Final Chapter

238 2 1
                                    

August 31, 2017

Its been two weeks since nakita ko si Mike.. at kahit pa man nagkabati na rin kami ni Ian at masayang natapos naming magkaklase ang pag-oorganize ng reunion ay nalulungkot pa rin ako at nag-aalala kay Mike.

Hindi siya nagpakita sa meetings or tumulong sa pag-oorganise. Sabi sa akin ni Adam ay nagpaalam daw sa kanya si Mike na mag ba-backout siya sa planning and organizing dahil may emergency daw sa banko kung saan siya nagtatrabaho.

"It's sad na, again, hindi ka naman makakapunta sa reunion, Jade.. tumulong ka pa naman." Malungkot na sambit ni Cherry. "So, I'll just see you again soon, okay?"

Isang blusang light blue at white shorts ang suot ni Cherry.. bagay sa curvy figure niya, matangkad na tindig at mestizang kagandagan. Kikay si Cherry.. dahil narin sa parati niyang pagsasali ng mga beauty contests.. Medyo maingay at may attitude pero isang mabuting kaibigan. Hindi man siya talagang kasali sa grupo namin ay tinuturing parin naming siyang kabilang na sa amin..

Nagyakapan kami ni Cherry at sinabi kong; "See you again pagbalik ko". Ngumiti na lamang ako sa kanya.

"Hopefully, sana sa pagbalik mo kumpleto na tayong magkakaibigan." Sambit ni Adam at niyakap ako nito. "Jade.. jade.. huy! Nakatulala ka!"

"Ay sorry.." Gulat na sagot ko naman.

"Sino bang nililingon-lingon mo sa paligid?" Tumingin-tingin naman sa kanyang likuran si Adam.

"Ah.. wala.. I was just hoping for a friend... who promised me na he will send me off." Pilit na ngumiti ako kay Adam.

"Hindi ka parin talaga nagbabago. You still hung onto promises.. like always.." Ngiting asar ni Adam..

"Haha.. yes.. I still do.. after all.. PROMISES ARE MEANT TO BE KEPT." Niyakap ko ng napakahigpit si Adam. "Anong magkakaibigan lang?! Barkada tayo!"

Bumitaw si Adam sa aking pagyakap at seryosong sinabi na; "Hindi nga sabi! Group of friends lang.. diba.. sinabi ko naman sa'yo nuong 1st year pa lang tayo.. bad influence ang barkada sabi ni mama".

Nagtawanan naman kaming tatlo at nagyakapang muli. "Thank you for everything, guys! I enjoyed my vacation because of you".

"Jade. Tara na pasok na tayo sa airport." Singit naman ni Ian.

Sinundan ko na sana si Ian nang bigla akong pinigilan ni Cherry.

"Jade. Wait!" Sigaw ni Cherry. Binigay niya ang kanyang cellphone sa akin at sinabing; "May gustong kumausap sa'yo".

"Hello?"

"Ate?"

"Mike!!!" ngiting sagot ko naman.

"Sorry I can't send you off kasi busy talaga kami sa bank ngayon eh."

"Sus. Palusot pa to.. okay lang.. masaya na ako at napatawag ka..."

Bigla naming kinuha sa akin ni Ian ang cellphone at kinausap si Mike.

"Hello dude.. OO.. si Ian to. Look.. I'm sorry if may nagawa man akong kasalanan sa'yo but what we've discussed still stands.. I will trust you as Jade's friend.. but don't go over your boundaries.. and.. I believe you na ayaw mong sirain ang relasyon namin. Thank you for your friendship with Jade and hope to hang out with you soon.."

Nagulat kaming tatlo ni Cherry at Adam sa narinig namin mula kay Ian.

'Thank you Lord Jesus!' Ang nasabi ko sa aking isipan.

Ibinalik ni Ian sa aking kamay ang cellphone ni Cherry at nagpaalam na rin siya kay Cherry at Adam. Pumasok na rin ito sa loob ng airport, habang dala-dala ang mga maleta namin.

I'm in love with my ex's best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon