Flashback

4.4K 36 8
                                    

Chapter 2..

"Remember the first day we met? Ikaw kaya una nagpakilala sa akin.. the moves din anoh?" Sagot ko sa tanong niya.

Napangiti si Zeke. Mabuti na lang hindi niya nababasa ang aking isipan.

"Ah! Oo.. yung.." naputol ang mga salita ni Zeke nang sumingit ang waiter; "Excuse me sir, ma'am, ano pong order niyo?"

(Flashback)

Pangalawang araw ng unang taon ko sa high school. Mahiyain pa ako at nangingilatis ng makakaibigan. Recess nun nang nagsimulang magkwentuhan ang mga kaklase namin about sa status ng mga pamilya nila, mga awards nung elementary at kung ano-ano pa. Palibhasa kasi prestigious school kaya nagpapayabangan.

"Gail, sali ka!" Tawag ni Marie. Kaklase kong valedictorian daw sa elementary school na pinasukan niya.

"Gail, diba Dela Cruz ang apelyedo mo? Bakit mukha kang intsik? May lahi ka ba?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Mama ko kasi half-Chinese, kahit papa ko ay purong Filipino. Kaya medyo mukha akong Chinese. Lin ang middle name ko". Nahihiya kong sagot.

"Diba si Mr. Eduardo Dela Cruz yung sikat na may ari ng isang coffee plantation sa General Santos? Siya ba papa mo? Sa inyo yung plantation?" Gulat na tanong ng isa ko pang kaklase.

"Hindi naman yung buong plantation. Partly owned lang ng papa ko" nahihiyang sagot ko naman.

"Teka! Si Tito Ed? Kilala ko yun! Kagagaling niya lang sa bahay kagabi." Sagot ng isa kong kaklase.

Napalingon naman ako sa kanya. Hindi ko akalain na may tatawag ng "tito" sa papa ko sa school na pinasukan ko. Isang lalaking matangkad, payat, maputi, tsinito, maamo ang mukha at may magandang ngiti.

(Now playing: Sa Isang Sulyap Mo by 1:43)

"So you mean.. bahay niyo yung pinuntahan namin kagabi? Sumama kasi ako sa papa ko. We had our father-daughter dinner date kasi". Nakangiting sagot ko naman sa kanya.

"Tito Ed and my dad are business associates. Siya nga pala, my name is Ezekiel Xander Tan. Zeke na lang for short".

Nagkatitigan kami ni Zeke. Ni hindi ako makapagsalita at makakilos.

"Uyyyy.. small world ah! Coincidence or destiny?" Kantyaw ng isa kong kaklase at nagtawanan naman ang iba. Nag kulay-rosas ang aking mga pisngi. Sino namang hindi diba? Lahat naman siguro ng mga teenagers merong dream na magkaroon ng mala-teleseryeng love life at isa sa mga kwento na bentang-benta sa ating lahat ay mga kwentong 'destiny'.

"So Zeke, ilan nga kayo magkakapatid?" Buti na lang at na distract ako sa pagtatanong ni Marie at naalis ang aking tingin kay Zeke.

"Uhm.. seven.." nahihiyang sagot ni Zeke. "Grabe pare, sipag ng parents mo!" Katyaw naman ng isa kong kaklase. Nag tawanan naman kaming lahat.

Simula ng araw na yun ay araw-araw, at kung may pagkakataon, ay tinitingnan ko si Zeke. Kinikilatis. At bawat araw ay mas lumalaki ang paghanga ko sa kanya; matalino si Zeke, masipag, palakaibigan at higit sa lahat.. isa siyang gentleman.

Wala akong sinabihan pero may crush ako kay Zeke. Isang bagay na ayaw kong mabanggit dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.

Kung minsan pa nga, I'm doing things against Dalagang Filipinas' Unwritten Rules. Hinihiram ko notes ni Zeke tuwing kulang ang notes ko or galing ako sa sakit at hindi nakapasok sa school para lang magpapansin sa kanya. Naalala ko isang beses ay nahuli ako ni Angkong na tinitingnan ang handwriting ni Zeke in Hanzi. Sabi pa ni Angkong mas malinis pa daw ito kesa sa mga guhit ko, at tulad niya, ay hindi ko rin maiwasan ang paghanga ko rito.

Bawat Biyernes ng hapon naman ay nakikipaglaro ako ng pass the message kasama si Zeke at dalawa niya pang mga kaibigan para lang makasama siya. Naalala ko pa nga, na sa aming 4 (o 5 kung kasama ang best friend kong si Lyka), kami ni Zeke ang hindi basta-basta nahuhuli. Matataas kasi ang mga daliri ni Zeke at sa akin naman ay maiiksi kaya hindi gaanong halata ang mga kilos ng mga daliri namin.

(Now playing: Kailan by MYMP)

Nakakahiya mang aminin. Pero kinikilig din ako kapag nahahawakan ko ang kanyang mga kamay and its the secret feeling i never want to reveal. Psychologically speaking, its like.. bawat kumpara namin sa laki ng aming mga kamay, I felt secure dahil mas malaki ang mga kamay niya sa akin. Yung tawag na 'manly hands' habang ang mga kamay ko naman, kung tawagin pa ni Ama, ay malaporsela daw sa kinis at lambot (dahil wala daw trabaho sa bahay). Kahit mayaman sila Zeke, kwento ng kaklase namin na kaklase niya rin nuong elementary, ay tumutulong daw ito sa kanilang mga trabahador na mag sibak ng kahoy. He's like the knight in shining armor ready to save a damsel in distress girl like me sa isang fairytale imagination ko diba?

But then again.. fairytale can never be a reality..

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon