ko, biglang tumunog ang facebook messenger ko. Pagbukas ko nito ay nagulat ako na si Cherry pala. Kaklase namin ni Mike nung high school. Inaanyayaan niya kami para sa isang meeting para sa batch reunion namin sa susunod na buwan.

"Jade, uuwi ka daw next week? Hanggang kalian ka dito sa Pinas? Sali ka na sa meeting o.. kulang tayo ng mag-oorganise ng reunion eh." Pakiusap ni Cherry sa akin.

"O sige. Ang tagal ko na rin hindi nakauwi and don't worry I'll be here hanggang reunion. Timing naman at ang flight ko dalawang araw pagkatapos nito.😊 " Sagot ko naman.

"Perfect! Marami-raming graduation parties na rin ang namiss out mo ever since nag law ka sa Canada."

"Oo nga eh. Baka this time makakabawi na ako. Last month pa ako kinukulit ni Adam eh. hehe "

"Hey.. Next week Tuesday 9AM okay? Sa resort nila Adam. I'm pretty sure alam mo pa naman kung saan yun. 😊"

"Sure, Cherry. |I'll be staying there naman after my Granny's birthday.. See you!"

August 15, 2017

Saktong 9AM akong dumating sa resort nila Adam. Nagmamadali pa akong pumasok dahil akala ko ay late na ako. Nakalimutan ko... Filipino time pala... laging 1 hour late lahat...

Naupo na lamang ako sa may duyan. Looking around.. it sure brings back memories...

Sa isang maliit na ilog sa unahan, sa ilalim ng tulay... duon pa naglalaro sila Mike at mga kaibigan nitong si Carlo at Paul ng mga bangkang gawa sa papel. Pinapaagos nila ito at naguunahan silang makaabot sa may pinakamalaking bato sa kaliwang banda ng ilog; marka ng finish line nila.

Sa hanging bridge naman sa itaas ay kung saan kami tumatawid-tawid para makapunta sa mga fish ponds. Nilulukso at inuuyog pa ng mga lalaki ang tulay para takutin kaming mga babae kapag tumatawid kami rito. Naalala ko pa na dati ay meron pa itong mga butas-butas at kulang-kulang na daanan.. paano naman kasi, ito ay gawa lamanng sa kahoy at lubid.. Ilang beses na rin kami sinabihan na wag dumaan dito dahil luma na raw ang mga lubid at medyo bulok na ang mga kahoy,..dilikado daw.. pero dahil nga sa sense of adventure... ay palagi naming napapagdiskitahang dumaan dito.

Ngumiti na lamang ako sa mga alaala na nakaukit na sa lugar na ito. Sinabayan naman ako ng kalikasan nang biglang umulan ng napakalakas kahit may araw. Sabi ng mommy ko nuong bata pa ako, kapag ang ulap daw ay umiyak kahit na may araw.. ibig sabihin daw ay may fiesta sa langit.. Tears of joy lang diba?

Kahit alam kong childish.. bigla akong lumukso palabas at naligo sa ulan.. napapikit ng aking mga mata habang iniimagine na kasama ko si Nicole, ang best friend ko na nakasama kong umiikot-ikot, tumatakbo at sumasayaw sa ilalim ng malakas na ulan.

Naputol na lamang ang aking kaligayahan nang bigla akong nabangga ng isang nilalang. Parehas kaming natumba at napahiga sa sementong daanan.

Tila bumagal ang ikot ng mundo..at kahit sa aming pagtitigan ay hindi naming agad nakilala ang isa't-isa..

"Sorry!" Pag-aalalang sambit nito. Dali-dali naman siyang tumayo at tinulungan ako.

Adjusting my glasses... Naaninag ko ang isang lalaking may matipunong pangangatawan, matangkad at may 90's na pananamit at hairstyle.. Sinubukan kong tingnan ang kanyang mukha.. and I slowly realize who it is...

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon