Chapter 5

736 3 1
                                    

"Ang galing talaga ng honey ko!" pang gulat na mga salita ni Mike nang tinakpan niya ang aking mga mata habang kumakain ako sa open restaurant.

Para naman akong nabulunan sa aking narinig, ngunit inayos ko ang aking sarili agad para hindi ito mahalata ni Mike.

"Ezekiel Xander HONORARIO Tan" Kalmado ngunit mapang-asar na sagot ko naman.

Naupo si Mike sa harap ko at nag order narin ng kanyang pagkain para sa tanghalian.

"Oi Jade! Alam mo..talagang inaasar mo na ako" Naiinis na sambit ni Mike habang kumakain kami.

"Bakit? Anong ginawa ko?" Inosenteng sagot ko.

"Abby talaga?"

"Eh bakit? Ganda ng name eh."

"Ex ko yun eh! Si Aby"

Nagulat ako sa aking narinig. Nabitawan ko ang aking kutsara at napatawa ng malakas. "Hahaha sorry Mike.. hahahaha pero coincidence lang talaga... hahahaha Abby din pala pangalan ng ex mo?"

"Aby. A. B. Y. Short for Amy Beatrice Yan" Naiinis na sagot niya. "Sadly, hindi katulad sa kwento mo ang nanyari. She was just another passers by sa buhay ko."

"Ui Mike.. hahaha sorry.. coincidence lang talaga..." Pinipigilan ko na lamang matawa sa kanyang sinabi. "Bakit ba? Ano bang nanyari?"

"Eh.. nahuli kong may nakahalikang ibang lalaki. Ayun.. goodbye 4 years.. goodbye first girlfriend." Nalulungkot na kwento ni Mike.

"Sorry Mike. Hindi ko talaga sinasadya." Simpatyang sagot ko naman.

"Okay lang. But.. really.. the story is great! Dapat mo itong ipublish!" Ngiting sagot niya.

"Tumigil ka Mike! Nagustuhan mo lang eh dahil ikaw ang bida." Naiinis kong bawi sa kanya. "Pero.. what do you think of the story? Of course.. it was exaggerated and mostly fabricated huh? I mean with the story line.. I mean.. ano ba? Nainis ka ba? Naiyak? Nakilig?"

"Sa totoo lang.. nakilig naman ako... at the same time.. nalungkot.." Ngiting pag-amin ni Mike. "I know fabricated and exaggerated ang kwento.. pero WHAT IF diba? Haha nakakainis kasi ang mga WHAT IF.. WHAT IF.. mo!"

"Sorry huh? Haha pero totoo naman eh. That was one of my biggest regrets in life." Seryosong sagot ko. "Pero.. sus.. crush crush lang naman din yun diba? Haha"

"It wasn't just a crush, Jade! Haha" singit na sagot ni Mike. "Pero yun lang.. wala akong nagawa.. kasi you were both so close to me."

"Eh.. sabihin mo lang weak ka talaga! Haha" Asar ko kay Mike. "Pero Mike.. you were not neutral at all.. you were unfair... you are a friend to Paul.. but not to me... Keeping it from me.. when you could have saved me."

Nalungkot akong muli sa mga sinabi ko. I know it was wrong for me to blame Mike.. pero.. knowing that maybe he could have done something... isang malaking 'sayang' ang nadarama ko. I thought.. he could be my knight in shining armor... I thought.. he could be... the one... but he is not.

Pareho kaming natigil sa pagkain... tiningnan ako ni Mike, ngunit bigla na lamang akong nayuko at pilit pinipigilan ang pagluha ng aking mga mata.

"Aminado naman ako Jade." Nalulungkot na pag-amin ni Mike. "Pero wala talaga akong lakas ng loob na makisali pa sa gulo. Hindi naman kasi ako yung superman na always there to save the day!"

Hindi ko mapigilang maluha sa mga narinig ko. Tila ba nadudurog ang puso ko. Alam ko naman na hindi ko dapat sinisisi si Mike sa mga pagkakamali ko. Sa mga hindi magandang nanyari sa amin. Ngunit.. tulad nga ng sinabi niya..

WHAT IF.. diba?

Pinunasan ko agad ang mga luha ko para hindi mahalata ni Mike..

'You're right Mike.. hindi ka nga si superman.... I feel bad at naisip ko na pwede ka pang maging knight in shining armor ko...'

"Okay lang.. crush lang naman yun eh." Pinilit kong magpakita ng ngiti sa kanya.

"If only I was strong that time... hehe" Pilit na tawa ni Mike. "Kaya nga isa pa lang nagging girlfriend ko."

"Hehe tama lang naman ginawa mo. High school pa tayo nun. Tama lang na hindi ka nasali sa gulo. Kaya nga tinago ko diba? Kasi.. ayaw kong masali ka pa sa gulong napasukan ko." Pilit kong ngumiti at ipakita na okay lang ako.

"At there were many chances Mike.. so many chances... but our destiny are like two parallel lines... we always find each other.. chasing each other.. but we never intersect.. we are never meant to be..." naiiyak kong mga salita.

"Nung may boyfriend ako...nasaktan ka. True.. ngunit nang naghiwalay kami ni Paul.. you were not there naman. I needed you, Mike.. and at some point that time I was trying to find you.. but I can't..

When we were both in college naman.. By that time, I was healed.. Nagka girlfriend ka naman... and now.. its just too late.."

Gusto kong tingnan si Mike.. pero ni hindi ko magawa dahil takot ako sa kung ano man ang makitang reaksyon niya.

Thinking back in high school.. during prom.. when I was alone on the side... waiting for someone to ask me to the dance... The night was full of promises.. everyone was laughing.. dancing.. eating..

'Bakit pa kasi ako pumunta? Bakit pa kasi ako nag dress up?' Tanong ko sa sarili ko sa gabing iyon.

'WHAT IF... Mike.. ikaw yung biglang lumapit sa akin at umaya sa aking sumayaw? Parang isang prinsipe na handang isayaw si Cinderella... you could've brought the spot light with you and save me.. because those times? I WAS IN DARKNESS'

"Sa totoo lang Jade, atat na atat akong mag traidor kay Paul nun eh..." Malungkot at galit niyang sambit. "Pero kung ginawa ko yun... I could lose you both.. and that was the hardest part for me."

Nabitawan ni Mike ang kanyang kutsara't tinidor. Tahimik siyang tumingin sa malayo. Nabalot ng katahimikan ang aming paligid. Hindi ko na napigilang umiyak.. at kahit ganun pa man.. pinilit kong magsalita kahit nanginginig na ang aking tinig.

"Why would you lose me, Mike?" Nakangiti kong sambit.

Ngunit wala akong narinig na sagot.

Nakatingin pa rin si Mike sa malayo. Agad kong pinunasan ang aking mga luha at tumawa na lamang.

"Haha.. remember when we were in 4th year? We went with our dads sa isang event. I was looking for you" Natatawa kong kwento.

Lumingon sa akin si Mike. My distraction worked. Halata ang bakas ng galit at lungkot sa mga mukha ni Mike. "Huh? Hindi ko na matandaan".

"Exactly!" Ngumiti ako. "That was the time that I was really hoping we would cross paths.. we did see each other.. but you were at the other side of the bench.. opposite to me... like PARALLEL LINES..."

"Hahaha. Yan naman kasi talaga kulang sa atin eh." Sagot niya. "Sa dinami dami ng chances at ng oras. We never had a single time..na tayo lang..dalawa.."

"Mike.. remember when you said.. you were always looking at me from a distance?" Naluluha kong sambit. "Funny.. kasi if you did... you should have seen me looking at you..." pilit kong ngumiti. "Because all those times.. I thought I was the only one looking at you.."

Tiningnan ako ni Mike. Halata sa kanyang mga mukha na wala siyang kamalay-malay sa paghanga ko sa kanya nung high school.

"Remember during our play preparation? I was the one fixing your clothes. Tayo lang dalawa.." I smiled at him. "I'm not cheating that time.. But I know in my heart.. I was happy having those moments with you.. Every moment with you is special to me... and I hope I will never forget those smiles when Zeke talks to Gail".

"Jade.." Hinawakan ni Mike ang aking mga kamay. "I never expected that this day would come. Nuon pa man.. I was hoping na someday.. you will hear me.. and know how I feel for you.."

Inalis ko ang aking mga kamay sa mga hawak ni Mike. Hindi makapaniwala sa kanyang mga sinabi.
"Mike.. if you only knew.. you were my inspiration. I strive hard to become a top student because of you.. because you are smart and diligent. I tried to win those art contests.. because of you!" I smiled at him. "Because everytime I see you.. you doodle boxes without rulers and you can do it straight and neat."  I giggled. "Hindi na nga ako nagsusulat ng notes kung minsan para lang makahiram ako ng notes sa'yo".

Natawa si Mike at sinabing; "Oo na! Ikaw na!". "Akala ko kasi.. talagang sira lang mata mo kaya hindi ka nakakakopya sa black board. May glasses ka kaya.. kaya hindi ko naman iniexpect na mutual pala ang feelings ko para sa'yo."

Ngumiti na si Mike at sinabi niyang; "But you know what I can never really forget sa ayos mo? You were soo cute with the bow tie you put on your hair." Biglang kinuha ni Mike ang suot kong glasses at itinabi ang aking mahabang buhok na nakatakip sa maliit na bahagi ng aking kaliwang mata at itinabi ito sa likod ng aking tenga.

Natameme ako. Ni hindi ko nga agad naalala na sumusuot ako ng bow tie nuon. "Kahit always lang akong malungkutin nuon.. dahil sa iyo, bigla akong napapangiti.. haha.. para akong tanga.." Dugtong ni Mike.

"Haha are you kidding me? Always ka kaya nakangiti.. hindi ko makakalimutan ang mga ngiti mo Mike lalo na kapag pinapahiram mo ako ng notes.. I only saw you sad once... but I will treasure that sad face". Kinuha ko naman ang glasses ko sa lamesa at muli itong sinuot.

"Why?" Seryosong tanong ni Mike sa akin.

Tiningnan ko siya sa mata, ngumiti ako at sinabing; "Because that was the day that you said sorry to me"

"And why did I said sorry?" Tanong ni Mike. "And why did you put back your glasses? Inalis na nga eh!"

"Eh hindi ako nakakakita!" Naiiritang sagot ko naman.

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon