My Ex's best friend

2.3K 18 0
                                    

                 

Chapter 5..

Bulungan dito. Bulungan duon. Isa raw akong kabit. Di na virgin. Mang-aagaw. Witch. Demonyong nagpapanggap na anghel. Etc.

Months passed and okay naman ang relasyon namin ni Kevin. But things started to get more complicated. Kung minsan pa ay nakakalimutan niya na may dinner dates kami at si Zeke ang pumupunta.

Isang beses pa nga ay napatingin na lamang ako kay Zeke na tutok na tutok sa pinapanood naming horror movie..

sa isip ko..

WHAT IF.. si Zeke na lang ang nanligaw sa akin? Makakalimutan niya ba dates namin? Or will he be there to accompany me all the time to watch horror movies like this?

Pero binalewala ko ang mga tanong sa isipan ko. Dahil gusto kong mahalin si Kevin at wala nang iba pa. Gusto ko maging isang mabuting girlfriend; sa isipan, sa puso at sa gawa. Ayaw kong magkasala at mag commit ng adultery. Hindi pa nga kami mag asawa ay nagkakasala na ako. Ayoko nun. Mali yun!

Isa pa, kahit naman unti-unti kong nararamdam ang lumalamig na pag trato sa akin ni Kevin, ay siya pa rin naman yung taong minahal ko. Yung taong nariyan yung mga araw na ako'y nag-iisa, yung oras na ako ay nalulungkot at yung mga panahong pinapahiya ako ni Liza. Sa isipain ko, siya parin yung taong kasama ko mag-aral sa library at ginigising ako pag nakakatulog ako or tinutulungan akong mag linis ng mga equipments sa Chemistry lab kapag iniwan na ako ng mga groupmates ko.

Or so I thought...

Dahil isang araw, ay may nalaman ako na nasaktan ako ng lubusan. Hindi ko kasi akalain na nagpatulong si Kevin ng term paper kay Liza. Narinig ko na lamang sa mga bulong-bulongan ng mga basketball players during flag ceremony.

"Miss Dela Cruz" tawag ni miss Lim sa classroom during lunch time.

"Paki kolekta na lang ng term papers ng mga kaklase mo at paki lagay nalang sa table ko sa faculty room. Thank you." Pakiusap ni miss Lim.

Binigay sa akin ni Kevin ang term paper niya na may bakas ng tulong ni Liz. Tiningnan ko si Liz at nakangiti itong lumingon sa akin. Para niyang sinasabi na; "i have won this round".

Sa selos ko. Hindi ko kinuha ang paper ni Kevin at bigla siyang nagalit sa akin.

"Gail ano ba! Kunin mo na!" Sigaw niya sa akin.

"Kung gusto mong masubmit yan. Ilagay mo sa desk ni miss Lim yourself!" Sagot ko naman sa kanya.

"Ano bang problema mo? Papasa ka lang ng papel eh may drama ka pa!"

"Why not ask yourself?" Sagot ko sa kanya.

Tinitingnan na kami ng maraming tao.

"Am I not smart enough para sa ibang tao ka pa magpapatulong gumawa ng term paper?" I snapped.

Pakiramdam ko ang tanga tanga ko ng sinabi ko to. I was defeated..

"Ano bang kinakagalit mo? Nagseselos ka? Kung makatulong ka nga kay Zeke sa project niya akala mo kayo lang ang 2 tao sa mundo." Sagot sa akin ni Kevin.

"Pare. Wala namang ganyanan" singit ni Zeke.

"Stay out of this!" Sinigawan ni Kevin si Zeke. Tinitigan ako ng galit na mga mata ni Kevin ng ilang segundo. Tinapon niya ang term paper niya sa sahig at lumabas ng classroom.

"loser!" sabay lagay ng hugis L na fingers sign sa noo ang mga pinakita sa akin ni Liza at ng kanyang mga kaibagan while passing by at me. Huminto sandali si Liza at bumulong sa tenga ko; "Gail.. fetch!" at tumawa palabas ng classroom.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin nung mga panahong yun. Naiiyak akong pinilit ang sarili ko at pinulot ang term paper ni Kevin na para akong isang pulubi na namumulot ng mga tira-tirang buto nila ni Liza. I know its bad na mapride ako.. Pero sa isang taong nagmamahal.. it hurts..

Sinamahan ako ni Zeke sa pagpasa ng mga term papers sa faculty room ni miss Lim. Masakit man sa aking kalooban ay nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob tanungin si Zeke tungkol sa aking pagdududa na matagal ko nang kinikimkim.

"Zeke, sino ba ang nagsabi sa iyo na kami na ni Kevin?" Nanginginig kong tanong kay Zeke.

"I'm sorry Gail. I just want to be honest. Pero nalaman ko lang talaga ang lahat nung gumawa ng iskandalo si Liz." Nahihiyang sagot sa akin ni Zeke.

"Alam mo Zeke, hindi ko akalain na nagsinungaling sa akin si Kevin. Sabi niya personal na sinabi niya raw sa inyo na kami na. Kinuwento niya pa nga sa akin kung paano kayo nag react at sinabi niyo pa raw na 'congratulations'." Naiiyak kong kwento sa Zeke.

"Pero alam mo, ang pinakamasakit sa lahat.. kahit ano pang pagtanggi ko sa isipan ko.. dahil sa nalaman ko mula sa'yo ngayon ay parang totoo nga na hindi pormal na nakipag break si Kevin kay Liza gaya ng sabi niya. Naging.. kabit ako.." Dugtong ko pa.

Tumigil kami ni Zeke sa paglalakad. Hinarap niya ako sa kanya at sinabing tingnan ko raw siya sa kanyang mga mata. Hinawakan niya aking mga pisngi at sinabing; "Bakit ba kasi, sa dinami-dami pa ng mga lalaki sa mundo, baliw pa ang pinili mo?" Seryosong tanong niya habang tinititigan niya ako sa mga mata.

Hindi ko maiwasang umiyak na lang at yumuko muli. "I'm sorry Gail." Nahihiyang sambit sa akin ni Zeke. Hinayaan niya muna akong umiyak sa daan kahit bigla nang lumakas ang ulan. Tila parang bumabagal ang takbo ng mundo at parang kami lang dalawa ang nasa sentro nito. Buti na lamang ay nasa loob ng plastik at nasa loob ng mga bags namin ang mga term papers kaya hindi nabasa.

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon